Chapter 19 - Truth Prevails (Part Two)

477 31 4
                                    

Lawyer

"Paige, I'm sorry to hurt you, noong sinabi ko na this kiddo is a liar. But you know honey, this kiddo knows nothing. That's why I guided her to know the real truth about her family."

"What do you mean by that, dad?" takang tanong ni Paige sa ama nya.

"Why don't you ask your wife?" bigla namang namula si Paige. Bakit nagba-blush sya?

"You better tell me the whole truth or else I will dissect you."

"Ohh, scary. I like it, doctorney." pang-aasar ko sa kanya. Pero sinamaan lang nya ako ng tingin.

"Paige, matalik na magkaibigan ang tatay ko at ang papa mo." paliwanag ko sa kanya. Napatingin naman si Paige sa papa nya at tumango ito.

"Nalaman ko yun noong naglalaro kami ng chess. Simula noong nagalit ka sa akin at sa sinabi ng papa mo, hindi na ako nakatulog kakaisip sa sinabi nya. Dahil ang buong akala ko ay ang tatay ko ang masama, hindi ang mama ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ginamit lang ng mama ko ang tatay ko. But you see, my dad and your dad is a genius." kahit ako hindi ko inaakala na ganito silang mag-isip na dalawang magkaibigan, sobrang talino nila.

"What do you mean by that?" takang tanong ni Paige sa akin.

"Ang buhay parang chess yan, Paige. Minsan kailangan mong magsacrifice para maabot mo yung kagustuhan mo na manalo sa buhay. Just like my mom, she sacrificed my dad's freedom for her freedom. Ginamit nya ako para mapaniwala akong mabuti syang ina at ang tatay ko ang may kasalanan sa lahat ng masasamang ginawa nya."

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako na ewan. Siguro dahil hindi ko na alam ang tunay na katotohanan sa oras na ito. Masyadong mabilis ang pangyayari sa buhay ko, pero isa lang ang sigurado ko. Totoong tao ang tatay ko at hindi sya sinungaling.

"Nag-aral akong maging abugado para lang maipakulong ko ang tatay ko. Pero ang totoo, nagsacrifice ang tatay ko hindi dahil para sa mama ko, kung hindi dahil sa akin. Dahil ayaw nya akong mapahamak. Dahil alam nyang gagawin ko ang lahat para sa mama ko na mahal ko. Iniligtas nya ako sa mama ko na pinagbabantaan pala ako noon. At para mailigtas nya ako para hindi ako mapahamak, prinotekhan nya ako kapalit ng pagkakakulong nya para mamuhay ng malaya ang mama ko at ako."

How ironic na lawyer ako, pero hindi ko nakita agad ang katotohanan sa lahat ng bagay na ipinakita sa akin ng aking ina.

"Mas pinili ng tatay ko na makulong sya at isakripisyo ang sarili nya para sa akin, parang sa chess na gagawin mo ang lahat kahit na isacrifice mo ang sarili mo masave lang ang king. Pero hindi ko akalain na planado na pala ang lahat, at alam ng tatay ko ang magiging takbo ng aming buhay. Dahil alam nya na kapag kinamuhian ko sya gagawin ko ang lahat mabulok lang sya sa kulungan kaya ako naging lawyer."

Napapikit ako habang inaalala yung sakit ng nakaraan.

"Nag-aral ako ng abugasya para madikdik ko sa kulungan ang aking ama. Pero plano nya lamang pala iyon, dahil ang totoo nyan ay kaya nyang gawing kontrabida ang sarili nya sa paningin ko. At kaya nya ginawang masama ang sarili nya ay para sa akin. Para sa takdang panahon ng pagdurusa nya sa selda ay mapapalitan ito ng kabuluhan kapag nalaman ko ang katotohanan sa lahat. Na kaya nya ginawa ang lahat ng iyon ay para ako ang maglabas sa kanya sa kulungan. Dahil alam nya na sa huli ang katotohanan ang mananatili at nagtiwala sya sa akin noon pa man na kayang-kaya ko syang ilabas ng kulungan kahit na noon ay halos isumpa ko sya. Narealized ko lang lahat ng iyon, noong naglaro kami ng chess."

Hindi ko napigilan ang pag-agos ng luha ko.

"At salamat sa tatay mo, Paige. Dahil sila ang gumabay sa akin para malaman ko ang tunay na katotohanan, na ang aking ama ay isang inosente. Nablackmail lang sya ng aking ina na sasaktan ako nito kung hindi sya isusuko, kaya umamin na lang sya na sya talaga ang tunay na drug dealer."

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now