Chapter 9

18 5 0
                                    

Anne's POV:

"Anne..Anne ang sakit na,"

"H-Ha? Anong..anong masakit?" nag-aalala kong tanong.

"Lahat Anne. I'm physically, mentally, spiritually hurt," aniya habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang pisngi.

I don't want to pity him. He's not worth pitying for. He should be comforted and not pitied.

"Anne, sino yan?" malakas na tanong ni Nica mula sa loob ng kwarto kaya napatingin ako. Nakatingin siya sa akin kaya ngumiti ako.

"Kaibigan, Nica.." tipid na sagot ko.

Dahil sa sagot ko ay tumayo siya mula sa sahig at lumapit sa akin.

Matamis niyang nginitian si Jake. "Hi.." bati niya.

Walang sinagot si Jake ngunit ngumiti naman siya, ngiting may halong hirap at sakit.

"You'll be fine. My friend will be by your side whatever happens..." sambit ni Nica, tumingin siya sa akin at tsaka bumalik sa loob.

"Tell me, what's wrong?" harap ko ulit kay Jake.

"Things just went downhill. My parents, they've been arguing nonstop. I overheard their conversation and...my father will file an annulment..As a son I have to choose between my father or mother. My condition got worse, I can't breathe earlier. No one was there to take care of me. I am starting to doubt God...but I know I shouldn't. I'm scared Anne. I don't want to die yet. I still have a lot of things I want to do, I can't leave this world y-yet Anne..." hikbing-hikbi niyang kwento.

At this point, naawa na ako sakanya. I know I shouldn't be. Huminga ako ng malalim at nagsimulang magsalita.

"Jake..hindi ka mamamatay. Hindi ka pa pwedeng mamatay. Magpakatatag ka. About your parents, I'll take care of it. Don't worry. Right now you just need—" naputol ako sa sasabihin ko nang maalala ang mouth mask sa cr kanina.

"Ikaw ba yun?" diretso kong tanong.

Ngumiti siya at mahinang tumango. "Kailangan kong mag isip ng paraan para mapansin mo ako. Kaya nagpanggap akong naiihi kanina at malayo pa ang bahay ko. Naki-ihi ako sainyo. Talino ko diba?" aniya sabay mahinang tumawa.

Hindi ko magawang tumawa. "Jake...you need to rest. Friday bukas, aalagaan kita after kong pumasok sa school."

"May trabaho ka pa," paalala niya.

"Edi hindi ako—" bigla siyang nagsalita.

"Anne, please think of yourself and your family."

"You are already part of my family Jake. Don't worry..." I gave him a assuring smile. "Sleep. Take a rest."

«—»

"Group yourselves in fives. We will be starting your thesis," anunsyo ng professor namin.

Agad namang nag-ungulan ang mga estudyante. Mga ayaw pang gumawa ng thesis.

Kalagitnaan na din kasi ng taon kaya kailangan na naming kumilos. Para sa huling quarter ay defense nalang ang gagawin.

Hinawakan agad ako sa braso ng halos pitong estudyante. Isa na doon si Nica na pinanlilisikan ako ng mata.

May tatlong lalaking nakahawak sakin kaya tinanguan ko sila, kaya malungkot silang umalis.

Tinignan ko ang tatlo pang babae. Matalino. Matalino. Matalino.

Okay na 'to. Si Nica lang ang hindi matalino sa amin.

"Thank you Anne! Ang bait mo talaga!" pasasalamat ng isa na ang pangalan ay Ecka.

"Sus wala yun," ako ang may kailangan sainyo eh HAHA!

"Tara dun tayo" turo naman nung Riley sa sulok.

Agad kaming pumunta doon at nag form ng maliit na circle. Nagsimula namang mag satsat ang prof namin.

"Kapag nakagawa na ng groups of five, mag assign na kayo. Your thesis topic will depend on you. You may start planning," sambit ng prof namin.

"So, ano sa'tin?" tanong naman nung Eda.

Klaseng pangalan yan? Ngayon ko lang nalaman pangalan niya.

"Ah..Edamin po buong pangalan ko.." depensa ni Eda dahil napansin niyang nakatingin ako sa name plate niya.

Napatango nalang ako at tumingin sakanilang apat. "So, anong topic?" tanong ko.

"Depression," suhestyon ni Ecka.

"Too relevant," tipid na sagot ko. Alam kong mas madali ang sikat. Pero alam mo yun? Marami na ang naka gawa nun, gusto ko sana something kakaiba.

"Politics," suhestyon naman ni Riley. Pwede naman.

"Love Lifes..." mahinang sambit ni Nica. Lahat naman kami ay napatingin sakanya. "Marami nang nalulunod sa pagmamahalan. To the point na napapabayaan na nila yung studies nila. It occupies way too many information and issues kaya pwede na siguro 'to. Madali pa," paliwanag niya.

"Pero kapag politics mas advance. Mas magagamit natin yung mga natutunan natin sa ilang taon natin sa highschool. We are seniors now, siguro naman mas okay na yung gantong klase ng topics—" naputol ang sinasabi ni Riley nang magsalita ulit si Nica.

"But we don't get graded by the advancement of our thesis. It's about the main point of our study. Tsaka we've all experienced love, kaya mas marami tayong malalagay."

"Hey stop. Wala tayong patutunguhan if we will just argue about the topic. Ganto nalang, by tomorrow, tayong lima, dapat may masubmit na topic. If you want pala, botohan nalang?" suhestyon ko kasi magkakagulo lang kami.

"Botohan nalang" pagsasalita ni Eda. "It's much easier. And we shouldn't take too much time just for the topic. Mauubusan tayo ng oras niyan," dagdag niya pa.

"Mas bet ko yung politics," sabi ni Ecka.

"Ako mas bet ko yung sa love eh.." sabi naman ni Eda.

Two, two na. Ako nalang magpapa-panalo.

Kapag si Nica pinili ko, baka isipin nila na kaibigan ko kasi siya. Kapag naman si Riley, baka magalit sakin si Nica. Potek na decision making.

Magsasalita na sana ako nang mag vibrate ang naka silent kong phone sa bulsa. Tinignan ko ito at nakita ko ang tumatawag kaya tumayo ako.

Agad naman akong sinamaan ng tingin ng mga kagrupo ko. "Just choose whatever. Both is great.." sabi ko nalang tsaka lumabas.

"Hello?" bungad ko.

"Anak, umuwi ka dito. May naghahanap sayo..."

«—»

Window BuddyWhere stories live. Discover now