Chapter 2 - The Thief

753 35 0
                                    

Thief/Doctor

"Hindi ka ba magtitino, Peighton? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag ka ng sumama sa mga barkada mong mga basag-ulo. Ulitin mo pa yan talaga, grounded ka sa'kin." inis kong pinapagalitan yung nakababata kong kapatid dahil sa tigas ng ulo nya. Ano bang gagawin ko sa kanya.

"Ate ang sungit mo, sign of aging. Bakit kasi hindi ka na lang humanap ng mapapangasawa mo. Para naman maging blooming ka na at hindi mukhang matandang hukluban na--- hindi pa sya natatapos sa panlalait nya sa akin ay binatukan ko na sya. Walang-hiya talaga 'tong batang 'to.

"Ate kasi, ang tagal na noong huli kang nagkajowa. Dati ang bait-bait mo sa akin nung panahong may jowa ka. Eh ilang taon ka na bang wala jowa ate. Jusko, mauuna pa akong mamatay sayo ate, dahil sa kasungitan mo." piningot ko naman yung tenga nya.

"Anong sabi mo bata ka?! Wala ka talagang modo. Bastos na 'to, wala kang allowance, this week." asar kong sabi sa kapatid ako. Ganito talaga kaming mag-asaran ng kapatid ko kaya nga lang, grabe na sya mang-asar, porket ba wala akong jowa, matandang hukluban na ako. Bwisit talagang bata 'to.

"Ate naman, joke lang yun. Alam mo naman ikaw pa rin yung pinaka-magandang babaeng hulog ng langit na isinubsob sa lupa." biro pa nito sabay takbo.

"Hoy loko ka! Wag kang magpapakita sa akin at isusubsob ko yang mukha mo sa lupa. Bwisit na 'to." tawa naman nang tawa yung walang-hiya kong kapatid.

Napaupo naman ako sa couch, rest day ko ngayon. Ano kayang gagawin ko? Makapunta na lang kaya ng mall.

Tinawagan ko naman yung kaibigan kong si Maxine, para sana magpasama sa kanya sa mall. Isa rin syang doctor, kaya nga lang hindi sya surgeon, isa syang pediatrician. Alam kong pareho kami ng rest day, kaya naman sigurado akong masasamahan nya ako.

"Hello, Max. Samahan mo naman akong mag-unwind dito sa mall. Nakakastress kasi sa trabaho."

"Sure thing, pero hindi ako magtatagal, okay. May family gathering kasi kami." sabi naman nito sa akin.

"Okay." at pinatay ko na yung tawag.

Nasa kalahating minuto rin akong nag-intay, bago sya dumating.

"Hey." bati sa akin ni Maxine.

"Best tara, coffee tayo. Tsaka dun na rin tayo tumambay para magkwentuhan." sabi ko sa kanya. Tumango naman ito ay sumunod sa akin. Nang maka-order na kami ay naupo na kami.

"Best parang biglaan naman yung family gathering nyo?" takang tanong ko sa kanya. Bihira lang kasi sila magfamily gathering. Kaya nakakabigla lang.

"Oo nga best, may mahalaga daw sasabihin yung family ng pinsan ko." sagot naman nito sa akin at humigop sa kanyang kape.

"Best, hindi ka pa ba mag-aasawa? Tumatanda ka na ha, alam mo namang kailangan mo ng katuwang sa buhay." sabi naman nito sa akin.

Napaisip ako, oo nga. Matagal-tagal na rin pala, noong huli akong nagkarelasyon, kaya pala panay na yung pang-aasar sa akin ng kapatid ko.

"Best alam mo may pinsan akong abugado baka--- hindi pa naman sya tapos magsalita ay sumabat na ako.

"Best naman! Ang tagal mo ng sinasabi sa akin yan. Ayoko nga sa mga lawyers kasi mga liars sila. Ihanap mo na lang ako ng kahit na sino, 'wag lang lawyer, best." reklamo ko sa kanya. Totoo naman kasing mga sinungaling yung mga abugado. Alam naman nating lahat yun, right? Right.

"Best, hindi naman lahat. Huwag mo naman lahatin, oo aaminin ko, abugago yung pinsan ko. Pero 'di naman siguro lahat 'di ba?" pangungumbinsi nito sa akin.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now