Chapter 7 - Hero

553 27 1
                                    

Lawyer

Habang naglalakad ako papuntang convenience store, ay may narinig akong putok ng baril sa may eskinita. Kanya-kanyang takbuhan yung mga tao dahil sa takot, samantalang ako naman ay dali-daling tumakbo kung saan ko narinig yung putok ng baril.

Nakita ko na lang na nakahandusay yung isang teenager na babae. Shit! Agad kong pinunit yung damit ko para pigilan yung pag-agos ng dugo ng batang babae. Kaagad rin akong tumawag ng ambulansya.

Habang iniintay ko yung ambulansya ay hindi ko hinahayaang makatulog yung bata.

"Hey, huwag kang matutulog look at me. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Angel po." sagot nito.

"Angel Garcia po."

"Okay Angel Garcia, anong pangalan ng nanay at tatay mo?"

"Andito, dali." sigaw ng isang lalaking rescue.

Nang mabigyan ang bata ng paunang lunas, ay isinakay na ito sa ambulansya.

"Sumama kayo sa amin." sabi ng isang lalaki. Kaya naman sumakay ako sa ambulansya.

Nang makarating kami sa ospital ay agad na ipinasok ang bata sa operating room.

"Kaano-ano nyo po yung bata?" tanong sa akin ng police. 

"Hindi ko sya kamag-anak. Nang narinig ko yung putok ng baril mula sa eskinita, ay agad akong pumunta roon at nakita ko syang nakahandusay." paliwanag ko sa isang officer ng pulis.

"Wala ho ba kayong napansin na kakaiba sa pinangyarihan ng krimen?" tanong nito sa akin.

"Wala naman po. Hindi ko na rin, naabutan doon yung bumaril sa kanya." dagdag ko pang sabi sa pulis.

"Excuse me officer, iche-check lang po namin si Ma'am kung okay lang." sabi ng isang nurse.

Kinuhanan naman nya ako ng blood pressure na medyo tumaas, kaya pala nahihilo ako.

"Ma'am inumin nyo po muna yung gamot na 'to. Imomonitor po namin kayo, hanggang sa bumaba yung bp nyo." sabi naman ng isang nurse sa akin.

"Hepe!" napatayo ako ng makita ko si Hepe.

"Oh anong nangyari sayo bata ka, at puro dugo ka. Wag mong sabihing?" tanong ni Hepe.

"Opo, ako po yung nagdala sa bata na nabaril. Hepe, naitanong ko pa yung pangalan nya. Angel Garcia raw." sabi ko kay Hepe at tinapik ako sa balikat.

"Salamat, Atty. kami ng bahala sa imbestigasyon." sabi ni Hepe at umalis na.

"Excuse me, nurse. Pwede ba akong mag-intay sa labas ng operating room? Wala pa kasi yung pamilya ng bata." sabi ko sa nurse. Sana pumayag sila kahit na hindi ako kamag-anak.

"Sige po."

Pagkasabi nya noon, ay nag-antay na ako sa labas ng operating room. Mga kalahating oras din akong nag-intay bago lumabas yung doctor.

"Doc, Doc." habol ko sa doctor na naglalakad.

Lumingon ito sa akin and to my surprise si

"Paige?"

Tinitigan naman nya ako tapos ay nag-iwas ng tingin.

"I'm sorry. I mean, Doc kamusta yung bata? Successful ba yung operation?" tanong ko sa kanya.

Napatingin naman sya sa akin mula ulo hanggang paa.

"She's safe now. Ikaw ba yung nagdala sa kanya dito?" takang tanong nya sa akin.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now