Chapter 18

10 3 0
                                    

Anne's POV

Nasa corridor na kami ni Nica. Uwian na namin at mabagal ang paglakad namin dahil sa dami ng estudyante.

"Nakakainis na ha..." biglang sabat ni Nica. Liningon ko siya kaya nagsimula siyang magkwento. "Kanina nag cr ako bago mag locker. Nakasalubong ko night shift adviser natin, sabi ba naman niya masaya siya kasi wala na tayo mamaya! Gigil niya ko ah. Mamaya nga puntahan ko sila, sigaw ako pagpasok ng surprise!! grr."

Natawa ako sakanya. Kahit kailan talaga may galit sa amin ang night shift adviser namin. Sabi niya dati samin ay pabigat daw kami sa night class niya. Kasi daw hindi kami nag enroll sa night class at sadyang nakisingit lang kami dahil nga sa shift namin sa trabaho.

"Oy Anne, Nica! Morning class na pala ulit kayo ngayong Monday ah?" salubong sa amin ni Lay.

"Whole week Lay. Lagi na kaming pang umaga. Tapos na ang trabaho namin sa resto," sagot ni Nica.

"Bakit tapos na?" tanong niya ulit. Sa pagkakataong ito ay ang kambal niya naman ang sumagot.

"Kasi daw, nag ipon sila para sa concert. Ang pangalan ng concert na 'yon ay..Blackpink," nagtataka ang mga mata ni Lay. "Ang Blackpink daw ay isang K-pop girl group. Kung may One Direction may Blackpink."

Ginagaya niya ko. Nakakainis siya.

"Ahh," napatango naman si Lay. Nginitian ko siya at nauna nang maglakad. Sumunod naman sa akin si Nica.

"Kahit kailan masungit ka talaga pagdating samin!" sigaw na pahabol ni Jhae.

Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Tumunog ang cellphone ko kaya dinukot ko ito sa aking bulsa.

Jake
Dalian mo na Anne,
na eexcite na ko! hehe..

Naka silip na ko sa labas
ng pinto namin Anne. Sige
ka baka kapusan na naman
ako ng hininga.

Anne
Tsk! Sino bang nagsabing
lumabas ka? Pumasok ka na!
Kami nalang pupunta diyan..

Jake
Anne naman, mag aakyat
na nga ako ng ligaw eh.
Hayaan mo kong mag effort
for you :)

Don't worry, I'll be fine.
Seen.

Hinayaan ko nalang. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko nang sabihin niyang mangliligaw siya.

"Oh my gosh! Siya ba yung lalaki sa kabilang bahay? He likes you?!" nakikitsismis pala itong si Nica.

"Nica...ang ingay mo. Nagtitinginan na yung mga tao oh," sabi ko. Hinawakan ko siya sa braso at kinaladkad palabas ng school.

Nang nasa labas na kami ay bumulong ulit siya. "So ano? Gusto ka niya? Liligawan ka niya? Oh my god! Ang sweet niya!!"

"Nica," tawag ko sakanya pero patuloy siyang kinikilig na parang kiti kiti. "Nica..."

"Gotta find my boy now! Kailangan kong humabol sayo! Goodluck Anne!" sambit nito bago tumakbo palayo sa akin.

Naiwan ako sa tapat ng gate. Nang matauhan ay tumakbo na rin ako ng may ngiti sa labi.

«—»

"Anne, anak" bungad sa akin ni nanay ng may ngiti sa labi.

Nasa labas pa ako ng bahay habang siya ay hinaharangan ang loob ng bahay ng kanyang katawan.

"Nay, papasok ako.." mahinahon kong sambit. Excited na rin akong papuntahin si Jake.

Ngumiti lalo si nanay na ikinataka ko. Hinaplos niya ang aking pisngi. "Ang laki mo na talaga anak...masaya ako para sayo."

Nanlaki ang mata ko. Don't tell me...

"Hi Anne. Told you I'm excited.." biglang lumabas sa pinto si Jake.

Natulala ako sakanya. Naka ayos siya ngayon. Wala siyang mouth mask, naka suklay ng maayos ang kanyang buhok, at ang mas malala ay naka suit siya.

Pumasok sa loob si nanay. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sakanya. Ganoon din siya sa akin.

Hinila niya ako papasok ng bahay namin, at niyakap ako ng mahigpit. Hinaplos haplos niya ang aking buhok.

"Anne...god. I'm totally addicted to you. Totally totally totally addicted to you. Hindi pa ba halata?" mahina niyang bulong sa tenga ko.

Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg at batok. Nagtindigan ang mga balahibo ko.

Nanatili akong tahimik at dinama ang pakiramdam habang nasa loob ng kanyang bisig. Pinapakinggang ang pintig ng kanyang puso.

"Ehem. Ehem. Ehem."

Napabitaw kami ni Jake nang marinig ang exaggerated fake cough ni nanay. "Mag uusap pa tayo right?"

Napakagat ako ng labi at napangiti. Dahan dahang tinaas ang mga daliri ko na naka peace sign.

Umupo kami sa sofa ni Jake. Nakaupo naman sa harapan namin si nanay. Nakangiti ngayon si nanay pero alam kong seryoso siya sa loob loob niya.

Dati nasabi sa akin ni nanay na kapag may lalaking lalapit sa akin at mag aakyat ng ligaw ay ipakilala ko agad sakanya.

Ayaw niya daw akong magaya sakanya na masaktan at iwanan ng kasintahan. Natatakot daw siya na baka dumating sa punto na iwanan din ako ng lalaking mahal ko. Na baka maloko rin daw ako ng iilang mapanlinlang na lalaki.

"Jake, I understand that my daughter is an angel. Very pretty, very kind, very humorous, very cute, very smart—"

"Nay..." nahihiya kong ani. Puro compliment, alam kong iinsultuhin na ko niyan pagkatapos.

"Pero may mga bad sides din yan. Napaka ingay niyan. Napaka moody. Kapag may dalaw, hinding hindi ka niyan pansinin kahit bigyan mo ng bagay na gusto niya. Marami pang iba, kaya mo bang harapin ang lahat ng yon?"

"Tita, kahit anong mangyari tatanggapin ko kung ano at sino siya. And I also have bad sides as well. We are just equal po Tita, and I understand every single bit of her flaws.."

"Anong bad sides mo?"

Wait. Hindi pa ba alam ni nanay na may sakit si Jake? Oh my gosh. Pero diba narinig niya naman ang usapan namin noon ng magulang ni Jake?

"Tita, may sakit po ako."

Nanlaki ang mata ni nanay. Pero agad din naman siyang huminahon. "Kaya ba takot ang mga magulang mong mapalapit sa mga tao? Dahil may sakit ka? At ayaw nilang masaktan ang mga taong malapit sayo?" tanong ni nanay.

Tumango naman si Jake. Hanggang ngayon pala ay hindi niya sinasabi sa akin ang sakit niya. Hindi ko na rin natatanong dahil baka hindi pa siya handang sabihin sa akin ang totoo.

"I have lung cancer po."

«—»

Window BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon