Chapter 15

17 4 0
                                    

Anne's POV

"Klye," nagbabanta kong ani na nagpatigil sa hagikgik ng aking kapatid. Tawa ng tawa eh, tinutulungan ko na nga sa assignment niya.

"Sorry ate, may pimple ka kasi eh. Inlove ka siguro noh?" at natawa ulit siya ng tuluyan. Napabuntong hininga nalang ako.

"Ang bata bata mo yan lumalabas sa bibig mo," umiiling iling kong sambit.

"Ayun oh, nasa noo mo.." sabi niya at hinawakan ito. Napadaing naman ako dahil diniin niya pa ang daliri niya dito.

"Klye!"

"Sorry ate. Inlove ka kasi eh," humahagikgik niya ulit na sambit. Napailing nalang ulit ako.

Inintindi ko lang ulit ang math equation na nasa textbook niya. Ilang segundo ang lumipas, palipat lipat ang tingin ni Klye sa akin at sa book niya, naghihintay ng sagot.

Ngunit walang pumasok sa utak ko. Padabog kong isinara ang libro niya. "Alam mo Klye, kahit ako hindi nagawa ng assignment sa math. Like sister like brother, so wag ka na lang ding gumawa."

Umawang ang bibig ng kapatid ko. I sarcastically smiled and placed my palm below his chin, closing his mouth.

"You'll be fine.." pinat ko naman ang kanyang ulo. Ngumuso siya at halatang nagmamakaawang tulungan pa rin siya.

Kahit kailan, hindi ko masasabing matalino ako. Pero para sa akin kasi, wala ang talino mo kung wala kang kilos physically. Dapat masipag ka, in that way mas lalo kang mag improve.

Matalino ka nga, tamad ka naman. Anong mararating ng utak mo niyan? Puro answered solutions sa utak lang ang laman.

Masipag ako. Kaya nga ako nag papart time para sa ticket ng concert ng Blackpink. Ayokong nanghihiram ng pera sa nanay ko lalo na at siya lang mag isa ang nagtataguyod sa amin ni Klye.

So not being the most smartest of the bunch didn't bother me. 'Cause I know that I can overrun and surpass them by my hardworking personality.

"Understand me Klye. Hindi lahat ng tao matalino," natawa ako nang makitang bumagsak na ng tuluyan ang kanyang mga balikat.

«—»

Namalayan ko nalang na last day na namin ni Nica sa trabaho. Ilang araw na rin ang lumipas at Biyernes na ngayon.

"Boss," nakangusong sambit ni Nica. Nalulungkot na iiwan niya na ang trabaho niyang halos isa't kalahating buwan niya ting pinagsilbihan.

Pero atleast pang araw na lang ulit ang pasok namin. Last day na rin pala namin sa night shift class ngayon.

And additional to that, mas makakafocus na ko kay Jake. These past few days kasi, madali ko lang siyang nabibisita. Parang 'di ko nga siya naaalagaan at nag kukwentuhan lang kami.

I'm devoted to take care of that dog. Hanggang sa maging okay na siya, hindi ko siya susukuan.

"Nica, Anne, both of were great employees. Lagi niyong tandaan na laging bukas ang resto ko kapag kailangan niyo ulit ng extra income," ani boss habang tinatapik tapik ang aming balikat.

"Kung hindi lang po kami nag aaral eh.." mahinang bulong ni Nica. Bakas sakanya ang lungkot.

Siguro dahil na rin sa isa't kalahating buwan na experience at memories. Kahit ako naman may kaunting lungkot.

"Huwag kayong mag aalala..magiging maayos pa rin ang takbo nitong resto ko. May bagong nag part time dito. Siguro maabutan niyo pa siya ngayon."

"Po?" nag tatakang tanong namin ni Nica.

Window BuddyKde žijí příběhy. Začni objevovat