Chapter 6

23 7 0
                                    

Anne's POV:

Kakarating lang namin ni Nica dito sa ramen house galing school. At syempre, madami na namang estudyante dito.

"Here's your order sir," lapag ko sa lamesa ng ramen niya.

"Thanks."

Nag-tuloy ang gabi ko ng ganoon lang. Ilang oras ang lumipas at nag palit naman ulit kami ni Nica ng position. Ako naman ang nasa kusina habang siya ang nag seserve.

Kapag walang ginagawa sa kusina ay pasimple kong ginagawa ang assignments at projects ko.

Pero hindi pa nakaka-ilang minuto ay tatawagin na nila ako para sa tulong at assistance.

Pagkauwi ko ng bahay ay sinalubong ako ni Klye na kanina ay nakadapa at nanonood ng tv.

"Ate! Lamang na po yung team ko sa basketball! Ang galing po nila," pag hanga niya habang naka turo sa tv.

Dahil sa wala akong interes ay tumango tango nalang ako. Hinalikan ko siya sa ulo at saka dumiretso sa kwarto.

Mabilis lang akong nagpalit ng damit atsaka ginawa ang aking mga projects.

«—»

"Anne, anak.."

"Hmm..?"

"Kain na tayo anak. Magmamadaling araw na," sabi niya at mahinang hinila ang braso ko patayo. Ako nama'y nagpaubaya at tumayo ng tuluyan.

Pinauna ko na si 'nay habang ako ay nag aayos ng mukha. Maya maya lang ay may tumunog na naman sa pintuan ng terrace ko.

Sinilip ko ito at napangiti ng hindi namamalayan nang makita kong si Jake ulit iyon.

"Kakain lang ako. Pumasok ka muna, mamaya tayo mag usap..." madali kong pamamaalam.

Nginitian niya naman ako 'saka tinanguan.

Bumalik ako sa loob tsaka dumiretso sa baba. Nadatnan ko silang nag uusap sa hapag kainan at halatang pinapagalitan si Klye.

"Bakit mo naman ginawa yun?" gulat na tanong ni nanay.

"Eh nay, paano ba naman. Wala daw akong tatay," pagmamaktol ni Klye.

Natigilan naman ako doon. Pumapasok na si Klye kahit limang taon palang yan, kinder. About sa tatay namin, lumihis ng direksyon.

"A-Anak."

"Klye," tawag ko sa kapatid ko. Nilapitan ko siya at hinarap ang upuan niya sa akin, lumuhod ako at hinawakan ang tuhod niya.

"Ate, wala daw akong tatay," paiyak na sambit niya.

Umakyat ang kamay ko sa pisngi niya at hinaplos haplos ito. "Shh, shh...anong sabi ko sayo dati?"

"Na hindi natin siya kailangan.." sabi niya at kasabay nito ang pagtulo ng luha niya.

Agad kong pinunasan ang luhang tumulo, "at?"

"At...at..." humihikbi niyang pagtutuloy, huminga siya ng malalim. "At..hindi na siya babalik."

Nginitian ko siya at pinunasan ang luhang tuloy tuloy ang tulo.

"Klye..in life, not everything we want we can get. In our case, kahit gusto natin ng tatay hindi natin ito pwedeng makuha kasi yun ang nakatadhana. He chose some other people over us. We can't do anything about it. Hmm?"

"But...but I love him Ate."

"I also do. Nanay also do..but what can we do? Umiyak ng umiyak? Magmakaawa sakanya na balikan tayo? We can't do that Klye. You're too young to understand all of these. But one day you will..."

Hinalikan ko siya sa ilong niya tsaka ginulo ang buhok niya. Tumayo ako at hinarap uli ang upuan niya sa lamesa at saka ako umupo sa upuan na katabi niya.

"Anne," tawag sakin ni nanay.

"Po?"

"I...I've grown a nice fine woman..."

"You did ma...you did."

«—»

"Anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ni Jake.

Andito na ulit ako sa terrace at nakatungkod ang dalawa kong siko sa harang ng terrace.

"Nah, I'm fine..." malamya kong sagot habang nakatingin sa baba.

"Sabi ko kung anong nangyari. Hindi kung okay ka lang..."

Napatingin ako sakanya at binigyan ng nakakasawang tingin. "Buo ba pamilya mo?" tanong ko na pinagtaka niya.

"Hmm?" taas kilay niyang tanong, tinaasan ko lang din siya ng kilay. "Oo. Buo kami, pero wala sigurong araw na hindi sila nag aaway..."

"Ano bang mas gusto mo? Buo pero nag aaway? O...hiwalay pero tahimik ang buhay?" seryoso kong tanong sakanya.

"May pinanghuhugutan ka ah?" nang-aasar niyang tanong pabalik.

"Haay.." buntong hininga ko.

"Tell me..what's wrong, huh?" pamimilit niya.

"You see..my father. Thirteen palang ako iniwan niya na kami. Isang taon palang si Klye nun, kapatid ko. Nang tumanda tanda si Klye, nakita namin ni nanay yun epekto nun sakanya. Nasasaktan ako para sa kapatid ko. Galit at ayaw ko sa tatay ko..." naluluha-luha kong simula.

"You hate seeing your brother suffer?"

"Yeah. I hate it so much."

Nginitian niya ako, a genuine one. I smiled back with a sad one.

"Anong ginagawa mo para hindi masaktan yung kapatid mo?" tanong niya sa akin.

Hindi ko man alam kung bakit niya tinatanong sa akin yun ay sinagot ko ito. "May pinapaulit ako sakanya. At alam kong kahit masakit ipaulit ulit sakanya iyon ay alam ko rin naman na lalakas ang loob niya kapag sinabi niya iyon.."

"Do you hate yourself for doing that?"

"No," maagap kong sagot.

"You don't hate yourself kasi napapagaan mo yung loob niya kahit papaano. You just hate the fact na nasasaktan siya sa walang kwentang tao. And that's completely fine, as long as he has you, he'll be fine."

"He is fine. Pero diba? Ang sakit lang tignan na naaapektuhan siya sa tatay namin na walang ginawa kundi ang pahirapan kami."

"Masakit. Pero as an Ate, wala ka nang kailangang gawin kundi ang pagaanin ang loob niya everytime na naaapektuhan siya."

"I sort of agree..." nag aalanganin kong sagot

"And you'll be fine Anne. I'll be here with you until the end. Okay?"

Nginitian ko siya.

"Thank you Jake."

«—»

Window BuddyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt