Chapter 4 - First Encounter

611 30 0
                                    

Thief/Doctor

"Hoy Paige, bakit ba ayaw mong sagutin si Doc Mike, ang tagal na nyang nanliligaw sayo." usisang tanong ng kaibigan ko. Ayan na naman sya, eh ayoko nga sa doctor na yun. Mayabang.

"Alam mo Maxine, ayoko sa taong mayabang." sabi ko naman sa kaibigan ko.

"Sus, ayaw mo sa mayabang, ayaw mo sa ganito, ayaw mo sa ganyan. Ayan, sa kakaayaw mo tatanda ka ng dalaga." minsan hindi ko alam kung concern ba 'to sa'kin o gusto lang ako laitin. Sa araw-araw na lang, puro yung walang jowa ko ang iniisip nya. Mas concern pa nga sya kaysa sa akin sa mapapangasawa ko.

"Ay best, andito nga pala kahapon yung pinsan kong bakla."

"Bakit naman napadpad yun dito?"

"Eh sinundo yung kaibigan nya. Nadulas daw sa banyo, eh natukod ata yung kamay, pinatingin kung nabali." kwento pa nito.

"Oh tapos?"

"Tapos naoffend ko yata, yung kaibigan ng pinsan ko." sabi pa nya.

"Oh bakit naman?" usisa kong tanong, mabait naman syang tao. Bakit naman sya makaka-offend ng iba.

"Kasi sabi ko ipapakilala kita sa pinsan ko tapos nabanggit ko rin na eight years ka ng single. Eh yung kaibigan pala ng pinsan ko, since birth wala pang nagiging jowa." kwento pa nya.

"Oh tapos? Bakit naman sya ma-o-offend dun?"

"Hindi yun, sinabi kasi nya na ayaw nyang magjowa, katulad mo. Mas okay na daw na single sya kesa magjowa sya. Tapos sabi ko ganoon ka rin at ipapakilala kita. Kaso ang sabi ko, mainit ang dugo mo sa abugado." medyo malungkot nyang sabi.

"Oh eh, wala namang nakaka-offend sa sinabi mo, Maxine. Totoo namang mainit yung dugo ko sa abugado." sabi ko sa kanya.

"Oo nga, pero syempre sya yung abugado. Baka lang naman naoffend ko. Syempre nakakahiya. Kasi bigla na lang syang nag-ayang umuwi." sabi pa nya.

"Best, wala ka namang kasalanan dun. Nasa kanya na yun, kung paano nya tatanggapin yung sinabi mo." paliwanag ko sa kaibigan ko, napabuntong hininga naman sya. Hindi na lang ako nagsalita.

---

Matapos ang nakakapagod na trabaho ko ay dumiretso ako sa bar para uminom ng konti, dahil rest day ko naman bukas. Hindi ko na isinama si Maxine, alam ko namang hindi sya sasama dahil bukas magkikita sila ng jowa nya. Kaya naman ako lang mag-isa ang pumunta sa bar.

Nasa bar na ako ngayon at alam kong naparami na ako ng inom, dahil umiikot na yung paningin ko. Naglalakad ako papuntang parking lot para sa umuwi na. Pero pasuray-suray na akong maglakad. Hindi ko naman talaga gustong uminom ng marami, kaya lang naparami lang talaga.

"Hi miss beautiful, hatid na kita parang nag-iisa ka ah." sabi ng isang lalaking mukhang pugo. Oo pugo, dahil kalbo sya.

"No need, I can handle myself, humpty dumpty." sabi ko habang pilit kong ipinapasok yung susi ng kotse ko sa susian. Pero damn, hindi ko mapasok. Lasing na talaga ko.

"Come on, babe. Mag-eenjoy kang kasama ako." pangungulit pa nya sa akin. Pero hindi ko na sya pinansin, gusto kong umuwi na. And besides hindi naman ako slut para sumama sa kanya.

Bigla naman nitong hinawakan yung pwet ko kaya napatingin ako sa kanya.

"What the hell, pervert!" sa buong buhay ko, ngayon lang ako namolestsa ng ganito. Damn it! Ang bastos nya kaya mag-asawang sampal ang inabot nya sa akin.

Napahawak naman sya sa gilid ng pisngi nyang namumula sa lutong ng sampal ko. Kaya naman bigla nya akong hinawakan sa aking dalawang kamay. Nagpupumiglas ako pero ang lakas nya, kaya naman I kicked his manhood. Kaya namamalipit sya sakit.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now