Chapter 14

14 4 0
                                    

Anne's POV

"Ako gagawa trabaho mo bukas! Gagawin ko na! Wag mo na kong kilitiin!!" walang sawang pagsisigaw ko habang tinutusok tusok ako ni Nica sa tagiliran.

Si Ecka naman ay patuloy na hinihila palayo si Nica sa akin na kala mo nag aalala sa akin pero tawa rin siya ng tawa.

Sa awa ni pagong, tumigil naman siya. Hinihingal niya akong tinitigan tsaka ngumisi. "Walang bawian, Anne." Tumango tango ako, hinihingal din. Alam ko namang wala ako laban dito sa amazonang 'to.

"Nica! Anne! Halika na, may mga customers na.." tawag sa amin ng boss namin. Agad kaming nag paalam ni Nica kay Ecka tsaka pumasok sa kusina.

"Nica! Ikaw sa counter, bakit ka nandyan sa loob!" sigaw ni boss habang nasa labas ng kusina.

Nataranta naman si Nica at pasimpleng natawa habang naglalakad patungo sa counter. Napagalitan na nga natawa pa, abnormal talaga kahit kailan.

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho at sunod sunod na paghahatid ng pagkain sa iba't ibang table sa resto. Hanggang sa may kumausap sa akin habang inaayos ang orders nila sa table.

"Hi! Oh my gosh, diba ikaw yung natamaan ko noon? Sorry po ulit talaga doon ate ah?" napatingin ako sa babaeng nagsalita.

May bangs siya at may kasamang isa pang babae. Tinitigan ko pa sila ng mabuti hanggang sa maalala ko kung sino sila.

Sila yung bumangga sa akin last week ata. Yung babaeng walang sawa sa pagso sorry sa akin.

"Oh, hi! Wala yun, ano ka ba," pabiro kong sambit habang inaayos ang orders nila at tinanggal ang tray sa table nila.

"Ako nga po pala si Wendy!" pagpapakilala nung may bangs tsaka inilahad ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman ito ng may ngiti.

"Ako naman po si Sally.." natatawa niyang sambit. Napatawa na rin ako tsaka inilahad ang kamay ko at tinanggap niya naman.

"I'm Anne. Nice meeting you both! Una na ko, enjoy your meals!" nagpaalam na ako tsaka tumalikod sa table nila.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko sakanila ay tumama ako sa lalaki na nasa likod ko lang pala.

"Hi Anne!" bati sa akin ni Jhae. Lumapit naman siya sa tenga ko at bumulong, "masakit yung tray sa tiyan ko ah?"

Napahigpit ang hawak ko sa tray at tsaka inayos ang tray. Nilagay ko iyon sa dibdib ko tsaka tinignan ulit si Jhae.

"Ano na namang kailangan mo?" inirapan ko siya. Natawa maman siya at halatang nasisiyahan sa nakikita niya.

"Nabalitaan ko na pagkatapos mong makaipon titigil ka na sa part time mo dito ah?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Kanino mo nalaman yun?" tanong ko ngunit nag kibit balikat lang siya. Wala akong nagawa kundi bumuntong hininga. "Nag iipon lang kami para sa concert ng Blackpink next next week. Halos mag iisang buwan na rin kaming nag tatrabaho ni Nica dito. Kaya baka next week ay umalis na kami."

"Blackpink? Ano yun?" nag tatakang tanong niya. Napakamot naman ako sa ulo ko. Kahit kailan talaga walang alam ang lalaking 'to.

"Kung may One Direction na banda, may Blackpink. It's a Korean Girl Group," sagot ko tsaka siya iniwan. Hindi ko mapigilang mapangiti nang matandaan ang nalalapit na concert ng mga idol ko.

«—»

Kakababa ko lang ng bus dito sa bus stop at antok na antok na ako. Ang dami ko na ring nagawa nitong araw na 'to. Pumasok ako sa paaralan ng umaga, pag uwi ay inalagaan ang aso na si Jake, pagkatapos nun ay dumiretso pa ako sa resto para mag trabaho.

Maglalakad na sana ako nang mahagip ng mata ko si lola na nagtitinda ng bouquet of flowers. Nakangiti ito at may kausap na bata.

Tawa ng tawa ang bata na kausap ni lola. Nakakagaan sa loob na makakita ng masayang nag uusap na mag lola. Kadalasan kasi sa panahon ngayon ay halos lagi nalang binabastos at sinisigaw sigawan ang mga lola't lolo.

Inaamin ko na minsan na rin akong naging ganon. Lagi akong naiinis sa lolo ko na tatay ni nanay dahil sa katandaan niya. Lagi nalang kasi siyang nakakalimot at kapag ako ang uutusan niyang ipahanap ng kung ano ano ay nagagalit ako sakanya.

Pero nang malapit na kaming umalis sa probinsya, isang gabi ay naabutan kong tulog si lolo sa upuan. Napatulala ako sakanya at biglang pumasok sa isip ko ang lahat ng aming alaala.

Napaisip ako na wala na kong masisigawan kapag nainis ako, wala nang kukuha ng mangga sa puno namin sa bakuran, wala nang magpapatulog kay Klye at dahil dun mahihirapan si nanay.

Sanggol pa lamang si Klye nung umalis kami sa probinsya kung kaya't hindi niya tanda ang kahit sino at ano doon.

Parang gusto ko tuloy umuwi sa probinsya namin para malaman kung kamusta na si lolo. Halos limang taon na rin kaming hindi nakakauwi doon.

Dahil sa kalutangan, 'di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Nasa labas ng pinto si nanay at nag wawalis walis.

Nang mapalingon siya sa akin ay nginitian niya ako tsaka tinawag. Pumasok na siya sa loob kaya tumuloy na din ako.

"Sakto ang dating mo Anne, kakain na tayo ng hapunan," sambit ni nanay habang nag hahain ng plato ko. Nakahain na ang mga plato nila Klye at ulam na nasa gitna ng lamesa. "Akala namin ay hindi ka makakakain dito kaya 'di ka namin pinaghanda," natatawa niyang sambit.

Napangiti nalang ako tsaka lumapit kay Klye na ngayon ay nakatitig sa kanin niya. Ginulo ko ang buhok niya tsaka siya napatingin sa akin at ngumiti.

"Ate! Di ko napansin na nandyan ka na pala," masigla niyang ani. "May iniisip po kasi ako eh.." binigyan ko naman siya ng nag tatakang tingin.

"Kung kailan yung next game sa basketball..." nakatingala niyang pagtutuloy na para bang nag iisip talaga.

Kaya binuksan ko yung tv at nilipat sa sports channel. Napangiti naman ako at napasigaw si Klye nang makitang may laro nga ngayon ang paborito niyang PBA.

"Yes! Nay, harap ako sa tv ah!" sigaw ni Klye kay nanay na nasa kusina na kumukuha ng kubyertos namin.

Kumain kami habang nakikinood kay Klye ng basketball. Tuwang tuwa naman ang bata at halos mapagalitan na ni nanay dahil 'di nagagalaw ang kanyang pagkain. Wala akong nagagawa kundi tumawa at mamangha sa aming samahan.

«—»

Window BuddyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant