Chapter 13 - The Real Fiance

497 26 0
                                    

Lawyer

"She's beautiful and one of a kind, she reminds me of my ex....that's why I want her to be my wife."

"Pero alam kong hindi ka basta-basta papayag na maagaw ko sya sayo." inakbayan nya ako tapos ay ginulo yung buhok ko.

"Get your hands off me, hindi tayo close."

"Come on, lil cous. Alam kong may gusto ka sa babaeng yun. Wag kang mag-alala, kukunin kitang best man sa kasal namin."

Lumakad na ako palayo sa kanya. Alam kong inaasar lang ako ng pinsan ko. Pero alam ko rin na gusto nya talagang pakasalan si Paige. Matagal na nyang kinukwento sa akin yung babaeng matagal na nyang gusto, na nagpapaalala sa kanya sa ex nya. Hindi ko akalain na si Paige pala yun.

"Lil cous, alam mo naman na sa ating dalawa, ako yung mas lamang. Huwag kang mag-alala, aalagaan ko syang mabuti para sayo."

"Wala kang aalagaang mabuti para sakin. Dahil sa akin si Paige. Wala akong pakialam kahit na kampihan ka pa ng buong angkan natin. Hinding-hindi ko ipapaubaya sayo si Paige. Akin sya." binangga ko sya tapos pumunta na ako sa kinaroroonan ni Paige at grandma.

"Paige, kumain ka na ba? May niluto ako para sayo." dala ko yung niluto kong pagkain para kay Paige.

"Grandma, may dala rin po ako para sa inyo." baling ko kay grandma, nakatingin lang sya sa akin, wari mo sinusuri bawat galaw ko.

"Sa tingin ko mas maganda kung sa labas na lang tayo kakain, para makapag-usap tayong lahat tungkol sa kasal." pahayag naman ng pinsan ko.

"Hindi na, matatapos na rin yung break ko. Dito na lang ako kakain." pagtanggi ni Paige sa alok ng pinsan ko.

"Paige iha, kung gusto mo ipagpapaalam kita sa may-ari ng ospital na ito, para naman nakapag-usap kayong mabuti ni Henry."

"Hindi na po. Mas gusto ko rito sa ospital. Ayoko na ring lumayo pa. Monteverde, ikaw ba kumain na? Sabay na tayo." hinila naman ako ni Paige palayo sa lola nya at kay Henry.

"Si Henry kaano-ano mo sya?" tanong nito sa akin ng makalayo kaming dalawa sa kanila.

"Pinsan ko sya."

"So it runs in the blood huh."

"Ang alin?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Yung genes nyong gwapo at maganda." so nagagwapuhan sya sa pinsan ko. Sabagay gwapo naman talaga yun.

"Ganoon ba, salamat." hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Alam mo Monteverde, pansin ko hindi ka komportableng kasama yung pinsan mo. May problema ba?"

Kumakain na sya ngayon, para namang nagustuhan nya yung luto ko, dahil subo sya nang subo.

"Wala naman."

"Alam mo matagal ko ng crush yung pinsan mo. Pareho kami ng school na pinasukan, hindi ko akalain na sya pala yung papakasalan ko." natatawa nitong kwento sa akin.

"Ganoon ba? So hindi na pala natin kailangang magpanggap pa, bakit hindi mo pa kausapin yung pinsan ko at lola mo tungkol sa kasal nyo."

"Hmm.. Ayoko lang. At saka alam nila na tayo di ba? Edi lagot ako kay grandma kapag nalaman nyang nagpapanggap lang tayo."

"Wala namang kaso sa akin yun. Sya naman talaga yung totoong fiance mo. Mas mabuti na maaga aminin mo na. Dun din naman yung tuloy."

"Eh bakit ba? Sa gusto kitang kasama, tsaka kung aaminin ako hindi na tayo magkikita at magkakasama, ayoko namang mangyari yun. Tsaka crush ko lang naman yung pinsan mo. Hindi ko naman sinabing mahal ko sya."

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now