Chapter 19

8 2 0
                                    

Anne's POV

Natulala kaming dalawa ni nanay sa sinabi ni Jake. Dahan dahan akong tumingin sakanya at nag tama ang paningin namin.

Kumurap kurap ako at lumabas ang ngiti sa aking labi, kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.

Nag aalala ang mga mata ni Jake, hinaplos niya ang aking pisngi at pinunasan ang aking mga luha.

"Sabi mo naman sakin na kailangan kong lumaban diba? Lalaban ako. Para sayo, para sa nanay mo, para sa kapatid mo, para sa magulang ko. I will never leave you Anne, don't cry please.."

Tinignan ko si nanay nang tumayo siya at lumapit kay Jake. Akala ko ay sasampalin niya ito ngunit niyakap niya ito ng mahigpit at nag sisi-iyak na din.

"Please Jake. Nagmamakaawa ako sayo, wag mong iiwan ang anak ko. Kahit anong mangyari, please...Ipapaubaya ko siya sayo pero please, wag na wag mong gagayahin ang tatay niya na iniwan lang kami basta basta..." humahagulgol niyang ani at tsaka humiwalay.

Napahinga ako ng malalim. Tinignan nila akong dalawa kaya nginitian ko ulit sila. Sabay sabay kaming nagyakap ng may ngiti sa labi ngunit may kalungkutan sa mga puso't mata.

Tulad din ng sinabi ko dati, hinding hindi ako mag sasawa kay Jake. Aalagaan ko siya hanggang sa gumaling siya. Mamahalin ko siya ng higit pa sa akin.

«—»

"Are you surprised?" tanong ni Jake mula sa kabilang bintana.

Nag uusap kami ngayon sa bintana dahil mahamog sa labas ngayon at baka makasama lang kay Jake ang lumabas ng todo.

"Oo naman. Sino ba naman ang hindi?"

"I'm sorry...if I could just heal myself. Sana nakaka gala tayo ngayon. Sana nakaka pasok ako sa school kasama ka like a normal highschool couple."

"It's okay. Sa gwapo mong 'yan ay baka kapag lumabas tayo ay may makakita pa sayo. Ayokong makita ka ng ibang babae at baka magustuhan ka pa nila.." dahil sa sinabi ko at napatawa siya.

"Ma-uunder ata ako sayo," lalo siyang napatawa. Sinimangutan ko siya kaya nawala ang tawa niya. "But seriously, I'm very sorry—"

"Jake. You don't need to be sorry.."

"It stresses me out. Paano kapag 'di ko nakanayan? Paano kapag sumuko yung katawan ko? Paano kung—"

"Lalaban ka diba? Sakit lang yan Jake. Mas malakas ka Jake..."

"I'm sorry, I can't give you the happiness you deserve," maluluha luha niyang ani.

"Jake..ikaw lang masaya na ko. Makita lang kitang gising at masaya, masaya na rin ako. Kaya please Jake, think positive. Don't bury yourself into negativity. I'm still here ready to heal and save you from all the pain you are facing Jake. You are not alone."

Napangiti siya—no, more like napangisi. Kinunotan ko siya ng noo.

"Sleep now Anne. We still have a long day tomorrow," sabi niya sabay kindat. Lalong kumunot ang noo ko. "I'm fine now. One hundred percent, mwah goodnight! I love you."

Nanlaki ang mata ko. First time niyang sabihin sa akin ang 143 word na iyon. Napalunok ako, mag sasalita pa sana ako nang saraduhan niya na ako ng bintana.

He said 'I love you' to me. Oh my god, what? Oh my. Aaahh! Hindi na naman ako makakatulog! May pasok ako bukas!!

«—»

"I just want an update on your thesis. How is it?" tanong ni teacher namin. Tahimik ang lahat kaya sumama ang itsura ni prof.

"Anne's group," tawag niya sa akin at sa grupo ko. Tumayo ako at tumingin sakanya. Nakakahiya!

Window BuddyWhere stories live. Discover now