Chapter 16 - Sleepless Night

480 30 1
                                    

Lawyer

Ilang araw na akong hindi makatulog dahil sa halik na yun. Argh! Paige ano bang ginagawa mo sa akin.

"Monteverde ayos ka lang ba? Napapansin ko ilang araw ka ng hindi okay." may halong pag-aalala yung boses nito.

"Iniisip ko lang kasi yung kaso ng mama ko." oo dapat dito ako magfocus sa kaso ng ina ko, kahit na hanggang ngayon hindi ko pa sya makita.

"Bakit anong nangyari?"

Gusto ko sanang sabihin kay Paige, pero hindi pa ako handang sabihin sa kanya.

"Tsaka ko na lang sasabihin sayo."

Tumango lang sya sa akin at hindi nangulit.

"Kamusta yung trabaho mo?"

"Ayos naman, hindi na ako ginugulo ni Doc Mike." mabuti naman.

Bumili kasi kami ni Paige ng ring, para daw makatotohanan na mag-asawa talaga kami.

"Ikaw mabuti hindi ka na kinukulit ng secretary mo."

"Hindi naman na, maiba nga ako, ano ngang dahilan mo bakit gusto mong hanapin yung nakauna sayo?"

"Wala lang." sabi nito at tumabi sa akin sa higaan. Kakatapos nya lang magsuklay naligo kasi sya.

"Wala lang? Gusto mong hanapin yung nakauna sayo dahil wala lang. Hindi ako naniniwala. There must be a reason why you're searching for that person."

Nakatingin kami ni Paige sa isa't isa. Ang ganda nya hindi ko mapagkakaila.

"Maybe gusto kong itanong sa kanya kung may nangyari talaga sa amin. Syempre pagkababae ko yun, mahalaga yun sa akin. At alam ko ring mahalaga yung sa mapapangasawa ko." si Henry ba yung tinutukoy nyang mapapangasawa. Bigla tuloy akong napaiwas ng tingin sa kanya.

"Huwag kang mag-alala doon, kung mahal ka ng mapapangasawa mo. Wala syang pakialam sa nakaraan mo kahit ano pa yan. Ang mahalaga tanggap ka nya at handa ka nyang mahalin hanggang nagsasama kayo." tumalikod na ako ng higa sa kanya.

"Bakit mo ako tinatalikuran?"

"Dito ko lang ako lagi humaharap para mabilis akong makatulog." paliwanag ko sa kanya.

"Sinungaling, lagi ka kaya dyan nakaharap pero hindi ka naman nakakatulog ng maayos ilang araw na." paano nya nalaman?

"Alam mo Monteverde, kung may bumabagabag sayo, sabihin mo sa akin, asawa mo ako di ba?"

Hindi ko alam kung bakit pero lagi nyang binabanggit yung asawa asawa na yan sa akin. Hindi ko alam kung seryoso sya o ginagamit nya lang ako.

"Iniisip mo ba kung bakit kita hinalikan?"

"Hindi." mabilis kong sagot sa kanya. Bigla naman syang natawa.

"So iniisip mo nga?" pang-aasar nya sa akin.

"Hindi nga, ang kulit mo Paige."

"Humarap ka sakin, Skylar." hindi ko alam pero bigla na lang akong napaharap sa kanya ng tinawag nya ako sa pangalan ko.

"Alam mo ba kung bakit kita hinalikan?"

Umiling ako bilang sagot sa kanya.

"Alam mo ba kung bakit alam kong hindi ka nakakatulog ng maayos sa gabi."

Umiling ulit ako.

"Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kasi gusto kong malaman na kapag ba hinalikan kita magugustuhan ko ba, na kapag ba hinalikan kita mapofall ba ako sayo. Kaya alam kong hindi ka makatulog sa gabi ay dahil iniisip mo kung bakit kita hinalikan, tama ba?"

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora