Prologue

2.1K 51 0
                                    

Nasa bar ako ngayon at alam kong naparami na ako ng inom, dahil umiikot na yung paningin ko. Naglalakad ako papuntang parking lot para sa umuwi na. Pero pasuray-suray na akong maglakad.

"Hi miss beautiful, hatid na kita parang nag-iisa ka ah." sabi ng isang lalaking mukhang pugo. Oo pugo, dahil kalbo sya.

"No need, I can handle myself, humpty dumpty." sabi ko habang pilit kong ipinapasok yung susi ng kotse ko sa susian. Pero damn, hindi ko mapasok. Lasing na talaga ko.

"Come on, babe. Mag-eenjoy kang kasama ako." pangungulit pa nya sa akin. Pero hindi ko na sya pinansin, gusto kong umuwi na. And besides hindi naman ako slut para sumama sa kanya.

Bigla naman nitong hinawakan yung pwet ko kaya napatingin ako sa kanya.

"What the hell, pervert!" sa buong buhay ko, ngayon lang ako namolestsa ng ganito. Damn it! Ang bastos nya kaya mag-asawang sampal ang inabot nya sa akin.

Napahawak naman sya sa gilid ng pisngi nyang namumula sa lutong ng sampal ko. Kaya naman bigla nya akong hinawakan sa aking dalawang kamay. Nagpupumiglas ako pero ang lakas nya, kaya naman I kicked his manhood. Kaya namamalipit sya sakit.

"Putang-ina kang babae ka!" galit nya akong sasampalin ng may narinig akong nagsalita.

"I would not do that, if I were you." sabi ng isang boses kaya naman pareho kaming mapatingin sa kanya.

"At sino ka naman para pigilan ako ha!" inis na sabi naman ng lalaki sa kanya.

"I'm just nobody, but harassment can put you into jail. In case you don't know in R.A. 7877 harassing someone can be lead to imprisonment of not less than one month and not more than six months. So get the hell out of here. You fucking pervert." sabi nito sa lalaki. Mabilis pa sa kunehong nagtatakbo yung lalaki.

"Kung akala mong magpapahatid ako sayong lesbian ka, dahil sa ginawa mong pagtulong sa akin. No freaking way!" sabi ko sa kanya pagkabukas ko ng pintuan ng kotse ko.

"What are you talking about? Hindi kita ihahatid no. But here's my coffee, take it. Pampawala sa hilo mo, baka ikaw naman yung makasagasa dyan, dahil lasing kang magda-drive. Ako na mismo ang magtuturo sa mga pulis, para maikulong ka." sabi naman nito sa akin sabay abot ng kape nya. Kinuha ko naman, ayoko namang makasagasa ng inosenteng tao 'no. Kahit na alam ko naman sa sarili kong kaya kong magdrive. Alam ko naman iba pa rin yung nag-iingat.

Nagbar akong mag-isa dahil sa stress ko sa trabaho, bilang isang doktor. Mahirap maging isang surgeon, especially kapag sa E.R naka-assign. Mahirap maging doktor, dahil kahit nasa bahay ka na, hindi ka pa rin makakapagpahinga ng maayos, dahil nasa isip ko yung mga buhay ng pasyente ko.

"Okay bro, chillax. I'm just here to pick you up. Miranda rights, remember?" sabi nito at napatingin sa akin. Inirapan ko naman sya.

"What?!" sagot ko sa cellphone ko.

"You're doomed, Paige." natatarantang sabi sa akin ng pinsan ko. What? Anong doomed ang pinagsasasabi nya? Wala naman akong ginagawa ha.

"Teka, hindi kita maintindihan pinsan. Ano ba talagang problema?" taka kong tanong sa pinsan ko.

"Yung kapatid mo nakipagbasag-ulo na naman, kasama yung mga tropa nya. Pumunta ka rito sa presinto, dalian mo." napasapo naman ako sa noo ko. Ano na naman bang kalokohan ang pumasok sa utak ng kapatid kong abnormal. Kainis.

"Oo na pupunta na'ko. But wait! Fuck hindi ako pwedeng pumunta sa presinto, I'm drunk, cousin." natataranta kong sabi dito. Shoot! Kapag nalaman ng mga pulis na lasing akong nagdrive papunta sa presinto, baka hindi lang isa kundi dalawa kaming makulong ng kapatid ko. Holy cow, magkapatid nga kami.

Tumakbo naman ako papunta sa lesbian na papasok sa bar. Tapos ay hinila ko sya pakabig sa akin, kaya naman natumba kaming dalawa at shoot, nagkiss kami. Shit!

Agad-agad naman akong tumayo, ganun din naman sya. Okay Paige, relax. Kunwari walang nangyari. Chill, okay. Kailangan mo ang tulong ng lawyer na 'to. Relax, self. It's just a kiss. Hindi naman siguro big deal yun di ba?

"What do you want, thief." walang emosyong sabi nito, at tinulak nya yung noo ko gamit yung index finger nya. Argh! I'm not a kid, damn it.

"I'm not a thief-- hindi pa ko nakakatapos magsalita ay nagsalita na sya.

"Yeah, whatever thief." sabi pa nito. Nakakaasar na ha.

"I said, I'm not a thief. So please stop calling me a thief." inis kong sabi sa kanya.

"Whatever, thief."

"Please stop, hindi na nakakatuwa." yeah, yeah ako ang may kailangan sa kanya, pero ako pa yung nagsusungit. Great Paige, you're so great.

"Yung kapatid kong sira-ulo nasa presinto. Pwede mo ba akong samahan dun, kahit na ipagdrive mo lang ako, tapos alis ka na." sabi ko sa kanya. Bahagya naman syang natawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Listen, miss thief, siguro naman sobra-sobra na yung pagtulong na ibinigay ko sayo right? I saved you from that jerk, binigay ko rin sayo yung comfort drink ko na coffee, para naman mawala yung hilo mo dahil sa pag-inom mo ng alak. Then gusto mong ipagdrive pa kita, papuntang presinto para puntahan yung kapatid mo. Hindi ka naman abusadong nilalang 'no?" sabi nya sa akin. Inirapan ko lang naman sya.

"Hoy, hindi ko naman sinabing tulungan mo ako kanina, I can handle myself, besides you gave me that drink remember? Kusang loob mo yun, kaya wag mong isumbat sa akin, kung hindi rin naman pala bukal sa loob mo yung pinaggagagawa mo, sana hindi mo na ginawa." sagot ko naman sa kanya. Akala nya papatalo ako sa kanya, no way.

"Still, hindi kita ipagdadrive. Maggrab ka na lang or taxi kung hindi mo kayang magdrive, freaking thief." Lumakad naman na sya palayo sa akin.

"Look, it's an emergency. Ikaw na rin ang nagsabi na hindi dapat nagdadrive ng lasing, hindi ba? So kung may natitira ka pang kabutihan dyan sa sarili mo, which I know wala naman dahil lawyers are liars, but sasagarin ko na. Ihatid mo na'ko." Nice one Paige, kahit kailan pahamak yang bibig mong walang prenong magsalita. Ikaw na nga ang nanghihingi ng pabor sa tao, nilait mo pa. Damn self!

"Excuse me, wala akong sinabing hindi ka dapat magdrive ng lasing. But okay, for the sake of my brain cells, ihahatid na kita, ayokong makipag-argue sa mga walang utak." sabi nito na hindi ko na masyadong naintindihan dahil ang hina ng boses nya.

Damn this lawyer, ang dami pang arte hindi rin naman pala mananalo sa'kin. Sumakay na kami sa kotse pumuntang presinto.

Hindi ko alam kung dahil late na ng gabi, o dahil sa nainom ko, o dahil sa aircon ng kotse kaya bigla naman akong inantok. Kaya naman ipinikit ko na yung mata ko para sana umidlip man lang pero narinig ko pa yung mahina nyang salita.

"Stupid thief, you stole my first kiss."

***

A/N: thanks for reading sana magustuhan nyo. :)

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now