Chapter 23 - Date

449 27 4
                                    

Thief/Doctor

"Oh ano ngayon nag-iinarte ka dyan kasi hindi ka susunduin ng Prince Charming mo."

"Shut up!"

Naiinis kong tiningnan ng masama si Maxine. Nang-aasar pa kasi sya. Alam naman nyang wala ako sa mood. Nakwento ko kasi yung napag-usapan namin ng bwisit na Monteverde na yun.

"Aminin mo na kasing tinamaan ka na."

"Shut up Max you're not helping!"

"Ewan ko sayo, Paige. Ano ba kasing pumasok sa kokote mo ha?! Gusto mong malaman kung straight ka pa ba ganoon? Jusko naman Paige."

"Eh ano bang paki-alam mo? Hindi ka nakakatulong Maxine. Isa pa sige."

Nagtext pa si Monteverde na hindi nya ako masusundo dahil may importanteng lakad daw sya. Ano na naman ba yung importanteng lakad nya. Mas importante pa ba yun kaysa sa akin. Bwisit!

"Kasi naman, kasi. Ayan ang napapala ng mga pakipot."

"Tumigil ka na nga dyan, Maxine."

Pareho kaming napalingon sa magsalita, napairap naman ako nang makita ko yung baklang best friend ni Monteverde. Huwag nyo ng itanong kung bakit, pero talagang mainit ang ulo namin sa isa't isa, hindi ko rin alam kung bakit.

"Oh ayan yang apple mo, pinapabigay ng Prince Charming mo."

Inis na inirapan ako nito tsaka umalis.

Kinuha ko naman iyon. May note pang nakadikit.

I want to see your beautiful smile, kaso hindi kita masusundo ngayon kaya hindi ko makikita yan, but still I want to make you smile...

Nakapout ako dahil hindi nya talaga ko masusundo, inaayos nya siguro yung sa kaso ng mama nya.

Don't pout okay? Pero tipirin mo lang yung smile mo baka wala ng matira sa akin pag-uwi ko. Pampatanggal pa naman yan ng pagod ko. Huwag kang magpastress kung miss mo na ako ha. -Love Montervede

"Ay sus, yun lang pala ang kailangan ng Doctor na 'to para mawala yung bad trip nya. Salamat pinsan talagang hulog ka ng langit."

"Heh! Tigilan mo'ko Maximina, hoy ikaw Doctor ka, dahil pinagod ako ng magaling mong asawa, ilibre mo akong lunch dahil hindi pa ako kumakain."

Napa-irap naman ako sa kanya. Walangya 'to, ano akala nya sa akin maraming pera? Bakit kaya hindi sya kay Monteverde magpalibre.

"Sige na Paige, samahan mo ng kumain yang si baklita. Masama pa naman ang ugali nyan kapag gutom." tinulak pa ako ni Maxine papalapit sa baklang kaibigan ni Monteverde.

Habang naglalakad kami papunta sa pantry ay wala ni isa sa amin ang ibig magsalita. Pero siguro ay hindi na nya matiis at nagsalita na sya.

"Kung gusto mong makipagdate sa iba, pwede naman. Pero sana naman maging sensitive ka kay Ryl, hindi naman sya robot na walang pakiramdam."

Hindi ko alam kung anong gusto nyang ipunto. Pero isa lang ang alam ko, naiinis ako.

"Anong ibig mong sabihin?"

Huminga sya ng malalim.

"Kung gusto mong humanap ng ibang tao na panakip butas dyan sa arranged marriage nyo ng pinsan nya. Huwag sya, marami namang iba dyan. At saka ikaw na ang nagsabi sa kanya na pwede syang makipagdate sa iba, hindi ba?"

Napakunot ang noo sa sinabi nya. Huwag mong sabihin na kaya hindi ako masusundo ni Monteverde ay dahil nakipagdate 'to sa iba?

"Wala pang nakakarelasyon si Ryl, pero pinag-aasawa ko na sya dahil marami naman na syang narating sa buhay nya, pero parang may kulang pa rin sa kanya. Ramdam ko at kita ko sa mga mata nya na hindi sya kuntento sa kung anong nararating nya sa buhay. Pero hindi ko naman akalain na ii-involve nya yung sarili nya sayo."

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now