Chapter 3

27 8 0
                                    

Anne's POV:

"Woah."

Iyan lang ang reaksyon ko nang makita ko ang bahay na titirahan namin.

It's decent enough for three people to live in. Ang base color ay white, with few touches of brown and gray. It was modern.

Nasa isang subdivision 'to, harap-harapan ang bahay, at tabi tabi pero may few spaces between. Mga dalawang bahay siguro each space.

"N-Nay..." tawag ko kay nanay na nakatingin lang din sa bahay.

"Oh?"

"N-Nasaan pala si bunso?" tanong ko.

"Baka nasa loob na..." sagot niya habang nakatingin parin sa bahay.

"Ah."

Ilang minuto lang nang makarecover kami ay pumasok na rin kami. Hindi na nga naka lock ito, pumasok na nga talaga si kulit.

"Ate! Ang ganda dito 'no?" biglang bungad sakin ni Klye, kapatid ko.

Pababa siya ng hagdan at sa liit niya ay hirap na hirap pa siya.

"Oo, maganda dito," plastik kong sagot. Hindi ko pa naman nakikita yung buong bahay eh.

"Ate," tawag sakin ni Klye, tinignan ko naman ito nakahawak siya sa aking mga binti. "Dito na po ba tayo titira?" inosente niyang tanong.

"Oo Klye, dito na tayo titira."

Ngumiti siya, maliit na ngiti lamang iyon ngunit nagawa rin nitong mapangiti ako.

Limang taon palang si Klye. Madalas na tulog ang batang 'yan kaya tahimik din siya. Pero kapag bagong gising ay kung saan saan napapadpad. Makulit din 'pag na-energize na.

«—»

Pagdating ng umaga ay ginising kami ni nanay.

"Labas muna tayo para makakain. Bukas na ako mamamalengke," yaya sa amin ni nanay.

"Okay po.." sabi ko.

"Ay Anne, anak," tawag sa akin ni nanay. "Wala ka bang pasok ngayon? Whole day ka diba?"

"Naka off po ako ngayon. Tinawagan ko na po kagabi."

Nginitian niya lang ako at saka pinaalis papunta kay Klye.

Kinarga ko papunta ng banyo si Klye. Nakapag ayos na kami at magkasama si nanay at Klye sa iisang kwarto habang ako sa isa.

Hinilamusan ko si Klye at binihisan.

"Aaah," sabi ko, pinapabuka ang kanyang bibig ngunit ayaw niya. "Klye, you need to brush your teeth. Your mouth will smell, sige ka. Girls will not chase you..." pagbabanta ko.

Agad niya naman itong binuksan.

Maharot na bata. Naintindihan ako?

"Bubuksan naman pala. Pina-english mo pa ako..."

Pagkatapos ko siyang toothbrush-an ay binaba ko siya kay nanay at ako naman ang nag ayos.

Simpleng white and black stripes off shoulder blouse at mustard yellow skirt lang ang sinuot ko. Matching it with white shoes. Nakalugay lang ang buhok ko.

"Okay na po kayo 'nay?" tanong ko sakanya habang pinapagpag-pagpag ang aking damit.

"Oo, siya tara na.." sagot niya.

Hinawakan niya sa kamay ni Klye, at saka sila nag tungo sa pintuan.

"Ikaw na mag lock Anne!"

"Opo!"

«—»

Habang nilolock ang pinto ay may tumawag sa akin.

"Sst!" 

Kumalabog ang dibdib ko.

Lumingon ako at nakakita ako ng pamilyar na mukha.

Nasa terrace siya sa kabilang bahay. Katapat lang ng amin.

Saan ko nga ba siya nakita...

Kumaway siya sa akin. At kahit naka mouth mask ay kita kong ngumiti siya dahil lumiit ang kanyang mga mata.

Dahil sa gulat ay tumalikod ako. Inayos ang pag kakalock ng pinto tsaka ulit sumilip.

Naka tingin pa rin siya sa akin.

Dahil sa sinag ng araw ay tinakpan ko ng kaunti ang mata ko.

"Anne! Tara na," tawag sa akin ni nanay na halos nasa kabilang kalsada na.

Tinanggal ko ang pagtatakip sa aking mata. I squinted, and smiled at him.

Pagkatapos noon ay gumilid na ako ng tuluyan at nag simulang mag lakad.

Ilang hakbang pa lamang ang nagawa ko ay napatigil din agad.

Sa restaurant, ramen house, cute face, deep voice, "keep the change" guy.

Sumilip ulit ako ngunit wala na siya sa kinaroroonan niya kanina.

Napalunok ako at saka pumikit.

A coincidence?

«—»

"Ate, ayoko po nito..." sabi ni Klye at nilagay sa plato ko ang gulay.

Hindi ko ito pinansin at patuloy na kumain.

"Ate, ayoko din po nito..." lagay naman siya ng olives na galing sa kanyang pizza.

Hindi rin ako kumakain nito, kaya tinabi ko lang din siya.

"Ate, ayoko po—"

"Klye. Ano pang kakainin mo kung nasa akin na lahat?" pagpuputol ko sakanya.

"Eh pero ate ayoko po talaga nito...." sabay turo sa plato.

Balat ng manok.

Napabuntong-hininga nalang ako. Kinuha ko ito gamit ang tinidor at sinubo.

"Thank you ate!" masiglang pagpapasalamat niya tsaka ipinagpatuloy ang pag kain.

So sa ngayon, skinless chicken, kanin at pizza na walang topping ang pagkain niya.

Choosy na bata.

Maya maya lang, may mag asawang umupo sa tabing table namin.

Nag uusap sila ng tahimik, seryoso. Ni hindi pa nga sila umoorder eh.

"Hindi na nga siya pwedeng lumabas! Ano ba ang hindi mo maintindihan doon?!" biglang sigaw ng lalaki na ikinagitla ko.

"Mabubulok siya sa bahay. Ayokong lumaki ang anak natin ng ganon..." sabi ng babae.

"Pero para sakanya din naman iyon," protesta naman ng lalaki.

Tumuloy ang kanilang pag aaway ng halos sampung minuto.

'Yung mga tingin nga ng mga staff ay parang gusto na nilang palabasin. Ilang beses na ring lumapit ang mga waiter sakanila upang hingin ang order pero ilang beses din nila itong pinaalis.

Matinding away.

«—»

Window BuddyWhere stories live. Discover now