Chapter 13

15 5 0
                                    

Anne's POV:

Pagod akong humiga sa sarili kong kama. Kailangan ko pang dumiretso sa ramen house dahil four thirthy palang kasi sa tanghali. Hindi ko pwedeng iwan ng mag isa buong shift si Nica.

Doon ko din kasi ibibigay kay Ecka 'yung draft ng thesis namin. Pupunta siya doon ng five kaya kailangan ko nang mag handa ngunit tinatamad na talaga akong tumayo.

Kapagod alagaan ang asong 'yun. Napaka-wild! Pagkatapos ba namang kumain nag sisitakbo ba naman paakyat ng kwarto niya. Ayun, pag dating ko dun, namimilipit sa sakit ang tiyan.

Pinainom ko nalang siya ng gamot pagkatapos at siniguradong okay na siya. Napag desisyunan ko na every time na aalagaan ko siya, bibigyan ko siya ng session na para sa mental health niya.

Kahit hindi naman baliw si Jake, kailangan niya pa rin ng support para sa pag iisip niya. Hindi niya pwedeng mag isip ng negative at kung mag isip man siya, dapat sasabihin niya sa akin. Para na akong caretaker at psychiatrists at the same time.

After three minutes, medyo gumaan na ang pakiramdam ko kaya umupo na ako sa kama ko at saka nag isip ng susuotin.

Lumingon ako sa veranda at napansin kong tirik pa rin ang araw kaya napag isipan kong mag short at vintage tee nalang.

Humarap ako sa salamin na pang full body habang pinagmamasdan ang kabuuan ng akin suot. Naka sneakers, washed out shorts, tsaka isang white vintage t-shirt.

Lumipat naman ako sa vanity section ko at sinimulan ang pag fe-freshen up sa sarili. Nag concealer lang ako tsaka tinali ang buhok pa-ponytail. Lastly, nag spray ako ng pabango tsaka tumayo.

"Ate!!!" humahangos na sigaw ni Klye pagkapasok na pagkapasok sa kwarto ko. Napatalok ako ng kaunti at nagtaka.

"Ano?" tanong ko sakanya habang nilalapitan siya. Tumataas baba pa rin ang kanyang balikat kaya halatang tumakbo siya paakyat dito.

"May assignment po ako! Turuan mo po ako! Tulog si nanay eh," yun lang naman pala. Ang kaso paalis na ako.

"Mamaya nalang pag uwi ko. May trabaho pa ko Klye," sambit ko tsaka ginulo gulo ang buhok niya. Lumabas ako ng kwarto tsaka ngumisi, kawawang bata.

Nine kasi sa umaga ang pasok ni Klye, kaya mga four ang uwian niya. Kaya ayan, lagi kaming hindi nagkikita sa umaga at tanghali. Talagang hapon lang.

"Aaahhh! Ate naman eh," habol niya sakin. Ngunit patuloy lang ako sa pagbaba ng hagdan. Tinignan ko ang wristwatch ko at ten minutes nalang bago mag five.

Pagbaba, hinarap ko si Klye na nakabusangot na bumababa ng hagdan. Nakanguso pa ang bunso. Nang makalapit siya sa akin ay pinatigil ko siya sa pangalawang hakbang sa hagdan, para magkapantay kami.

Pinisil ko ang pisngi niya tsaka ngumiti, nakakakigigil ang ka-kyutan nitong kapatid kong ito. "Mamaya, pag uwi ni ate, tutulungan kita. Mabilis lang ako Klye, promise.." sambit ko tsaka nag pinky finger.

Nakanguso pa rin siyang nakipinky finger sa akin. "Smile ka na Klye," pag uusisa ko sakanya kaya wala sa sarili siyang ngumiti sa akin.

Binuhat ko siya at naglakad patungo sa sofa namin. Hiniga ko muna siya doon tsaka sapilitang pinikit ang kanyang mga mata.

"Matulog ka muna. Dapat natutulog ka ng tanghali para matangkaran mo na ko," natatawa kong ani na ginagaya ang sinasabi sakin ni nanay nung bata pa ako.

Hindi naman na siya mumulat kaya lumabas na ako ng bahay at siniguradong nakalock ito. Agad akong sinalubong ng sikat ng araw kaya napangiwi ako sa init nito.

Bagaman mainit, pinagpatuloy ko ang lakad takbo ko patungo sa bus stop. Male-late na ako nito kaya habang naglalakad at tinext ko na sina Nica at Ecka na baka malate ako ng saglit.

Window BuddyWhere stories live. Discover now