Chapter 22 - Vacation

448 25 1
                                    

Lawyer's POV

"Stop staring on other girl's ass, you idiot."

Napalingon naman ako sa nagsalita, naniningkit yung mata nya. Ano na naman bang ginawa ko.

"Hindi ko sila tinitingnan." depensa ko sa kanya. Napa-irap naman sya sa akin.

Naupo sya sa tabi ko, nasa dalampasigan kami at nakatitig sa bonfire.

Ayaw kong magsalita, gusto ko lang i-enjoy 'tong bakasyon namin dahil pangatlong araw na namin dito.

"Monteverde, what if tama ka?" napatingin ako sa kanya, nakatingin din sya sa akin. Hindi ko sya gets, anong ibig nyang sabihin.

"What if i-try ko na bigyan ng chance yung pinsan mo? Whaf if bigyan ko ng chance si Doctor Mike?" napa-angat ang tingin ko sa langit.

"That would be a better idea, ikaw lang naman itong pakipot at ayaw silang bigyan ng chance."

"Aba syempre, ang ganda ko kaya, ano agad-agad porket nanligaw jojowain ko na agad sila? No way!" natawa naman ako sa sinabi nya, dahil sya yung nag-insist na totohanin namin yung rule 3.

"Stop laughing, I'm dead serious here."

"You're desperate huh?"

Hinampas nya ako sa braso.

"Bakit ba?"

Napakasadistic talaga ng doctor na 'to.

"I'm not desperate, or yes maybe I am, dahil pinilit kita kasi wala na akong choice talaga. What a life!"

Malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan nya.

"Don't limit yourself, Paige. Kung gusto mong bigyan sila ng chance, edi bigyan mo."

"Paano ikaw?"

Napatingin ako sa kanya na nakatingala sa langit.

"Anong paano ako?"

"I mean, paano ikaw? You also ask for a chance right?"

"Well techinically yes. But I don't know, inaasar lang kita noon. But you're already mine anyways." tapos bigla akong tumawa kasi yung itsura ng pagmumukha nya parang natatae na ewan.

"Ugh! Napakalakas mo talagang mang-asar 'no?"

"The more you hate, the more love kasi."

"Sorry pero di ako naniniwala sa law of attraction or kung ano mang tawag sa mga ganyan-ganyan."

"Eh kaya.."

"Kaya ano?"

"Kaya single pa hanggang ngayon."

"Oh ikaw anong pinaniniwalaan mo? Single ka rin naman ah."

"Thank you for that wonderful question. The reason why I'm still single is because I believe in saying that true love waits."

Natawa naman sya, inaartehan ko pa kasi yung boses ko na parang sumasagot na mala-Miss Universe.

"Baliw ka talaga. Ang sabihin mo malakas ang saltik mo kaya wala kang jowa."

"Bakit sa akin na naman napunta yung usapan? Ikaw ang nag-e-emote dito, Paige. Bakit sino bang natitipuhan mo yung Doctor quack-quack o yung pinsan kong baliw?"

"Hoy grabe ka naman manlait sa kanila."

"Bakit wala naman akong sinasabing masama. Tsaka ang weird kaya ng Doctor Mike na yun, edi sa pinsan ko na lang ikaw kesa doon."

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now