Chapter 17 - Dark Secret

479 23 6
                                    

Thief/Doctor

"Alam mo ba kung bakit hinahanap ng asawa mo yung nanay nya." napataas ang kilay ko sa sinabi ni Henry. Inaya nya akong lumabas, wala naman akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanya. Hindi kasi ako makatanggi dahil kay grandma.

"Hindi nya nabanggit sa akin yung dahilan."

Inoobserbahan ko naman yung reaksyon nya, bigla syang napasandal sa upuan.

"I see... Hindi mo ba itatanong sa akin ang tungkol dun?" napataas naman yung kilay ko.

"Bakit? Kung ano man iyon, nasa kanya na kung sasabihin nya sa akin o hindi. I trust her, kung hindi man nya sa akin sabihin. Alam kong dadating yung araw na sasabihin nya rin sa akin."

Napatango na lang sya at humigop ng kape nya.

"Kung sisiraan mo sya para layuan ko sya nagkakamali ka." tumayo na ako para umalis pero bigla syang tumawa.

"Hindi ko sya sisiraan sayo, bakit ko naman gagawin yun. Tsaka pwede ba maupo ka muna, hindi pa tayo tapos magkape."

Padabog naman akong naupo sa upuan. Ano ba kasi talagang gusto nya?

"Gusto ko lang sana na kung ano man ginagawa nya, suportahan mo sya. Mas kailangan ka nya ngayon." makahulugang sabi nito sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?"

Napahigop naman sya ng kape.

"Wala naman."

Hanggang sa makauwi ako sa bahay namin ni Monteverde, hindi mawala yung sinabi ni Henry sa isip ko.

Pagbukas ko ng pinto ay naroon si Monteverde na parang abalang-abala sa ginagawa nya. Napatingin sya sa akin. Shit! Bakit parang nag-init yung pakiramdam kong ng makita ko syang nakasalamin.

Lumapit ito sa akin tapos ay humalik sa gilid ng labi ko.

"Bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba? Pasensya na hindi na kita nasundo, medyo busy kasi ako." napalunok naman ako at ibinaba ang gamit ko sa sofa. Bakit ganito sya makitungo sa akin ngayon.

"Paige." bigla akong napatingin sa nagsalita, si grandma. Kaya pala ganito si Monteverde. Tsk!

"Grandma!" pagulat kong sabi at saka lumapit ako sa kanya at nagmano.

Halika maupo sa rito sa tabi ko. Nasa hapag kami ni grandma ngayon.

"Sabay na tayong kumain, yang asawa mo masyadong abala sa ginagawa nya." hindi ko alam kung inis yung reaksyon na iyon ni grandma o hindi.

"Pasensya na ho, ganyan talaga sya. Masyadong seryoso sa trabaho." sabi ko habang nakatingin kay Monteverde.

"Sky, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin ni grandma." pag-aaya ko sa kanya. Pero hindi nya ako pinansin. Tsk! Huwag mo akong ipahiya sa lola ko, Monteverde.

Lalapitan ko na sana sya pero bumaling ito paharap sa akin.

"Paige, kung ganyan lang din ang mapapangasawa mo. Hindi ako papayag. Ni wala man lang ba syang galang. Hindi na ako nagtataka kung bakit nakakulong ngayon ang ama nyan." nagulat naman ako sa sinabi ni grandama. Ano?! Nakakulong yung papa ni Monteverde?! Kahit na nagulat ako sa sinabi ni grandma, ay hindi ko maaaring ipahalata sa kanya na hindi ko alam.

"Sige na iha, kumain ka na. Aalis na ako. Hindi magtatagal ay kay Henry din ng bagsak mo." sabi nito at tiningnan ako ng masama. Wala akong nagawa kundi ang sundan lang ng tingin si grandma.

Pagkasarang-pagkasara ni grandma ng pintuan ay pumunta ako kay Monteverde.

"Ano yun?! Bakit hindi mo ako pinansin kanina noong inaya kitang kumain?" hindi nya ako pinansin at patuloy lang sya sa ginagawa nya.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Onde histórias criam vida. Descubra agora