Chapter 7

19 5 0
                                    

Anne's POV:

"Babae! Oy!" sigaw ng babae sa likod ko.

Kakababa ko lang ng bus at naglalakad ako ngayon patungong ramen house at tirik ang araw. Kapag iyong sumisigaw ay si Nica, mag aapoy na ako dito.

Maya-maya lang ay may humablot ng braso ko. Sinamaan ko ito ng tingin, at si Nica nga.

"Ano ba?!" inis na tanong ko sakanya at inagaw pabalik ang aking braso.

Bumagsak ang kanyang balikat at ngumuso, bumaba rin ang tingin niya sa semento. "Hindi mo na ko idinaan sa bagong bahay niyo."

"Yun lang?" manghang tanong ko.

"Ay hindi! Meron pa! Ang dami pa! Yung utang mo, promise mo sakin na ikaw magbabayad! Ano na?" pagmamaktol niya, natawa nalang ako.

"Oo babayaran ko yun lahat. Ito naman masyadong atat," sabi ko sabay ikot ng mata sakanya. Ilang segundo lang ay kinurot niya na ang aking ilong.

"Ikaw pa nananaray sa akin ngayon. Ka-galeng."

"OA mo talaga, parang inikutan lang ng mata nangurot na," pagmamaktol ko din.

"Tse! Ewan ko sayo. Pasok na nga tayo," sambit niya sabay hila papasok ng ramen house.

Same routine ang nangyari buong araw. Pero tulad ng dati ay bandang four-thirty nagdatingan na ang ibang mga estudyante sa aming paaralan. Dumating ang dalawang kambal.

"Hi, Anne!" salubong sa akin ni Jhae, napabuntong hininga nalang ako. Kahit kailan hindi nauubusan ng enerhiya sa katawan eh.

"Ano nga uhm... sriracha ramen, dalawa" sabi naman nung ni Lay.

"A-Ah! Kuya, 'di ako nakain ng spicy diba??" pagtutol naman ni Jhae.

"Edi umorder ka ng iyo!" sigaw naman ni Lay.

Napangiwi naman ako. "Pakibilis. Walang oras ang pag tatalo kapag nakapila kayo.."

"Sungit.." bulong ni Lay. "Dalian mo na nga," siko niya sa kapatid.

"A-Ah ano, chicken ramen nalang."

"Anong drinks?"

"Water."

"Pineapple."

"What the hell, kuya? Pineapple? Ramen?" tanggi na naman ni Jhae.

There they go again, my goodness. May mga nakapila pa.

"Edi mag tubig ka!" sabi ni Lay, sabay harap sakin at ngumiti. "Isang tubig at isang pineapple juice."

Bumuntong hininga ako. "Okay. So, isang sriracha ramen at chicken ramen. Then for drinks, water and pineapple juice. Anymore?"

"No thanks. Yun lang.."

"Thank you," pag papasalamat ko dahil natapos na sila sa order nila.

"Welcome," asar ni Jhae, pinaninkitan ko siya ng mata.

Madali kong binigay ang order nila sa kitchen. At saka inasikaso ang ibang nakapila. Pagkatapos ng pila ay pansamantala akong pumasok sa kitchen.

"'Musta?" tanong ni Nica.

"Pagod na..." paupo palang sana ako nang..

"Bill out Anne!" sigaw ni Jhae.

Kahit kailan talaga yung lalaking yun. Tsaka ang bilis nilang kumain. Grr.

Kinuha ko yung bill nila tsaka pumunta sa table nila.

"Mga patay gutom," bulong ko.

"Ano?" parang nainsultong tanong ni Lay.

"Wag na nating bayaran 'to bro," bulong rin ni Jhae.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumingin siya sa akin.

"Joke lang."

«—»

"Anne, are you with us?" nagising ako sa katotohanan nang tawagin ako ng prof.

"Uhm opo."

"Why take night classes kung 'di mo naman pala kaya.." sambit niya na parang kinakausap ang sarili tsaka bumalik sa pag didiscuss.

"Kasi may trabaho ako ng umaga at palibhasa hindi niyo alam yun.." pabulong kong pagrarant.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan Ms. Reyes?" harap na naman sakin ni professor.

"Ms, I really do work. Kaya pagpasensyahan niyo po ako," todo respetong paliwanag ko kahit gigil na gigil na ako.

Natapos ang klase ko ng 12 ng madaling araw.

Ngayon ko lang pala naipakita sainyo kung paano kami nag aaral ni Nica. And now it's revealed. Night Classes!

Aalis kami ng ramen resto ng 5:30, start ng klase namin dito ay 6 o'clock. At matatapos ng 12 o'clock.

Parehong topics ang tinuturo sa morning classes at night classes. Mag kaiba nga lang ng teachers at siyempre..classmates.

Yung ibang classmates ko talagang night classes lang. Habang kami ni Nica ay every Mondays, Wednesdays at Fridays.

Pero ang attendance namin ay parehas lang din. Hindi kami absent sa morning class kung umattend kami ng night class and vice versa.

"Tara uwi na tayo Anne," pagod na yaya sakin ni Nica.

"Alam ko na," ani ko tsaka tumayo sa upuan. "Punta ka na samin, sleep over tayo.." suhestyon ko kaya lumiwanag ang kanyang mukha.

"Tara!"

«—»

Window BuddyWhere stories live. Discover now