Chapter 1

51 8 0
                                    

Anne's POV:

"Ito na! Ito na!" sigaw ko pababa ng hagdan.

"Ang tagal mo!" sigaw pabalik sakin ni Damonica, kaibigan ko.

"Shush! Ang iingay na mga bata, oh oh..." saway naman ng nanay ko.

"Sorry po..." sabay na pagpapa-umanhin namin ni Nica.

Pagkatapos mag sorry ay tinignan ko siya at sinamaan ng tingin, ganoon din siya sa akin.

"Alis na po kami," pag papaalam ko sa nanay ko.

"Oh siya sige. Mag ingat kayo.." sabay lapit sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Opo."

Naglakad kami palabas ng bahay namin, at ipinagpatuloy ang bangayan.

"Ikaw naman kasi!" turo ko sakanya.

"Aba! At ako pa ngayon? Excuse me, ikaw mabagal satin noh. Ako ang naghintay!"

"Bahay ko yun!"

"Ewan ko sayo!" tsaka binilisan pa lalo ang paglalakad. "Dalian mo! Magalit na naman boss natin niyan!"

"Ito na!"

«—»

"Late na naman kayo."

"Sorry po..."

Aishh. Pangalawang beses na 'kong nagsorry ngayong araw. Challenge ko sa sarili ko walang magawang mali eh. 'To naman kasing si Nica.

"Mag trabaho na kayo."

"Opo."

Tahimik kaming dalawa ni Nica dahil tuloy tuloy ang pasukan ng mga customers dito sa ramen resto. Part time namin ito, dahil masyado kaming matalino ay na bo-bore na kami sa pag aaral.

Syempre, charot lang.

Kailangan namin ng pera para sa upcoming concert ng Blackpink! Uyy, shems na excite ako bigla.

So ayun, sariling pawis at laway ang ginagamit namin para makapunta lang sa concert na yun.

"Psst! Anne, pahatid naman 'to sa table 5. May pinapagawa sakin yung chef eh," utos sakin ni Nica sabay abot ng tray na..

Noodles lang ang laman.

Walang kahit ang sauce, or anything. Plain noodles. Kahit sabaw wala.

"Tapos na ba 'to?" habol ko kay Nica.

"Oo. 'Yan yung order nung lalaki dun eh."

"Nge. 'Ge, I'll be back."

Lumabas ako ng kitchen at hinanap ang 5. Nang masilayan ko ang 5, ay agad ko itong nilapitan at nagulat sa nakita ko.

Isang lalaking naka mouth mask, jacket, cap at pantalon.

"Goodmorning sir, here's your order," bigay pansin ko sakanya.

Agad naman siyang tumingin sa akin, at nagulat ako sa gwapo ng mukha niya.

Okay. Gwapo, pero hindi yun yung naka agaw ng atensyon ko.

Ang putla niya.

Hindi ko man kita yung labi niya, mukha niya palang alam ko na. May sakit ba siya?

"Thanks."

"Uhm. Call us if you need anything. Enjoy your meal sir," sabi ko at nilisan ang table niya.

Woah. Weird, ang cute ng mukha niya pero ang lalim ng boses niya, ang lamig pa. Ramdam ko eh.

Nag focus nalang ulit ako sa pag se-serve, pero may mga pagkakataon pa rin na tinitignan ko yung lalaking naka itim.

Naglalakad ako palapit sa isang table habang nakatingin sakanya, kaya itong si bulag...natisod.

"Ahh!" napaso ako sa init ng sabaw nung ramen.

"Sorry, sorry..." sabi ng isa, may bangs siya at may kasama siyang isa pang babae.

"Naku! Ate naman, napaso siya.." sabi naman nung isa at tinulungan akong tumayo.

"Anne! Anong nangyari sayo?" nag mamadaling lapit sakin ni Nica.

"Ah..wala.." sabi ko at sinubukang linisin yung uniform ko.

"Sorry po talaga..." sambit ulit nung may bangs.

"Okay lang...'di rin kasi ako nakatingin," sabi ko at ngumiti sakanila.

"Mag palit ka muna, Anne..." sabi ni Nica at tinulak ako papunta ng locker room.

Bago pumasok ay narinig ko ang pag sasalita ni Nica sa labas.

"Alam niyo, 'yang bestfriend ko...bulag talaga yan."

Abnormal na babaita...

«—»

"Miss?" tawag ng isang lalaki.

May kinakalikot ako sa drawer dito sa cashier, may pinapahanap na papeles boss namin.

Tumingala ako at otomatikong napa-ayos ng tayo nang makita ko si black.

"Ooh. Sir...yes po?"

"Kanina pa kita tinatawag. 'Di ka tumitingin, nasasayang oras ko. Ito yung payment.." dere-derestong sambit niya.

"A-Ah. Yes po. Sorry po..." sabi ko at tinanggap ang pera. Mabilis akong kumilos para suklian ito.

"Keep the change," huling utos niya tsaka umalis.

Wirdo. Mapagalitan pa ako..

"Anne, ikaw na sa kitchen. Palit na daw tayo..." tawag sakin ni Nica.

"Oh. Okay sige. Hanapin mo yung papeles na pinapahanap sakin ni boss," sabi ko at saka pumasok sa kitchen.

Oo, itong si baduy...marunong ding magluto. Parehas kami ni Nica na marunong, kailangan din kasi dito.

Nag simula akong mag luto ng noodles, at habang nag luluto yun ay nag halo na ako ng mga nakahandang noodles.

Lagay ng flavoring dito, lagay doon...buhos sabaw dito, buhos sabaw doon.

"Anne! Isa pa daw ramen!" sigaw ng isa sa mga kasama namin.

Agad akong kumilos at tinapos yung ginagawa ko, at sinimulang gawin yung isa pa.

"Ito na yung orders. Yung dalawa sa table 7 tapos yung isa table 9.." sabi ko habang lumalabas ng kitchen.

Agad na tinanggap ng isa sa mga waiters namin iyon.

Bumalik ako sa kitchen at umupo sa sahig tsaka sinandal ang sarili sa mga countertops, habang may mga pawis na tumutulo sa aking mukha.

"Haa.."

«—»

Window BuddyWhere stories live. Discover now