Chapter 1 - The Lawyer

1K 36 0
                                    

Lawyer

"Ryl, I think you need to have a girlfriend.. But wait let me repharse it, you need a wife." sabi ng kaibigan kong bakla na si Cheska, actually Chester talaga yung pangalan nya. Kaya nga lang nakapa-manly naman daw nun, kaya Cheska na lang. At Ryl (Rayl) ang tawag nya sa akin, dahil ayaw nya akong tawagin sa pangalan ko, oo imbento nya lang yung nickname ko.

"Don't need that, Cheska. Sawang-sawa na akong makipagbalitaktakan sa korte, tingin mo ba papayag ako na pati yung payapa kong pamumuhay, eh magugulo lang ng babaeng nagger. I'd rather be single than having a girlfriend na dinaig pa ako sa pakikipagbalitaktakan sa korte." mahaba kong paliwanag sa kanya.

"You know what Ryl, yun nga yung ipinagdadasal ko, para naman nalaman mo kung paano matalo. Bwisit ka, wala ka pang kaso na hindi natatalo. Matunog na matunog yung pangalang Attorney Skylar Monteverde." saad naman nito habang naglalakad kami palabas ng office para kumain.

"Bakla, iinom ako mamaya, sama ka?" tanong sa akin ni Cheska. Umiling naman ako.

"Alam mo Ryl minsan naaawa ako sayo, virgin ka pa alam ko, kasi di ka pa nagkakajowa. Pero best naman tigang mode ka na. Di ko keribels yun!" sabi nito sabay hampas sa balikat ko. Aray ha! Kung makahampas sya, akala mo naman hindi mabigat yung kamay nya.

"Teka bakla, tingnan mo yung hot na babae na yun. Parang single, ligawan mo na kaya. Bagay kayo pareho kayong malaki yung noo." asar nito sa akin. Hindi naman talaga malaki yung noo ko. Kaya lang nakasanayan na nyang sabihin yun, dahil malaman daw yung utak ko dahil matalino ako. Hinahayaan ko lang naman sya kung ano gusto nyang isipin.

"Wow, Chester Paolo, hiyang-hiya naman yung noo kong malaki sayo. Hoy hindi ako katulad mo, ako nga may nakitang lalaking may malaking tyan na mukhang drug pusher hindi ko naman sinabing bagay kayo." sarcastic kong sabi sa kanya. Napahawak naman sya sa dibdib nya. Aarte na naman ang bakla.

"How dare you, Monteverde. How dare you to hurt my feelings, to insult my fatty belly. Porket may abs ka, nagiging racist ka na sa'ming malalaki yung tyan. Anong kalapastanganan yan ha--- hindi ko na sya pinatapos sa drama nya. Binilisan ko ng maglakad, dahil nagugutom.

"Ha--hotdog ka talagang Monteverde ka. Antayin mo'ko." habol sa akin ng bakla kong kaibigan. Tumakbo naman ako ng konti, alam ko naman kasing hindi sya hahabol dahil madali syang hingalin. Wala naman syang hika, sadyang mabilis lang syang mapagod dahil sa laki ng tyan nya.

Habang kumakain kami, ay panay ang pangungulit sa akin ni bakla na magbar daw kami.

"Chester Paolo, tumigil ka nga. Alam mo namang wala akong bisyo. At mas lalong ayokong pumunta sa bar dahil mas lalong ayoko sa maraming tao." inis kong sabi sa kanya, ang kulit kasi.

"Please sumama ka na, gay bar naman yun. Malay mo andun na yung taong papakasalan mo." depensa naman nito.

"Bobo ka bang bakla ka? Saan ka nakakita ng matinong babae sa bar? Pwede ba tigilan mo ako, dahil hindi ako sasama sayo." hindi ko naman nilalahat, pero karamihan naman talaga sa mga babae sa bar hindi matitino. Ibig kong sabihin, sino ba naman ang babaeng magseseryoso sa akin kung sa bar lang kami magkakakilala. Baka nga yung iba one night stand lang ang gusto. Hindi ganoong klaseng babae ang gusto ko.

"Okay pero kapag nalasing ako, sunduin mo ako ha." sabi naman nito sa akin.

"Ayoko."

"Please?"

"No." madiin kong sabi sa kanya.

"Hindi mo naman ako matitiis, Ryl. Ikaw yung prince charming kong galing langit na isinubsob sa lupa." bwisit talaga 'tong bakla na 'to. Di hamak naman na may mas itsura ako sa kanya 'no.

The Thief And The Lawyer (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now