Chapter 26 - Awkward

518 27 8
                                    

Thief/Doctor

"Sinasabi ko na nga ba in love ka na kay Skylar." pang-aasar sa akin ng kaibigan ko.

"Hindi ako in love sa abugado na yun."

"Napaka in denial mo talaga sa feelings mo, oh anong reaksyon nya nung sinabi mo yun?"

"Wala! Hindi sya sumagot." nakakainis talaga yung Monteverde na yun. Iniwan ba naman ako sa kwarto. Pagkatapos noon lagi na nya akong iniiwasan, ano bang problema nya?

Hindi ko naman sinabi in love ako sa kanya ha. Ang sabi ko lang naman...

"Ui si Skylar." bigla akong napalingon sa likod ko sa sinabi ni Maxine. Pero agad din akong nadismaya nang wala si Monteverde sa likuran ko. Akala ko pa naman..

"Ah hindi ka nga in love. Lingon agad ah, bilis naman ng reflexes mo Doc, parang mas mabilis pa yan sa pagdeny mo sa feelings mo." napa-irap naman ako kay Maxine. Walangya talaga sya sa buhay ko.

"Wala ka talagang kwenta."

Pinagtawanan lang naman ako nito.

"Pero seryoso Paige, ayan na si Skylar papalapit na sa atin." napairap naman ako kay Maxine. Anong akala nya sa akin tanga?

"I won't fall for your foolish tricks anymore, Max." sabay flip ko ng buhok.

"Okay sabi mo eh, bahala ka kawalan mo naman kung hindi ka maniniwala sa akin dahil matagal-tagal ka na ring iniiwasan ni Skylar, hindi ka ba natutuwa na susunduin ka nya ngayon, matapos ka nyang bastedin."

Nang-aasar na natatawa naman sya, naiinis lang ako lalo. Itong naman si Monteverde 'no parang tanga. Hindi naman ako in love sa kanya or what. I just want to give her the chance para naman mag-iba yung tingin ko sa abugado, pero mas lalala pa ata dahil wala syang kwenta.

"Hoy Paige, umayos ka malapit na sya."

Sa totoo lang naeexcite ako na hindi sa sinasabi ni Maxine, hindi ko kasi alam kung pinagloloko pa rin nya ako or hindi na, dahil sa totoo lang namimiss ko na yung abugado na yun sa hindi ko malaman na dahilan.

"Wag kang lilingon, Paige. Magpakipot ka muna, paparating na sya." sobrang lawak naman ng ngiti ni Maxine habang ako naman ay hindi mapakali sa upuan ko.

"Hi." napairap ako sa pagbati nya kay Monteverde, hindi tuloy ako nakapagpigil at agad akong napalingon sa likuran ko. At sa pangalawang pagkakataon, naloko na naman ako ng bwisit kong kaibigan.

"Hi Paige." bati sa akin ni Doc Mike, akala ko naman si Monteverde na.

"I thought you're not going to fall on my foolish tricks huh, Paige. But I guess, you accidentally fall in love with Skylar."

Bwisit talagang Maxine, tumayo ako para umalis na sa pantry. Hindi ko alam kung saang sulok ako ng hospital maglalakad para mawala yung inis ko. Lalabas na nga lang ako para makapagpahangin.

Paglabas ko naman ay nakita yung sasakyan ni Monteverde sa parking lot. Nandito sya? Pero nasaan sya? Bakit hindi ko sya nakita? Oo nga pala iniiwasan nya ako.

Naupo ako malapit sa may smoking area ng hospital. Napapikit ako, ayoko munang isipin yang si Monteverde, nai-stress ako sa kanya. Napahilot ako sa sintido ko. Naramdaman ko naman na may naupo sa tabi ko, pero hindi ko na lang pinansin. Alam ko namang hindi yun si Monteverde dahil hindi sya naninigarilyo at pinaka-ayaw nya yung amoy ng sigarilyo.

"Care to share your thoughts?"

Boses ng isang babae, alam kong hindi si Monteverde 'to dahil boses lalaki yun.

Napalingon ako sa babae, maganda sya mestisa, halatang laking ibang bansa, may accent pa sya. Hindi ako nagse-share ng problema ko sa stranger, kaya hindi ko sya pinansin.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now