Chapter 34 - Logical Reasoning

804 42 16
                                    

Lawyer

"I want you to know that I am ready to know what logical reasoning you have to say, why you picked being a lawyer." Hindi ko alam kung matatawa ako o magseseryoso ako sa sinabi ni Paige. Pero dahil seryoso sya ay umayos ako ng upo, nandito kami sa sala.

Napahigop ako ng tinimpla kong kape, bago tumingin sa kanya. Hindi ko mabasa yung expression ng mata nya. Masyado syang magaling magtago ng emosyon.

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, pero dahil kay grandma kaya ko ginustong maging lawyer."

Napataas ang kilay nya, alam kong galit pa rin sya sa tito ko, dahil iyon ang tumulong kung bakit naghiwalay si grandma at grandpa.

I can feel that she has something to say in her mind, but chose to listen to me instead.

"My tito helped your grandparents to separate, yes. But not because he wants to see a happy family become broken, but he wants to save it from being a broken family."

Alam kong naguguluhan sya.

"What do you mean save it from being a broken family? Your tito ruined it the day he agreed to be my grandma's lawyer." Alam kong inis at pagkagalit ang nararamdaman ni Paige ngayon, napahigop na naman ako sa aking kape.

"Whatever you have to say, it should be a valid reason, because if not, I swear, I will not be the mother of your children."

The way she threatened me is so damn cute. Natawa naman ako sa kanya. But I stopped when she gave me a piercing look.

"I hate to say this but I discovered it when I was sneaking into my tito's office. I overheard what they're planning."

"You have to be my wife's lawyer, Mr. Monteverde. You know how much I love my wife and my family."

Hindi sumagot si tito, para syang natatakot na ewan. Hindi ko maexplain kung anong tumatakbo sa isip nya ngayon.

"Pero Sir, wala na bang ibang paraan kung hindi ang hiwalayan ang asawa ninyo? Baka magawan pa natin ng paraan?" Base sa boses ni tito ay natatakot sya, pilit nyang pinapakalma ang sarili nya.

"Alam mong wala ng ibang paraan kung hindi ang makipaghiwalay sa kanya. Kapag hindi kami naghiwalay, walang matitira sa kanya. Alam mo kung gaano kalaki ang utang ko sa kumpanya nang lokohin ako ng naging kasosyo ko. Lahat ng pinaghirapan ko mawawala, at ayokong walang matira sa pamilya ko."

Napaupo ang matanda sa upuan habang hawak ang sintido nito.

"Conjugal property ang pag-asa natin para hindi mawalan ng ari-arian at yaman ang asawa ko at anak ko. Alam mong uubusin nila lahat hanggang sa wala ng matira sa akin kahit na buhay ko pa."

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now