Chapter 6 - Opposite Attracts

585 29 0
                                    

Thief/Doctor

"What?! Sinasabi ko na nga ba Paige eh. Matagal mo ng gustong magkalovelife." tuwang-tuwa sabi ng kaibigan mo habang kumakain kami.

"Lasing lang ako nun. Wala nga akong matandaan na ginawa kong yun. Baka nga niloloko lang ako ng kapatid ko at pinsan ko." walang gana kong sabi sa kaibigan ko. Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala yung kwento nila. At saka bakit mo naman gagawin yun? Hindi naman ako baliw 'no.

"Wala kang naaalala kahit na ano?" usisa namang tanong ni Maxine sa akin.

"Meron nga, yung sa jerk tapos yung coffee tapos tumawag pinsan ko na, nasa police station si Peighton tapos yung ki--- hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla akong napatakip ng bibig ko. Nagkiss kami? Pumikit ako para alalahin.

Pero wala akong ibang nakita sa pagpikit ko kung hindi yung paglapat ng labi naming dalawa. Damn! Nagkiss nga kami. Fuck!

"Paige, namumula ka, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Maxine.

"Yeah, sa hangover lang siguro." palusot ko sa kanya.

"Is she hot?" tanong ni Maxine. Muntik pa'kong mabilaukan sa tanong nya. Napainom naman ako ng tubig.

"Hindi! Kilabutan ka nga sa tanong mo, best. Kadiri kaya 'no. Tsaka isa pa, lawywer sya as in lawyer!" pinagdiinan kong sabi, baka kasi nakakalimutan nya na ayoko sa lawyer.

"So?"

"Anong so?"

"So what naman di ba? Opposite attracts naman di ba? At saka kung ayaw mo sa lawyer, bakit nung time na gipit ka sa kanya ka kumapit." sabi ni Maxine na nginitian ako ng nakakaloko.

"Hindi ako gipit 'no. Tinulungan nya lang ako sa pervert na yun!" Inis kong sabi kay Maxine. Gusto nya talagang inaasar ako.

"Eh bakit nagpadrive ka sa kanya, aber? Hindi mo naman kilala yung tao, pwede ka namang maggrab na lang kung ayaw mong magdrive ng lasing, hindi ba? Care to explain, doc." nang-aasar pa rin sya.

"Ewan ko rin. Heh, ewan ko sayo. Eh sa kanya ako nagpadrive kesa naman mag-iintay pa ako ng grab di ba?" palusot ko kay Maxine. Pero pinanliitan nya lang ako ng mata. Great, hindi umubra yung palusot ko. At wala talaga akong lusot sa kanya.

"At saka wala ako sa tamang pag-iisip nun, kasi lasing ako okay?" dagdag ko pang sabi sa kanya. Hindi pa rin sya nagsasalita at nakatitig lang sya sa akin. Ano bang gusto nyang sabihin ko?

"What?!" inis kong tanong sa kanya. Umiling naman si Maxine at ngumiti ng nakakaloko.

"Paige, flowers." abot ni Doc Mike sa akin ng bulaklak. Tiningnan ko lang iyon at umalis na.

"Thanks, sa susunod wag ka ng magbibigay. Wala akong nararamdaman sayo." cold kong sabi sa kanya. Paanong gagawin ko? Wala naman talaga akong nararamdaman sa hambog na doktor na yun. Kung ano-ano ang ibinibigay sa akin na hindi ko naman kailangan. Kaya ko rin namang bilhin yun ng sarili kong pera.

"Paige, wait!" sumunod sa akin si Maxine.

"Ano palang pangalan ni hero attorney mo?" tanong ni Maxine sa akin.

"Hindi ko alam. Basta dun sa kwento ni Peighton, Atty. Monteverde daw. Ewan ko, wag mo nga akong kulitin, wala ako sa mood." sabi ko at binilisan ko na yung lakad ko.

Nakakainis kasi yung kapatid ko.

-flash back-

"Ate, alam mo bang buhat-buhat ka ni big bro kagabi. Ang sweet kaya nya sayo, tapos nung bigla kang nakatulog nakaalalay lang sya sayo. Ang swerte mo ate sa kanya." natutuwang kwento ni Peighton. Samantalang ako naiinis. Anong sweet dun?

"Big bro? Eh lesbian yun, bulag ka ba? Tsaka pwede ba tigilan mo ako, Peigh. Hindi ko nga kilala yun." inis kong sabi sa kanya. Asar kasi nang asar. Mas okay na sa'kin na asarin nya ako ng matandang hukluban, kesa naman asarin nya ako sa lesbian na lawyer na yun. Argh!

"Totoo ba? Eh ate ikaw pa nga ang nagsabi sa aming lahat na girlfriend mo sya. Pati mga pulis, saksi sila ate. Sabi mo pa nga galangin ko sya." dagdag pang sabi ng kapatid ko. Hindi ko alam kung nagsasabi sya ng totoo o niloloko nya lang ako.

-end of flash back-

Dapat malaman ko yung katotohanan sa likod ng pagsisinungaling ng kapatid ko. Oo tama, kailangan mapatunayan kong magsisinungaling yung kapatid ko, tungkol sa mga kwento nya sa akin. Pupunta ako mamaya after ng work ko sa presinto na yun. At itatanong ko mismo sa mga pulis na nandun, kung totoo yung pinagsasasabi ng baliw kong kapatid. Ha! Akala nya maloloko nya ako kahit na lasing ako, hindi 'no!

---

Nagda-drive ako papuntang police station para kumpirmahin kung totoo yung sinasabi ng kapatid ko at ng pinsan ko. Alam kong hindi magsisinungaling sa akin yung pinsan ko, pero paano kung nakapag-usap sila ng kapatid kong uto na lokohin ako di ba? Mas mabuti na yung sigurado.

Nang makarating ako sa presinto ay hinahanap ko si Hepe sa mga pulis na nakaduty.

"Wait lang po Ma'am, maupo muna ko po kayo, sasabihin kong gusto nyo syang makausap." napatango naman ako sa pulis.

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay pinapasok na ako sa loob ng office ni Hepe.

"Good Evening po, Hepe." bati ko sa kanya at nginitian ko sya.

"Oh napadalaw ka ata Ma'am, bakit hindi nyo po kasama yung girlfriend nyong si Atty. Monteverde?" bungad na tanong nito sa akin. Ohh shit! Totoo nga. Hindi nga nagsisinungaling si Peighton. Ano bang pumasok sa isip ko, para gawin ko yung kalokohan na yun. Fuck!

"Ah eh, wala po sya, busy. Pasensya na po. Itatanong ko lang ho, baka kasi nalagyan ng record yung kapatid ko kagabi." palusot ko kay Hepe.

"Ay hindi po Ma'am, wala pong kasalanan yung kapatid ninyo. Tsaka Ma'am huwag kang mag-alala kung si Atty. Monteverde ang lawyer nyo, kasi mabait yun. Kaya nung nakita ko syang kasama ninyo, alam kong totoo yung sinasabi ng kapatid ninyo, na nadamay lang sya."

Bakit anong meron sa lawyer na yun.

"Bakit po, Hepe? Paano mo nasabi?" tanong ko kay Hepe.

"Nako, Ma'am sobrang bait ni Atty. Monteverde, at saka wala pang natatalo na kaso yun." wow ha, gaano kaya yun kagaling magsinungaling. Walang talong kaso, wow.

"Ay sige po, Hepe. Mauuna na po ako." paalam ko sa kanya.

"Walang anuman, Ma'am. Tsaka mag-iingat po kayong dalawa lagi. Alam ko marami syang natatanggap na death threats. Kaya Ma'am, kapag may napansin kang hindi tama, huwag kang magdalawang-isip na tumawag sa hotline namin." sabi ni Hepe. Nginitian ko lamang sya. Nakakatanggap sya ng death threats? Ganoon ba sya kagaling na abugado. At hindi sya natatakot sa mga yun?

Teka nga parang may narinig akong death threats na may sinabi yung lalaking nakabangga sa akin noon sa ospital. Hindi kaya? Agad kong tinawagan si Maxine para kumpirmahin.

"Hello, bakit napatawag ka?" tanong nito sa akin.

"Maxine, hindi may pinsan kang lawyer na nagpunta sa ospital nang nakaraang araw?"

"Oo, bakit?"

"Yung kasama ba nya yung kaibigan nya?" tanong ko pa.

"Oo, bakit?"

Shit! Kinabahan ako.

"Anong name nya?"

"Hmm, wait hindi ko masyadong maalala."

Pakshet naman 'tong si Maxine masuspense pa.

"Ano nga?"

"Uhmm, Sky.. Sky ata yun. Ewan ko ba basta Sky Monteverde." shoot! Pinatayan ko ng tawag si Maxine. Kung hindi ako nagkakamali. Sya yung kasama ko noong gabi yun, na sinabi ko na girlfriend ko. Holy Shit!

***

A/N: THANKS FOR READING.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now