Chapter 25 - What If?

503 37 3
                                    

Thief/Doctor

"Paige, what if may gusto talaga sayo si Monteverde una pa lang?"

"Hoy Maxine nasa trabaho tayo, pasyente inuuna natin dito hindi kalandian."

"Pero hindi ka ba nako-curious kung bakit lagi ka nyang binibigyan ng apple?"

Madalas ko ring naiisip yun, pero sa totoo lang wala talaga akong idea kung bakit lagi nya akong binibigyan ng apple.

"What if mahal ka nya talaga? What if umamin sya sayo?"

"Pwede ba tumahimik ka Maxine, hindi ka naman nakakatulong sa kakatanong mo sa akin nyan. Tsaka isang milyon kong sasabihin sayo na--

"Hindi ako magkakagusto sa abugado dahil sinungaling sila." dugtong nya sa dapat linya ko. Alam naman pala nya pilit nyang pinagsisiksikan sa akin si Monteverde.

"Pero eto last na. What if may nakilalang babae si Skylar? Okay lang ba sayo?"

Tumango ako bilang sagot sa kanya.

"Pero kasal kayo."

"Pwede ba Maxine tigilan mo ako sa kakulitan mo. Akala mo ba katulad ako nang napapanood mo sa tv na kapag inaasar sa isang tao mapapalapit na ako doon at mahuhulog ang loob ko? Kung yun ang iniisip mo nagkakamali ka."

"Hoy Paige! Hindi naman sa ganoon ang nasa isip ko, kaya lang hindi ba parang pinagkakaitan mo ng kaligayahan at freedom si Monteverde dahil nakatali sya sayo."

"Eh bakit sya pumayag kung napipilitan din naman pala sya sa kasal namin, bakit humanap pa sya ng bahay namin kung ayaw nya. Mag-isip ka nga Maxine. Baka kailangan nya rin ng katuwang sa buhay katulad ko pero walang pumapatol sa kanya dahil isa syang sinungaling na abugado."

Napailing na lang si Maxine.

"Alam mo Paige ang sama ng ugali mo. Minsan naiisip ko paano nakakatagal si Skylar dyan sa ugali mong masama. Kaya pala ayaw sayo ni Chester dahil sa ugali mong ganyan."

"Hoy Maxine, kilala mo ako na ganito ang ugali ko. Hindi ko naman obligasyon na i-please ang mga tao para magustuhan nila ako."

"Hay oo na. Sana matauhan si Skylar at iwan ka dahil ginagamit mo lang naman sya para makaiwas sa pinsan nyang siraulo."

"Hindi ko naman sya ginagamit kung gusto nya rin yung buhay na mag-asawa kami."

Naiinis na ako kay Maxine ang kulit-kulit. Ano gusto nyang palabasin na ako ang kontrabida sa buhay ni Skylar? Hindi ko naman ginustong gamitin sya para maiwasan ang arranged marriage sa pinsan nya. Actually pwede naman syang tumanggi pero hindi nya ginawa, siguro masasabi kong mabait sya sa part na yun dahil pumayag sya sa gusto ko kahit na ako yung sobrang desperada na nanghingi ng tulong sa kanya. Siguro nga hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanya at mga salita ko sa kanya dahil ayaw ko sa abugado.

"Oh ayan na naman yang princess charming mo."

Napalingon ako kay Monteverde na malayo palang ay nakangiti na sa akin. Napangiti rin tuloy ako sa kanya. Nang makalapit sya ay hinalikan nya ako malapit sa labi ko na naman. Hinahayaan ko na lang sya sa gesture nya na yun. Pero kapag kami lang naman dalawa sa bahay hindi nya ginagawa yun. Siguro dahil alam nyang nakabantay at nagmamatyag si grandma kaya ganoon sya.

"Maaga kong natapos yung mga ginagawa ko sa opisina kaya dumiretso na ako dito. May dala pala akong miryenda."

Inabot nya sa akin yung donut nyang dala. Agad ko naman iyong binuksan at kumuha ng isa para kainin.

"Salamat, mamaya pa ako makakauwi. Mauna ka na sa bahay kung gusto mo."

Alam kong nagtataka sya dahil alam nya yung oras ng uwi ko, pero kasi sa sobrang kulit ni Doc Mike hindi ako nakatanggi sa alok nitong dinner.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now