Chapter 31 - Meaning Behind It

424 23 3
                                    

Lawyer

"Bakit hindi ka sumama paghatid kay Aerin?" Tanong ni Paige na inabutan ako ng kape, medyo late na rin pero nagta-trabaho pa rin ako.

"Hindi naman talaga ako sumasama kapag hinahatid yun sa airport. Thanks sa coffee by the way." Tumango lang naman si Paige at naupo sa sofa kung saan malapit ang study table ko.

"May ex-fiance ka raw? Olivia ang name, hindi ko sure nga lang kung tama."

Mapahigop ako ng kape at inalis yung suot kong salamin. Maha-hot seat pa ata ako, kung alam ko lang na ito yung kapalit ng kape sana di ko na tinanggap haha.

"What about her?" Tanong ko sa kanya at naupo sa tabi nya, para magpahinga.

"Bakit hindi natuloy yung kasal nyo? Aerin mentioned that it was because of her."

Napatingin ako kay Paige, ang seryoso nya. Bakit parang interesado sya sa nakaraan ko.

"Well, hindi naman talaga kasalanan ni Aerin yun, sa totoo lang matagal na syang kontra-bida sa lovelife ko lalo noong naging kami ni Olivia."

Napatingin ako sa kapeng hawak ko, hindi ko alam pero sakto sa panglasa ko yung kape na timpla nya, masarap.

"Ilang beses na kasi nilang nakita si Olivia na nagchi-cheat sa akin, pero syempre ako naman si baliw hindi naniniwala. Syempre hindi ko naman nakikita."

"To see is to believe ganoon?" Napatango ako kay Paige na ngayon ay nakasandal sa sofa.

"So ayun, inalok ko sya ng kasal, pumayag naman, pero noong isu-surprise ko sana sya dahil tinanggap nya yung alok kong kasal nahuli ko syang nakikipagsex."

"Grabe naman!" Natawa naman ako sa reaksyon nya.

"Anong ginawa mo noong nakita mo yun? Sinapak mo ba yung ka-sex nya or what?" Sa tono ng boses nya parang sya pa yung galit, kinuha naman nya yung kape sa akin at uminom, muntik pa ata nyang naubos.

"Wala akong ginawa, umalis lang ako. At saka matanda na ako para makipagsapakan. Baka mabasag yung napakagandang mukha ko." Natatawa kong biro sa kanya, pero hindi effective dahil hindi sya tumawa.

"Joke yun?" Irapan ba naman ako. Kinuha ko yung tasa ng kape sa kanya.

"Baka naman ikaw yung makaubos ng tinimpla mong kape sa akin." Napairap naman sya sa akin, bakit ba ubod ng sungit nitong babaeng 'to.

"Excuse me pinahawak ko lang sayo yung kape, akin talaga yan." Baliw talaga sya oo.

"Alam mo kikiligin na sana ako sa pagtimpla mo ng kape sa akin, pati yung timpla mo ang sarap eh. Kaso panira ka ng moment eh." Sumandal naman sya sa balikat ko, okay...so ngayon malambing naman sya.

"Alam mo Monteverde, wala akong balak pakiligin ka. At kasalanan ko bang maganda ang asawa mo at sa pagtimpla ko palang ng kape kinikilig ka na." Sabi nya habang nakapikit.

Napatitig naman ako sa mukha nya, pati sa labi nya. Napalunok pa tuloy ako ng laway.

"Grabe ang lakas ng hangin dito." Sabi ko naman at pinitik yung noo nya.

"Aray naman!" Napatayo sya bigla at muntik pa akong matapunan ng kape.

Tatayo na sana ako nang bigla nya akong tinulak paupo sa sofa.

"What the hell?" At natapon na nga yung kapeng hawak ko sa sofa. Ang hirap pa naman maglinis ng sofa, nababaliw na ata sya.

"Nababa..liw ka.. na.. ba?" Halos mawalan ako ng boses sa sobrang hiya dahil bigla syang naupo sa lap ko ng paharap.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon