Epilogue

19 4 0
                                    



Nagtataka si Anne kung bakit umalis na sila sa mall. Ilang beses niyang sinabi sa mga kaibigan niya na hahabol pa si Jake pero may iba pa daw silang pupuntahan kaya walang nagawa ang dalaga kundi ang i-text ang kasintahan.

Halos magmukhang bata na rin si Anne sa sobrang pagkadaldal dahil tinatanong niya kung saan sila pupunta. Mag gagabi na rin kasi, mag aalas-singko na ng gabi.

Pero ang tanging sagot lang ng mga kaibigan niya ay tango at ngisi. Kaya bago pa man makarating sa patutunguhan ay wala nang gana ang dalaga.

Ilang minuto lang ang nilipas sakay ang dalawang taxi kasi 'di sila kasya sa isa nang makarating sa destinasyon.

Nakakunot ang noo ni Anne nang mabasa ang signage.

Imperial Garden of Love

Nanliit ang mata niya habang nakatitig sa signage. Nawakli na lang sa isipan niya ang kung ano nang kalabitin siya ni Sally.

"Tara na," wika ng kaibigan. Napatingin siya sa likod at wala na ang dalawang taxi na sinakyan nila, wala na rin ang mga kaibigan niya.

"Nasaan na sila?" nagtatakang tanong ni Anne.

Tumawa si Sally tsaka umakbay, "masyado ka namang mesmerized sa pangalan ng pinuntahan natin. Ano bang iniisip mo?" tanong niya habang naglalakad patungong entrance.

"Wala naman. Mahilig kasi ako sa rose. Iyon ang unang pumasok sa utak ko nang mabasa ang signage."

Tumango-tango naman si Sally. Nang makarating sila sa mismong garden ay napabukas ang bibig ni Anne.

Pabilog ang hardin at may pathway sa gitna ng bilog, pakrus ang daanan na nakaukit sa gitna ng nag gagandahang rosas.

Sakto naman ang dating nila dahil palubog na din ang araw na nasa harapan lang nila. Sa pinakagitna ng pathway ay nakaluhod ang binata.

Nasa likod niya naman ang mga kaibigan niya na kanina lang ay kasama niya. Nasa magkabilang gilid naman ang pamilya nila.

At halos tumulo ang luha niya nang makitaang tatay niya na buhat buhat ang kapatid niyang si Klye at katabi nila ang nanay niya.

Napalunok siya at napatingin kay Sally na nasa tabi niya, "go Anne. They are waiting for you," wika ni Sally at bahagyang tinulak si Anne pahakbang sa pathway na patungo sa kinaroroonan ni Jake.

Mabigat ang paghinga niya habang palapit ng palapit. Papalit palit ang tingin niya kay Jake at sa tatay niya.

Nang sa wakas ay makalapit, nagsalita si Jake. "Anne Reyes, will you marry me?" sabay pakita ng singsing.

Nahigit ng dalaga ang kanyang hininga. Napalunok siyang muli at napatingin sa pamilya niya, nag thumbs up ang kapatid niya at tumango tango naman ang magulang niya.

Bumalik ang tingin niya kay Jake, at dahan dahang tumango. Napapikit si Jake, mabilis ngunit maingat niyang sinuot ang singsing sa daliri ng dalaga atsaka tumayo at niyakap siya ng mahigpit.

Nang mawala ang araw, nagbukasan ang mga fairy lights sa paligid, pumwesto si Jhae sa isang tabi dala ang kanyang gitara. Lumapit ang tatay niya kay Jhae at tinabihan.

Umalis ang mga kaibigan at pamilya niya sa gitna at naiwan silang dalawa, magkayakap ng mahigpit.

Narinig ni Anne ang pag-strum ni Jhae ng gitara. At halos maiyak siya sa pamilyar na toni.

Napasandal siya sa dibdib ni Jake, nag simula silang sumayaw. At tuluyan na siyang umiyak habang nakayakap sa 'soon to be husband' niya nang marinig ang kumakanta niyang tatay.

Window BuddyWhere stories live. Discover now