Chapter 15 - Thief in the Night

476 27 2
                                    

Thief/Doctor

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, namatayan ako ng pasyente. Halos manlambot ako hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Paige, umuwi ka na muna kaya. Kailangan mong magpahinga." sabi ni Maxine habang hinihimas nya yung likod ko. Napayakap ako sa kanya.

"Max...hi..hindi ko sya naligtas..." halos mawalan ako ng boses..umiiyak na rin ako.

"Tumahan ka na, ang Diyos lamang ang may hawak ng buhay ng tao. Magpakatatag ka, magpahinga ka muna." pinunasan naman nito yung luha ko.

"Marami ka pang ililigtas na pasyente. Huwag kang panghinaan ng loob." alam kong ginagawa ni Maxine ang lahat para gumaan ang loob ko. Bahagya na lang akong napangiti sa kanya.

"Gusto mo bang ihatid kita pauwi sa inyo?" umiling lang ako sa kaibigan ko. Gusto kong mapag-isa.

"Sige na tumahan ka na, alam kong masakit mamatayan ng pasyente. Pero kailangan mong magpakatatag para sa mga iba mo pang pasyente." may punto si Maxine pero hindi ko talaga maiwasang malungkot.

"Umuwi ka na muna at magpahinga ka ng ilang araw." payo pa nito sa akin, napatango naman ako. Kailangan ko nga ng pahinga siguro.

"Salamat Max." at pinunasan ko yung luha ko.

"Ingat ka pauwi ha, magtext ka sa akin kapag pauwi ka na." sabi nito sa akin.

"Oo."

Nag-ayos na ako ng sarili at umalis sa ospital. Pero imbis na sa bahay ako dumiretso, sa bar ako dumiretso.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bar ay umorder agad ako ng alak. May iilan-ilang lumalapit sa akin pero tinataboy ko sila, gusto kong mapag-isa.

Uminom ako nang uminom hanggang sa mahilo ako. Nagpunta ako sa cr para umihi pero bigla akong nahilo at natumba. Buti na lang may nakasalo sa akin.

Tiningnan ko sya pero hindi ko makita yung mukha nya dahil nahihilo na ako.

"Miss ayos ka lang ba? May kasama ka ba? Miss?" tawag pa nito sa akin pero hilong-hilo na talaga ako.

Inalalayan nya ako at dinala sa kotse nya.

"Hoy...shaan mo ko dadalin ha?"

Hinila ko yung braso nya habang nagdadrive sya.

"Tumigil ka miss, baka mabangga tayo."

"Shit! Hindi kita pwedeng iuwi sa bahay."

"Hoy! Bakit mo ako iuuwi hah? Walang hiya ka! Ibaba mo ako dito." nagwawala na ako sa sasakyan pero hindi na hininto.

Nagising na lang ako na nakahiga ako sa kama.

"Anong oras na?"

Tanong ko sa taong nakaupo sa couch. Hindi ko maaninag yung mukha nya dahil madilim. Tanging lampshade lamang sa kwarto yung nagbibigay ng ilaw.

"Alas tres na. Magshower ka muna. Ayan sa tabi mo yung twalya at damit." mabilis ko naman itong kinuha at nagtungo sa banyo.

"Argh!!! Ang lamig ng tubig." narinig ko naman na may tumatawa sa labas. Bwisit na yun, pagtawanan ba ko.

Napahawak ako sa ulo. Nahihilo pa rin ako. Gusto ko ng matulog.

Pagkatapos kong maligo ay nakahiga na sa higaan yung taong nagdala sa akin dito sa hotel ata. Ewan ko ba, basta maayos yung lugar parang hotel.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon