Chapter 12 - Granny

500 35 0
                                    

Thief/Doctor

Bakit ba kasi naknakan ng kulit yung Monteverde na yun. Gusto ko ngang magsama kami dahil agad na umuwi si grandma ngayon. Tapos ayaw naman nyang sundin yung gusto ko, aish! Nakakaasar talaga sya.

Nasa bahay na ako, at alam ko ring nandito na si grandma. Sa lahat pa naman ng masungit ay sya yung pinakamasungit. Isa pa, hindi naman kami close, hindi nya rin ako favorite kaya alam kong yari na naman ako nito.

Kailangang ko na atang isugod sa emergency room ngayon. Aish!

"Paige, apo." halos manginig ako sa takot nang marinig ko yung boses ni grandma. Nakakatakot talaga yung boses nya, parang pang kontrabida.

"Yes po, grandma." at pilit akong napangiti sa kanya.

"Gusto kitang makausap in private." mas lalo tuloy akong kinabahan at pinawisan ng malagkit ng sabihin nya yun. I'm so dead.

"S..sige po."

Naglakad na ito, sumunod naman ako sa kanya. Sa garden kami pumunta. Naupo sya sa may upuan habang ako naman ay nakayuko lang. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong hindi mo talaga asawa yung abugado na yun. Hindi ko alam kung anong meron sa inyong dalawa. Pero hindi ako makapapayag sa relasyon nyo. Sumama ka sa akin sa States at doon kita ipakakasal."

Hindi ako makapagsalita, nanunuyo yung lalamunan ko. Shit! Anong gagawin ko?

"Kung wala kang sasabihin ay mag-impake ka na ng gamit mo, dahil aalis na tayo." iniwan naman nya akong mag-isa rito sa garden.

Napaupo ako kasabay ng pag-agos ng luha ko. Hanggang ngayon pa rin, hindi ko kayang tumayo sa sarili kong paa at panindigan yung gusto ko.

Ilang minuto lang ang lumipas at pumasok na ako sa loob.

"Monteverde?!" gulat kong tawag sa kanya, napangiti naman sya sa akin.

Napatingin ako ay grandma na walang emosyon yung mukha.

"Paige! Umakyat ka sa kwarto mo." madiin na utos ni grandma, dahil sa takot ko ay bigla akong napaakyat sa taas. Sorry, Monteverde. Hindi ko lang talaga alam kung anong gagawin ko.

Nahiga ako sa aking kama, hindi ako mapakali kakaisip kay Monteverde. Aish! Sana naman okay lang sya. Baka mamaya kung ano-anong pananakot yung gawin sa kanya ni grandma.

Tumayo ako at dinikit yung tenga ko sa pintuan, baka sakaling marinig ko kung anong pinag-uusapan nila. Pero ni hi ni ho, wala akong marinig. Nahiga na lang ako sa kama ko at tsaka ko niyakap yung unan ko.

Halos kalahating oras din ata akong nakahiga lang dito, kabado sa pwedeng mangyari.

"Paige."

Agad akong napabalikwas at dali-dali kong binuksan yung pintuan. Si Monteverde! Agad ko syang hinila papasok sa kwarto ko.

"Okay ka lang ba? Anong nangyari? Anong sabi sayo ni grandma?" alalang tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nyang hindi ko maintindihan yung expression.

"A..ano kasi eh-- halos kabahan naman ako sa pabitin nyang salita.

"Ano?!" hindi ko mapakaling tanong sa kanya.

"Ano, uhmm-- napakamot naman sya ng ulo.

"Papatayin mo ba ako sa nerbyos, ano nga kasi?"

"Sabi ko kasi sa lola mo na asawa kita, pero hindi sya naniwala."

Halos mapahilamos naman ako ng mukha sa sinabi ni Monteverde. Sinasabi ko na nga bang hindi magandang idea na kausapin nya si granny eh. Argh! Ano ng gagawin ko nyan?

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now