Chapter 20 - Love you bes

505 27 1
                                    

Lawyer

"I've been trying to contact you all day long, and you don't even bother to look into your phone and answer my damn calls!"

Napahilamos ako ng mukha sa sermon ni Cheska. Nakacross-arms naman ito habang nakataas yung kilay.

Nasa sala kami ngayon ng bahay namin ni Paige, habang si Paige ay abala sa panonood ng t.v. Walang may gustong magsalita sa amin ng best friend ko. Hindi ko naman kasi alam na tumatawag sya dahil nakasilent yung cellphone ko. At saka busy ako dahil ipinagluto ko si Paige.

Dumaan si Paige sa harapan namin ni Cheska para kumuha ng inumin sa ref, pareho pa kaming napatingin ni Chester sa kanya nang magsalit-salit sya ng tingin sa amin habang umiinom ng tubig.

"Rude fucking bitch!" palatak ni Cheska.

"You know what, para kayong magjowa sa asta nyo. Tapatin nyo nga akong dalawa may gusto ba kayo sa isa't isa?"

Napakunoot-noo naman ako sa sinabi ni Paige. The hell?!

"Or ikaw ang may gusto sa kaibigan mo, Cheska?"

Hindi sumagot si Chester, pero yung titigan nila akala mo may kuryenteng dumadaloy at nagtatama. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

"What if meron nga akong gusto kay Ryl? Maaapektuhan ka ba? Sa tingin ko hindi, kasi alam mo kung bakit? Kasi ginagamit mo lang naman sya talaga."

Wow as in wow! Tanong nya sagot nya.

Hindi naman ako nagtataka kung bakit ganyan makaasta yang si Chester sa akin, dahil alam ko naman talagang may gusto sya sa akin. Dahil tuwing nalalasing sya sinasabi nya sa akin yun, kaya hindi na ako nagulat. Na kesyo ako raw ang prince charming nya na tagapagtanggol sa mga kawal na asungot kapag nalalasing sya. Hay baliw.

"See? Hindi ka naman maaapektuhan kahit na halikan ko si Ryl sa harapan mo ngayon." bigla namang nanlaki yung mata ko sa sinabi ng baklang 'to. Baka gusto nyang sapakin ko sya. Dumistansya ako ng konti sa kanya, konti lang naman. Pero talagang iba rin 'tong dalawang 'to parang hindi ako kasama. Hello! Ako kaya yung pinag-uusapan nyo at sa harapan ko pa talaga.

"Hindi talaga ako maaapektuhan, bakit naman ako maaapektuhan kung hahalikan mo sya, hindi ko naman sya girlfriend."

"Excuse me, I'm your wife."

Napalingon silang pareho sakin at sabay akong inirapan. What the hell is wrong with them?!

"Sinabi ko na noon na kahit sya pa ang natitirang nilalang sa mundo hinding-hindi ako makakagusto sa lawyer na yan."

"Talaga lang ha, tingnan lang natin kung hanggang kelan mo paninindigan yang sinasabi mo. But let me warn you, guard your heart Paige. Because even if you're a doctor, you cannot prevent your heart from falling with this lawyer." sabi ni Chester sabay exit. Langya, anong kadramahan yun, may pawalkout-walkout pa syang nalalaman.

Napadako naman yung tingin ko kay Paige na nakatingin lang din sa akin. Inirapan naman nya ako tapos ay pumasok sa kwarto. Sinundan ko sya hanggang sa kwarto. Nakita kong hawak nya yung cellphone nya, may emergency ba sa ospital?

"God! Ano bang problema ng best friend mo sa akin at ang init ng ulo nya sa akin?"

Nahiga ako sa kama para tumabi sa kanya.

"Nagseselos lang yun sayo, nasanay kasi yun na nasa kanya lang atensyon ko."

"Hmp! Isip bata, may gusto talaga sayo yun." inirapan naman nya ako, eh bakit sakin sya naiinis? Kasalanan ko ba yun? Baliw din 'tong doctor na 'to.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now