Chapter 14 - Living ToGetHer

470 28 1
                                    

Thief/Doctor

Nag-aayos na kami ni Monteverde ng mga gamit namin sa bahay, actually sya lang talaga yung nag-aayos kasi nagpapahinga ako, kakalabas ko lang galing duty ko. Kailangan ko ng pahinga at naiintindihan naman nya iyon.

"Ang dami pa nating aayusin." reklamo ko, napahinto naman sya sa ginagawa nya.

"Ako na nga yung nag-aayos ng mga gamit natin ang dami mo pang reklamo. Nakaayos naman na yung kwarto, matulog na don, para makapagpahinga ka." at tinuloy nya yung pag-aayos ng gamit.

"Monteverde." tawag ko sa kanya. Ewan ko gusto ko lang sya tinatawag sa surname nya.

"Bakit?" hindi man lang sya nag-abalang tumingin sa akin, kainis. Sobrang busy sa ginagawa.

Tumayo ako at lumapit sa harapan nya.

"Ano?" takang tanong pa nito sa akin.

"Wala gusto ko lang tinatawag ka sa apelido mo."

"Bakit naman?"

"Wala naman, parang pang mayaman kasi." totoo naman pang mayaman yung apelido nya.

"Hindi ako mayaman, matulog ka na sa kwarto, matatapos naman na rin 'tong ginagawa ko."

Bakit ba pilit nya akong pinapalayas. Nakakainis talaga sya.

"Ayoko nga, dito lang ako aantayin kitang matapos."

"Ay bahala ka nga ang kulit mo."

"Alam mo Monteverde, siguro maraming nagkakagusto sayo."

"Paano mo naman nasabi?"

"Kasi ang mysterious type mo. Silent type ka pa."

"Ah ganoon, atleast hindi mo ako type." napairap naman ako sa sinabi nya. Ang sarcastic ha.

"Hindi talaga kita type."

"Gaano pala tayo katagal magsasama? Pwede mo naman ng aminin ang lahat sa grandma mo yung tungkol sa atin." pag-iiba nya ng usapan. Bumalik ako sa couch para maupo ulit. Tsaka wala pa nga kaming isang araw nagsasama nagtatanong na sya kung kelan matatapos.

"Ewan ko, hanggat gusto ko magsasama tayo." sa wakas napunta rin sa akin yung atensyon nya at hindi sa ginagawa nya.

"Wow, paano naman ako? Gusto mo magdusa rin ako kasama mo? Hoy babae, problema mo 'to, hindi sa akin. Wag kang abusado."

"Hindi ako abusado, at pwede ba manahimik ka dyan. Wala kang choice ako ng masusunod. Kailangan mas superior ako sa bahay na 'to."

Napataas naman yung kilay nya sa akin.

"At bakit naman?"

Lumapit ako sa kanya, napataas kilay naman syang nakatitig sa akin.

"Dahil sabi ko. Wala ka namang girlfriend kaya pwede tayong magsama. Kung gusto mong lumayas dito humanap ka muna ng girlfriend."

Napahawak sya sa baba nya.

"Alam mo Paige, kung hindi mo lang sinabi na crush mo yung pinsan ko iisipin ko may gusto ka sakin."

"Alam mo Monteverde, bagay ka ngang abugado kasi ang dami mong alam."

"Alam ko, pero sa tingin ko mas bagay ako sayo." at lumapit sya sa akin. Tinulak ko naman sya pero hindi sya natinag.

"Magpapahinga na ako sa kwarto. Gisingin mo na lang ako mamaya kapag nagluto ka."

"Paige sandali."

Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Monteverde. Bigla naman kong kinabahan, hindi ko alam kung bakit.

"Ano pala yung sasabihin mo dapat sa akin?"

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now