Chapter 32 - The Past

409 25 2
                                    

Thief/Doctor

"Attorney why would my grandma and grandpa needs to separate?" Takang tanong nang bata habang tinitingnan ang paligid ng opisina ng abugado.

Napatingin sa kanya ang lalaking nakaformal suit habang inaayos ang glasses nito.

"Because sometimes people need to let go, even if they still love each other." Binigyan sya ng makahulugang ngiti ng abugado, ngunit hindi sya kumbinsido sa sagot nito.

"Attorney, I think you are wrong, because if they truly love each other,, isn't it the right thing to fix and compromise it with your partner?"

Ginulo ng matandang lalaki ang buhok nya kaya naman napanguso sya.

"Sometimes letting go is the best choice than being together."

Naiinis pa rin sya sa sagot ng attorney, hindi talaga ito nagpapatalo sa kanya.

"I hate you! I hate lawyers! You are helping my grandparents to separate ways instead of trying them to get back together!"

Umiiyak syang tumakbo palayo sa attorney. Hindi nya alam kung saan sya pupunta, basta ang alam nya lang ay dapat makaalis sya sa lugar na iyon.

"Aray!" Sabay na napaupo ang dalawang bata dahil sa pagkakabangaan nila.

Napatingin sya sa batang hindi nya sinasadyang mabangga na agad namang tumayo para tulungan syang tumayo rin. Napatitig sya sa batang iyon, maganda ang mga mata nito.

"Salamat at pasensya na." Aalis na sana sya pero pinigilan sya ng bata na umalis, napakunot naman ang noo nya.

"Eto panyo oh, punasan mo yang luha mo." Sabi nito at saka inipit ang buhok nya sa kanyang tenga.

Kinuha naman nya iyong panyo habang nakatingin pa rin sa mata ng batang kaharap nya. Hindi nya malaman kung anong meron sa batang kaharap nya ngayon at kung bakit may kakaiba syang naramdaman lalo na nang ngumiti ito.

"Paige." Wala sa sariling sabi nya.

"Huh?" Takang tanong ng bata sa kanya.

"Paige ang pangalan ng mapapangasawa mo." Natawa sya sa sariling biro nya.

"Kidding! Paige ang pangalan ko, ikaw?"

Sasagot na sana sa kanya yung bata nang may tumawag dito.

"Skylar, ano na namang ginagawa mo dito? Di ba sinabi ko na sayo na bawal ang bata dito?"

Napayuko naman ang batang nagngangalang Skylar at saka yumakap sa lalaking kinaiinisan nya, si Attorney Monteverde.

"Tito, hindi na ako bata, may asawa na ako."

"Ano? Paano ka magkaka-asawa ang bata mo pa?" Medyo natatawang sabi ng abugado.

Lumapit sa kanya si Skylar at hinawakan sya sa kamay.

"Sya tito, sya ang mapapangasawa ko." Napayuko naman sya sa hiya sa sinabi ni Skylar. Hindi nya alam na sasakyan nito ang biro nya.

"Hep hep! Bawal muna mag-asawa ang apo ko, kailangan dumaan ka muna sa butas ng karayom bago mo sya mapangasawa."

Sabay naman silang napalingon ni Skylar sa likuran kung nasaan ang lola nya.

"Grandma!" Agad na yumakap sya sa kanyang lola na yumakap naman sa kanya pabalik.

"Walang kaso po yun, grandma. Tandaan nyo po, kaso nga po kayang ipanalo eh, si Paige pa po ka --- aray aray naman tito!" Napahawak si Skylar sa tenga nya kung saan pingot-pingot sya ng tito nya.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now