Chapter 24

18 3 0
                                    

Anne's POV

Nagulat ako nang makita kinabukasan ang mga kaibigan ko sa kwarto ni Jake. Pero mas nagulat ako kasi kasama si Dave doon.

"Hi Anne!" bati nila Wendy sa akin.

Nginitian ko sila at kinawayan. Tinignan ko si Nica at Dave na magkatabi sa sofa. Tsaka tinignan si Jake na nakahiga pa rin pero nakangiti sa akin.

"Hi wifey!!" sigaw ni Jake. Kinunotan ko siya ng noo dahil sa tinawag niya sa akin. Okay lang kung kaming dalawa lang, pero pag may ibang tao, baka ma-misinterpret nila.

"Wifey?" tanong ni Nica.

"Nah. Tawag niya lang sakin yun," sagot ko. Napatango naman si Nica.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ko kay Dave.

Nanlaki naman ang mata niya dahil siguro hindi niya inaasahan na papansinin ko siya ng ganon.

"Sungit. Niyaya nila ko."

Lumapit at umupo ako sa plastic na upuan sa tabi ni Jake tsaka nginitian. "Kamusta?" hinawi ko ang mga buhok na nakaharang sa noo niya.

"Okay na. Nandito ka na eh." Hinila ko ang buhok niya kaya napa aray siya. Buti nga!

Inasar naman kami ng mga kasama namin. Tinignan ko sila ng masama kaya napatakip sila ng bibig at umiwas ng tingin.

Bumalik ang tingin ko kay Jake na hanggang ngayon pala ay nakatingin pa rin sa akin. Ang loko ay nakangiti pa.

"Seseryoso ka o hihilahin ko buhok mo?" pagbabanta ko sakanya at pinanlisikan ng maya.

"Hilahin mo nalang ang buhok ko," panloloko niya kaya hinila ko talaga ang buhok ko. Hindi lang simple hibla, halos lahat ng buhok niya ay hinila ko na. Napa aray ang loko at halos umiyak na.

"Landi mo kasi," sambit ko sakanya at inirapan siya. Ngumuso naman siya at tsaka nag peace at ngumisi.

"May semestral break ka diba?" tanong ni Jake. Trying to divert the topic.

"Babalikan ko ang topic natin sometime. Malandi ka ah..." banta ko sakanya. "Meron. Halos one month long din yun. That will serve as our Christmas Break na rin."

"Great. I have all the time to be with you," landi niya pa. Inirapan ko siya at akmang susuntukin. Pero siyempre biro lang.

Tumalikod ako sakanya at humarap kila Nica at Dave na magkatabi sa sofa. Tinaasan ko sila ng isang kilay, signalling them to talk.

Napalunok si Nica. Nahihiya siyang ngumiti sa akin at tsaka ibinuka ang bibig pero agad ding itinikom.

Pati ang kambal ay tahimik na nakatayo sa tapat ng pinto pero halatang nagpipigil ng tawa. So sila alam nila? Grr 'tong si Nica.

"Talk."

Nataranta naman si Nica kaya agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay, nakatingala ako sa kanya ngayon habang nakahalukipkip.

"Nililigawan ako ni Dave."

Halos sumabog ang puso ko. Akala ko naman ang sasabihin niya ay gusto lang nila ang isa't isa at chuchuness. Pero grabe! Nasabayan nila kami ni Jake!

"Sabi ko naman sayo mahahabol kita eh.." sinubukan niyang magbiro pero nanatiling seryoso ang mukha ko. Kaya ang ngiti ay naglaho sa kanyang mukha.

"Hey! Hindi ko pa naman siya boyfriend! Grabe ka naman maka react Anne..." bumusangot na siya.

Bumuntong hininga ako, tumayo tsaka siya dire-diretsong hinila palabas ng kwarto. Pati ang kambal ay napa-tabi.

Bakas ang takot at konsensya sa mga mata ni Nica. While I was still look at her flatly.

"Do you know him well?" tanong ko sakanya. Ngumiti siya ng maliit.

"Oo naman. He's been courting me for almost two weeks now," sagot niya na ikinabuntong hininga ko.

"What do you know?" nagtataka man ang tingin niya sa akin ay sinagot niya pa rin ito.

"I wasn't his first girlfriend. He was broken and stuff, nung una nag-alangan akong payagan siyang ligawan ako dahil baka ginagamit niya lang ako para makalimot. But he proved to me I was wrong."

"For the past two weeks, pasimple at patago niya kong binibisita sa bahay namin. Minsan naman napunta pa rin ako sa ramen house para makita siya. He's doing his best Anne...I'm proud and happy for you and Jake so please trust me and be happy for me as well.." kwento ni Nica.

Napatango ako. "But make sure, that you won't drop a single tear because of him. 'Cause if you do, sorry my friend but I'll be the one that will drift both of you apart."

Ngumiti naman si Nica sa akin, halatang natakot sa sinabi ko kaya cinlarify ko pa lalo. "You're like a sister to me Nica. I can't afford to see or hear you in pain because of a guy. You may be a bitch but I know you have a soft heart. And girl, I love you so please take care of yourself and your heart."

Ngumuso siya. "Okay na sana. Kung 'di mo lang ako tinawag na bitch."

"I still love you though," biro ko at mahinang natawa. Natawa na rin siya kaya pumasok na kami ulit sa kwarto.

Pagpasok namin ay tahimik silang lahat. Nakaramdam ako ng pagkailang kasi pagkabukas ba naman namin ng pinto ay napatingin silang lahat sa direksyon namin.

Tumingin ako kay Dave at nilaputan siya sa sofa. "Don't you dare, break my bestfriends heart. Or else I'll break you physically, emotionally, and mentally," pagbabanta ko na hindi ko naman gagawin.

Nanlaki ang mata niya sa takot. Dali dali siyang tumango, "I like your friend. Give me a chance to prove it to you," sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Hey! Back off! Akin na yan! May Nica ka na!!" sigaw ni Jake mula sa gilid ko. Ang loko naka upo na sa kama kahit may mga dextrose pa ito sa kamay.

Pinabitaw ko si Dave at agad na pinalo sa braso si Jake. "Higa!" utos ko sakanya na agad niya namang sinunod.

"Sorry," ngumuso ito na parang bata at agad na nagtalukbong ng kumot.

Natawa kaming lahat kaya tinanggal ko ang kumot niya sa mukha at sinilip siya. Nakapikit ang isa niyang mata habang nakamulat ang isa.

"You're so cute without your mask on. Please magpagaling ka na para wala ka nang mask lagi," compliment ko sakanya kaya namula siya sa kilig.

"Thank you wifey," lambing niya pabalik kaya ako naman ang pinamulahan. Ang loko kinindatan pa ako.

"And ofcourse I'm yours. I'll die if you'll be stolen from me, and ofcourse vice versa," lambing ko ulit.

"I'm in a life-death situation here," biro niya kaya naglaho ang ngiti sa labi ko.

"That's not a good joke Jake," seryoso kong sambit kaya nawala rin ang ngiti niya sa labi.

"Okay sorry na," sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito.

Agad namang nagsigawan ang mga tao sa likod ko. Tinignan ko sila at nakitang nagkukunyaring nasusuka ang apat.

I bit my inner lower lip. "Argh! Bumili kayo ng lunch natin! Kapag 'di ko nakayanan makakalbo ko kayong apat!" sigaw ko sakanila kaya unang nagtakbuhang lumabas ang kambal na malapit sa pinto at tsaka lumabas ang soon-to-be-couple.

"Naks. Gusto talaga akong masolo," asar ni Jake. Kaya inagaw ko ang kamay kong nakakulong pa rin sa dalawa niyang kamay.

"Kung wala lang sanang mga dextrose iyang kamay mo at kung wala ka lang sakit, papalabasin din kita."

He chuckled. "Ito namang si wifey, napaka mainitin ang ulo.." hinablot niya ulit ang dalawa kong kamay at hinalikan ito ng sabay. "Bati na tayo."

"Say please."

"Pleasseee," paglalambing niya kaya napangiwi ako.

"'Di bagay, pero sige bati na tayo," sabi ko. Marupok din ako.

«—»

Window BuddyWhere stories live. Discover now