Chapter 10 - Doctor's Parents

544 29 1
                                    

Thief/Doctor

"Ang aga-aga nandito ka na. Mamaya pa yung out ko." sabi ko kay Monteverde, excited ata syang makilala yung parents ko. Bihis na bihis pa sya.

"Magpapaalam sana ako sayo."

"Bakit, hindi ka na makakapunta? Good to know." sabi ko agad sa kanya. Bahagya naman itong natawa.

"Ayaw mo talagang makilala ko yung parents mo 'no."

"Oo naman! Baliw sila baka mamaya ano maisip nun. Please lang huwag ka ng sumipot." sabi ko sa kanya. Napailing naman sya sa akin.

"Okay sige, pero sa isang kondisyon." wow ang demanding kailangan may kondisyon pa.

"Ano na naman ba yun?" sabi ko sa kanya sabay irap. Ang dami nyang arte.

"Ibalik mo muna yung ninakaw mo sa akin." sabi nya habang ngumiti ng nakakaloko.

Anong ninakaw wala naman akong ninanakaw sa kanya. Pwera dun sa don't tell me... Yung kiss yung tinutukoy nya. Aish!

"Bwisit ka! Umalis ka na nga sa harapan ko, na-i-stress ako sayo." sabi ko sa kanya sabay tulak palayo sa kanya.

"Ikaw naman biro lang, alis lang ako sandali, balik ako after. Oh eto, pampaganda ng mood mo." sabay abot sa akin ng apple. Yap, apple na naman pero may kasama namang bouqet ng flowers. Napangiti naman ako sa ginagawa nya. Pero hindi ko talaga sya maintindihan bakit kailangan pa ng apple. Okay na sana eh, panira lang yung apple talaga. Parang iniinsulto nya ako at the same time pinapakilig. Ay bahala nga sya sa buhay nya.

"Thanks, lumayas ka na nga. Wag ka ng babalik." pagtataboy ko sa kanya. 

"Balik ako mamaya babe, bye." sabi nya habang papalayo sa akin. Napairap naman ako sa kanya.

Habang naglalakad ako ay nasalubong ko si Maxine.

"Wow, flowers! Kaya pala ang blooming mo lately, bes. So ano ng status nyo ni Doc Mike?" tanong naman nito sa akin. Inirapan ko lang sya at nilagpasang maglakad.

"Hoy biro lang bakla! Alam ko naman kay Attorney yan galing kasi may apple. Ay wait!" sabi pa nito kaya naman napatigil ako sa paglalakad at hinarap sya.

"What?"

"Hindi kaya ang ibig sabihin ng apple na yan bes, eh apple of my eye?" kilig na kilig na sabi ng baliw kong kaibigan.

"Ha? Malay ko sa abugago na yun." sagot ko kay Maxine. Bigla naman itong napayakap sa akin.

"Bes, finally magkakaasawa ka na, I'm so proud of you." halos tumirik naman yung mata ko sa sinabi nya, paano kasi may acting pa syang naluluha. Baliw talaga.

"Kasal agad?"

"Bes, sabi ko asawa hindi kasal. Grabe ka naman mag-isip gusto mo pala ng kasal hindi mo sinabi agad." natatawang sabi nito sa akin.

"Alam mo Maxine, umalis ka na nga sa harapan ko ang dami mong alam. Sana nagteacher ka na lang hindi doktor. Alis na!" pagtataboy ko sa kanya. Natatawa naman syang umalis.

Iniligay ko sa locker yung binigay ni Monteverde, para makabalik na ako sa duty ko. Break ko lang kasi kaya ko nakausap si Monteverde. Teka nga bakit parang alam nya yung schedule ko? Bwisit na Maxine na yun, siguro binigay nya.

Mabilis na lumipas yung oras, out ko na. Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakita ko na agad si Monteverde na nakasemi-formal attire. Napataas tuloy yung kilay ko. Hindi naman halatang prepared sya. Hay, bahala nga sya sa buhay nya.

Lumapit ito sa akin para kunin yung dala kong gamit.

"How's work, babe?" tanong nito sa akin. Inirapan ko naman sya.

"Babe ka dyan, hoy wag mong enjoyin yung pagkatawag sa akin ng babe ha." natawa naman sya habang pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse nya. Ibang kotse ata yung dala nya ngayon.

"Oh bakit nakatingin ka pa sa akin? Nasa mukha ko ba yung daan papunta sa bahay namin? Siguro naman sa kakabalik-balik mo sa amin, alam mo na kung saan ako nakatira di ba?" inis kong sabi sa kanya.

Ngumiti lang sya sa akin, at nagdrive na papunta sa bahay. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay.

Pinagbuksan muna ako ni Monteverde ng pintuan ng kotse, at saka kami pumasok sa loob. Pagkapasok namin sa bahay ay naroon na sila mama at papa na sinalubong ko naman agad ng yakap.

"Good Evening po." sabi ni Monteverde at nagmano sa mga magulang ko. Tinapik naman sya ni papa sa likod.

"So how are you Attorney Monteverde? Balita ko nakapahinga ka ngayon, why is that?" sabi ni papa habang inaya si Monteverde na maupo sa lamesa, napatingin naman ako kay mama at tsaka sa kapatid ko. Paano nila nakilala si Monteverde.

"Hindi mo naman sinabi sa amin agad na ang kasintahan mo pala ay isang sikat na abugado, anak." tapik ni mama sa likod ko. Sikat sino? Si Monteverde? Paano? Aish!

"Ma! Hindi ko sya err-uhmm kasintahan?"

Tiningnan naman ako ng nanay ko ng nakakaloko tsaka umirap.

"Anak, huwag ka ng mahiya. Gusto namin sya para sayo. I think perfect match kayo."

Ako naman tuloy yung napairap kay mama habang maupo rin kami sa tabi nila Monteverde.

"Paano naman kami magiging perfect match ma, eh hindi naman kami."

Napatingin naman silang lahat sa akin. Tapos ay nag-usap usap na ulit. Okay? So ano hindi nila ako papansinin ganoon?

"Alam mo anak ganyan din kami ng daddy mo noon, ayaw na ayaw ko sa kanya. Pero tingnan mo naman kami ngayon di ba?" napairap naman ako sa sinabi ni mama. Ano bang gusto nilang mangyari.

"Mom, bakit ba agad kayong umuwi dito? May problema ba?" natahimik naman silang lahat lalo na si Monteverde na katabi ko.

"Anak ang totoo nyan...- bigla naman akong kinabahan sa kay mom. Ano ba yan pabitin effect pa sya.

"Mom what? What's wrong?" napadako ang tingin ko kay daddy na nakayuko lang.

"Nalugi ba yung company natin ma? O baka naman may sakit kayong malala, may cancer ba kayo ma, pa?" halos maghysterical kong sabi.

"Anak relax, it's just that your lola wants you to marry her bestfriend's grandson."

Halos nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni mama.

"What?!" napatayo ako, ano 'to prank? May camera ba sa gilid na nakatago. Fuck!

"Mom, niloloko nyo ba ako?"

Iling lang ang sagot sa akin ni mama. Dahil sa inis napawalk out ako.

"Hey wait." tawag sa akin ni Skylar. Alam kong nakasunod sya sa akin.

"Wait lang." hinawakan naman nya ako sa braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"What?!" mangiyak-ngiyak akong humarap sa kanya.

Nagulat na lamang ako ng bigla nya akong kabigin palapit sa kanya, kaya naman napayakap ako sa kanya. Yumakap sya sa akin at hinagod yung buhok ko.

"Its okay, I'm here." at doon ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Bakit ba kailangan mangyari pa ito sa akin? Para tuloy akong nasa pelikula. Pero may naisip akong paraan, aish! Bahala na si batman.

"Lets make it real, Attorney." sabi ko sa kanya pagkalas ko ng yakap ko.

"Ang alin?" alam kong naguguluhan sya sa sinabi ko.

"Make it official." titig na titig ako sa mga mata nyang nagtatanong sa akin kung anong ibig kong sabihin.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa, kinabig ko sya palapit sa akin. At naramdaman ko na lang na dumampi ang aking labi sa malambot nyang labi. Damn self! This isn't your first kiss, so why are you feeling the electricity down to your spine. Shit!

Ilang segundo bago ako magsalita, nararamdaman ko pa rin yung malambot nyang labi. Fuck!

"As I was saying, lets make it official, your rule number 3." at iniwan ko syang nakatitig lang sa akin habang palayo ako.

***

A/N: thanks for reading.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now