Chapter 28 - One More...Kiss?

401 26 4
                                    

Thief/Doctor

"Doc, ayos na po ang lahat ng kakailanganin para sa operasyon." sabi ng nurse na kasama ko ngayon sa operating room.

Hindi ko alam kung bakit pero yung bwisit na pasyente na ooperahan namin wala pa. Ano ba ito? Hindi ba nya alam na ospital ito at hindi pwedeng mag-inarte dito.

"Doc, itutuloy pa ba natin ang operasyon? Hindi tayo pwedeng mag-intay ng matagal may ibang pasyente pa tayong dapat asikasuhin." napabuntong-hininga naman ako, alam ko naman iyon. Kaya lang kasi yung bwisit na Monteverde na yun, sya na nga lang ang naki-usap sa akin, eto pang igaganti, ipapahiya ako.

"Doc Paige nandyan na pong yung pasyente!" halos pasigaw na sabi ng nurse sa labas ng operating room habang papasok ito.

Napalingon kaming lahat, at napako ang tingin sa isang taong punong-puno ng dugo ang damit.

"Monteverde anong nangyari sayo?!" agad ko syang nilapitan.

"I'm.. I'm okay. Please help her." kita ko sa mata nito ang sobrang kalungkutan at pag-aalala.

"Nurse, please take care of my wife. Check her vital signs. Make sure she's okay, understood?!" sunod-sunod namang tumango yung nurse at inalalayan si Monteverde palabas ng operating room.

Napadako ang tingin ko sa babaeng walang malay ngayon. Ano namang kayang nangyari sa kanya.

Chineck ko sya kung ayos lang sya, mabuti naman at ayos lang sya. May laslas lang sya sa pulso nya pero buti na lang hindi malala. Kailangan muna naming makasigurado na ayos na sya bago sya operahan.

Dinala na rin sya ng nurse sa kwarto nya matapos naming gamutin yung laslas nya para doon sya makapagpahinga.

"I'm sorry." napa-angat ang tingin ko at nakita ko ang malungkot na mukha ni Monteverde. Ngayon ko lang sya nakitang ganito.

Hindi ako nagsalita, hindi ko rin naman kasi alam yung sasabihin ko. Pero bigla kong naalala yung dugo sa damit nya.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong.

Nagulat naman ako ng bigla nya akong yakapin.

"Natatakot ako..Paige. sobrang natakot ako. Hindi ko alam yung gagawin ko."

Ramdam ko ang pagkabasag ng boses nya. Naiiyak sya. Yumakap ako pabalik sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, maayos na ang lahat. Sa oras na umayos ang lagay nya at nagising sya, isasagawa na namin ang operasyon." naramdaman ko na lang ang bahagya nitong pagtango sa akin bilang tugon.

Aalis na sana ako pero pinigilan nya ako.

"Dito ka muna sa tabi ko kahit limang minuto lang." pakiusap nya na sinunod ko naman.

Naupo kaming dalawa sa upuan kung saan nakatingin kaming dalawa kay Aerin na mahimbing na natutulog.

"Aerin jusko!!!" halos masira yung pintuan sa pagkakabukas nang dumating si Chester.

"Doc ayos lang ba sya, Doc. Ligtas na ba sya?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Chester. Napatango naman ako bilang sagot sa kanya.

Yumakap ito sa akin. Tinapik ko naman yung likod nya.

"Maayos na sya, hindi naman ganoon kalalim yung sugat nya."

Lumapit ito sa kama ni Aerin na mahimbing pa ring natutulog.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa half sister ko. Maraming salamat talaga."

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Magkapatid pala sila. Kaya siguro ganoon na lang kalapit si Monteverde sa kanya.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now