Chapter 11 - Laywer's Wife

629 35 3
                                    

Lawyer

"Skylar, nababaliw ka na ba?" halos pabalik-balik na lakad ni Cheskang bakla sa harapan ko. Napairap naman ako sa kanya.

"Ano ba kasing pumasok dyan sa kokote mo at naisipan mong sabihin yun sa doctor na yun. Well, hindi naman ako against sa inyo. Kaya lang Ryl, hinahanap mo yung mama mo di ba? Tapos ngayon bigla-bigla mong inannounce sa buong mundo na asawa mo si Paige. My gosh, sumasakit ang ulo ko sayo." naupo naman si Cheska sa tabi ko, binigyan ko sya ng tubig para naman mahimasmasan sya.

"Nag-iisip ka ba talaga, Cheska? Malamang may utak ako kaya nga ginamit ko eh. Hindi ba mas mapapadali yung paghahanap ko sa mama ko kung iaannounce ko sa public na kasal na ako. Malay mo magpakita sa akin yung mama ko, hindi ba?"

"Baliw, ang tagal nyang nagtatago, sa tingin mo ba dahil lang sinabi mong may asawa ka na eh magpapakita na sya sayo?" nagkibit balikat na lang ako. I want to take my chances.

"Malay mo naman." tapos ay tumayo na ako para iligpit yung pagkain.

"Alam mo Attorney, sa tingin ko gusto mo lang talaga yang si Paige eh. Biruin mo ginawa mo yung announcement na yun sa tv tapos payag kang magkunwaring asawa nya. Ano ba talagang nasa isip mo ha?"

"Alam mo ikaw Cheska, napapansin ko ang dami mong sabi kay Paige. Nagseselos ka ba ha?" asar ko sa kanya. Halos tumirik naman yung mata nya sa kakairap.

"Bwisit kang abugago ka, kasi naman kung ano-anong gusot ang pinapasukan mo. Pamilyang problema yan, baka mamaya ipatsugi ka nung lola ni Paige." banta nito sa akin.

"Para namang hindi ako sanay sa mga death threats bakla." naglakad naman si bakla papunta sa ref ko. Pagbukas nya ay nagulat sya dahil malamang puro apple yung laman nun.

"Bakit puro apple yung laman ng ref mo?"

"Malamang binibigay ko yan kay Paige."

"Hoy tanga ka ba? An a apple a day keeps the doctor away."

"Kaya nga binibigay ko yan sa kanya."

"Hay nako ewan ko sayo, Monteverde. Ang sakit mo sa ulo, bahala ka na sa buhay mo. Bahala ka rin sa secretary mong selos na selos kay Paige. For sure hindi maniniwala yun na asawa mo si Paige. Ikaw nga ang kumausap dun, kesa ako ang kinukulit."

Shit! Oo nga pala, napakilala ko si Paige bilang girlfriend ko. Malamang hindi yun maniniwala na asawa ko si Paige. Ay bahala na nga si batman.

"Hoy, Monteverde may text ka."

Muntik ko pang hindi masalo yung cellphone ko dahil initsa sa akin ni bakla. Bwisit na 'to, sisirain pa yung phone ko.

"Bakit ba kasi hindi mo pa palitan yang cellphone mo ang old model na."

"Paki mo ba? Lumayas ka na nga dito. Huwag kang iinom ngayon, aalis kami ni Paige mamayang gabi hindi kita masusundo kung saang bar ka man iinom. Bukas ka na lang uminom."

"Eh?! May date ako ngayon, Monteverde! Nakakaasar ka! Dun ka na sa Paige mo!"

Nagdabog naman itong pumasok sa isang kwarto sa condo ko.

"Hoy! Wag kang umarte dyan. Date ka dyan, sa bar date? Baliw ka ba? Pagbigyan mo na ko, may asawa na ko eh!" asar ko sa kanya.

"Kita tayo, now na."

Hindi ko alam kung bakit gustong makipagkita sa akin ni Paige. Ang alam ko kasi nakaduty pa sya at mamaya pa yung out nya. Bakit ang aga naman ata nyang nag-out.

Hindi ko alam ang irereply ko sa kanya. Bahala na nga.

*ring*

"Oh bakit napatawag ka bigla?" takang tanong ko kay Paige.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now