Chapter 30 - A Week Without You

491 36 13
                                    

Thief/Doctor

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang surgery ni Aerin, successful naman ito. Malayo na sya sa kapahamakan. Pero si Monteverde ni hindi man lang nagpaparamdam. Ano na kayang nangyari sa kanya. Lahat kami nag-aalala pwera lang kay Maxine.

"Guys chill lang kayo, Batanes remember? No signal, no wifi. Malayo sa kabihasnan, uuwi din si Monteverde. For sure nag-alala din yun."

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Maxine. Hindi ko alam kung saan nag-aalala si Monteverde. Kung sa thought ba na successful yung surgery o sa sinabi ko sa kanya na makikipaghiwalay ako sa kanya.

"Pwede bang iwan nyo muna kami ni Paige?" pakiusap ni Aerin.

Tumango naman yung dalawa at lumabas.

"Alam ko nag-aalala ka kay Monteverde. Pero di ko nga alam kung bakit ka nag-alala, kasi peke lang naman yung kasal nyo." hindi ko alam anong gustong palabasin ng babaeng 'to, pero yung tono ng boses nya hindi ako natutuwa.

"Pero yung feelings mo totoo." dagdag pa nya. Bigla namang nawala yung inis ko, dahil napalitan ng galit. Anong ibig nyang sabihin?!

"Hindi ka naman mag-aalala ng ganyan kung wala kang paki-alam sa kanya." hindi ako nagsalita.

"Wala akong paki-alam kay Monteverde." sabi ko sa kanya at akmang tatayo na.

"Do you know what's the true meaning behind that apple she keeps on giving you every single day." oo laging meron pa rin akong apple. Kahit wala si Monteverde meron pa rin akong apple na natatanggap. Noon pala inutusan nya yung nurse na bigyan ako araw-araw.

"Alam ko sa puso yung ginawa kong surgery di sa utak. Pero nakalimutan mo ata na yung sinabi mo sakin dati na "That's because an apple a day, keeps the doctor away." right?" natawa naman sya na hindi ko alam kung bakit.

"Natatandaan ko yun. Yun na yun kasi yung sinabi ko ex-fiance ni Skylar na Doctor din." napataas naman yung kilay ko. Ex-fiance? Wala naman syang nabanggit sa akin noon.

Yeah right Paige, hindi ka naman kasi nagtatanong kay Monteverde tungkol sa personal na buhay nya.

"So mahilig sya sa Doctor?" taka kong tanong sa kanya. Lalo naman syang natawa.

"What?!" inis kong tanong sa kanya.

"You're funny." sabi nya pero bigla naman syang sumeryoso.

"Hindi naman sa mahilig sya sa Doctor, coincidence lang. And the reason why I'm laughing is because you're thinking that Skykar loves you, right?" may halong pang-aasar ang tono ng boses nito.

Napatampal naman na lang ako sa noo ko nang narealized ko yung sinabi ko.

"Ano bang gusto mong palabasin?" medyo naiinis na ako sa babaeng 'to ha.

"Well, let's just say na I'm actually happy dahil hindi yun ang pinakasalan ni Skylar. So thank you." ngumiti ito sa akin. Walang halong kaplastikan sa ngiti nya.

"Bakit ka nagte-thank you sa akin, eh alam ko namang gusto mo si Skylar. At saka balak kong makipaghi---

"Babalik na ako ng ibang bansa, kapag okay na ako." hindi nya pinatapos ang sasabihin ko.

"Pinagkaitan ko ng kaligayahan noon si Skylar. I'm so obssessed and possessive sa kanya that time, and I'm the reason of their separation. But still no regrets here, ayoko talaga sa Olivia na yun." may halong inis na sabi ni Aerin. Parang ang laki naman yata ng galit nya sa babaeng yun.

"But now, she's all yours. She's happy being with you. That's why I like you for her." hindi ko alam kung matutuwa ako or what. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang