Chapter 27 - Answers

581 32 7
                                    

Thief/Doctor

"Ano ba yan, wala ka namang nakukuhang matinong sagot kay Skylar. Eh kung pagselosin mo kaya? O kaya mag-imbestiga ka kung bakit may babaeng lapit nang lapit sa kanya."

Mas naiirita lang ako sa walang kwentang payo sa akin ni Maxine. Hindi na ako bata para sa mga ganyang bagay. Gusto kong makakuha ng matinong sagot kay Monteverde pero wala akong nakukuha. Bwisit na lawyer na yun, ginagamit nya sa akin yun para hindi ko malaman yung katotohanan.

"Yung bwisit namang babaeng yun ayaw akong tigilan, kesyo ginayuma ko raw si Monteverde. Kung alam nya lang si Monteverde yung patay na patay sa akin." bigla namang napatawa si Maxine sa sinabi ko.

"Oh bakit may angal ka?"

"Oo, eh mailap nga sayo si Skylar anong patay na patay sayo ang sinasabi mo dyan?"

"Tumigil ka Maxine, isa ka pa naiinis mo na ako. Sinubukan ko namang pagselosin si Monteverde pero bwisit na yun argh! basta nakakainis sya!"

Flash back

"Paige parang wala ka yatang sundo ngayon, ihahatid na kita kung gusto mo." ayaw ko naman magpahatid kay Doc Mike kaya lang talagang pagod ako sa trabaho kaya naman hindi ko na natanggihan yung alok nya.

"Sige, salamat."

Ilang minuto rin kaming nagbyahe papunta sa subdivision kung saan kami nakatira ni Monteverde, walang gustong umimik sa amin ni Doc Mike. Talagang pagod ako at gusto ko ng ibagsak ang sarili ko sa malambot kong kama.

Nang makarating kami ay inaya ko muna si Doc Mike na pumasok sa loob ng bahay para alukin ng maiinom na hindi naman nya tinanggihan.

"Halika pumasok ka muna."

Pagkapasok ko ay nadatnan ko si Monteverde sa working station nya na natutulog. Kaya ba hindi nya ako nasundo kasi nakatulog na sya sa sobrang pagod? Pero sana naman..hay.. Hayaan ko na nga lang.

"Salamat." sabi ni Doc Mike matapos uminom ng tubig.

Napansin ko naman na napatingin ito sa gawi ni Monteverde na natutulog.

"Sige na mauuna na ako, kaya pala hindi ka nasundo ng asawa mo dahil nakatulog sya. Salamat sa tubig."

Sa ganoong senario nagising si Monteverde habang suot pa yung reading glass nya. Damn! Bakit ba ang cute nyang tingnan kapag nakasalamin sya.

"Oh may bisita ka pala, pasensya na nakatulog ako at hindi kita nasundo." sabi nito habang inaalis ang suot nyang salamin at pinunasan ang mata.

Agad na tumayo ito, nagulat pa ako ng halikan nya ako sa labi. Hindi agad ako nakasagot, napahinto rin sya. Siguro ay narealized nya yung ginawa nya. Pero bumaling na lamang ito kay Doc Mike.

"Ah salamat nga pala Doc sa paghatid sa asawa ko, pasensya na naabala ka pa."

Awkward namang tumawa si Doc Mike at napakamot sa batok.

"Wala iyon, sige mauuna na ako."

"Baka naman kasi hindi sya seloso o magaling lang sya magtago ng feelings." napaisip naman ako sa sinabi ni Maxine.

"Pero sa tingin ko magaling talaga sya magtago ng feelings eh." baka nga...kasi naman.. pero kasi...

"Babe, pasensya na hindi ko namalayan nakatulog pala ako, hindi tuloy kita nasundo. Ipagluluto lang kita para makakain ka na at makapagpahinga na rin." sabi nito at nagtungo na sa kusina para magluto ng hapunan.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now