Chapter 2

34 9 0
                                    

Anne's POV:

Kakatapos lang ng trabaho namin at nandito na kami sa school para, mag aral.

"Mas gusto ko nalang talagang mag trabaho kesa makinig sa teacher natin..." bulong sakin ni Nica.

"Sus. Wag mo kong idamay sa kedemonyohan mo girl. Nakikinig ako dito," asar ko sakanya. Totoo naman eh, I am a good student. Haha. Lols.

"Tinititigan mo lang si Ma'am, pero walang pumapasok sa utak mo."

"Leche. Ingay mo..." bulong ko nang hindi pa rin siya tinitignan. "Tiis tiss ka na lang. Biyernes naman na."

"Ayan na! Nag di-dismiss na siya..." excited niyang bulong.

Hindi na ako sumagot nang mag bell.

"Woo! Nakatakas na rin sa impyerno..." pagce-celebrate ng kaibigan ko.

"Kain tayo..." pagya-yaya ko sabay hawak sa tiyan.

"Wala akong pera, Anne.." pagrerebelde niya.

"Sus. Parang 'di mo ko kilala. Libre ko..." sabi ko sabay ngisi.

"'Wag ka. Kilala kita...ako pa rin ang magbabayad ng kinain ko 'pag dating sa kakainan."

"Hindi ngayon. Gutom talaga ako.."

"Edi kumain ka mag isa mo!" tatawa tawang asar niya.

Sinimangutan ko siya.

"Nica..." sabay nguso.

"No!" sabi niya at tinalikuran ako.

"Ako gagawa trabaho mo ng isang araw!"

Napahinto siya dahil doon, napangisi ulit ako. "Promise..."

Humarap siya sa akin. "Talaga?"

"Yep!"

«—»

"Mm! Sarap nito.." react ni Nica habang dinudurog-durog ang burger sa bibig niya.

"Parang mas gutom ka pa sakin...tanggi tanggi ka pa..." bulong ko habang tahimik na ngumuya.

"Ano 'yon?!"

"Wala...wala" sabay tawa.

"Siguraduhin mo lang talaga...Anne.." pambabanta niya sa akin, natawa nalang lalo ako.

"Para namang wala ka talagang narinig—" naputol ang pang-aasar ko sa biglaang pagtunog ng cellphone ko.

Hinalungkat ko ang bag ko, at nang masilayan ko itong lumiliwanag ay agad ko itong kinuha.

"Wait lang.." pag papaalam ko kay Nica, tumango naman siya.

"Hello?" pag sisimula ko.

"Anne. Bumalik ka ng bahay ngayon," utos ng mama ko.

Malamig ang boses niya, malamig ngunit hindi nakakatakot. May bahid na lungkot at gulat.

Kaya mas kinabahan ako.

"O-Opo.."

«—»

Walang sawang pagtulo ng luha ang naramdaman ko sa aking pisngi.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Bakit?

"A-Anak...napakabiglaan niya lang. Hindi ko rin inaasahan.."

"Pero nay, bakit bigla nalang tayong papaalisin ng ganto?"

Nakaupo kami ngayon ng magkatapat sa lamesa. Sobra ang pagkakunot ng noo ko ngunit umiiyak pa rin.

"Hindi ko—."

"Nag babayad naman tayo ah?! Anong nangyari?"

"'Nak.."

Napatayo ako.

Naiinis ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mangyari 'to. Alam ko, alam kong may mali. Hindi pwedeng pinaalis lang kami ng ganon.

Monthly kami nagbabayad dito at imposibleng iyon ang dahilan kung bakit kami pinalayas.

No. There is something.

"Anong gagawin natin ngayon?" medyo kumalma na tanong ko.

"Lilipat tayo. There's no choice Anne.."

Napabuntong hininga ako, wah.

Wala akong nagawa kundi ang tumango. As she said—I have no choice.

«—»

Nag eempake ako at talagang malungkot ang ekspresyon ko. Kumalam na rin ang tiyan ko.

Naiwan ko nga pala si Nica doon. Hindi ko nabayaran kinain namin...

Maiintindihan niya naman siguro. Urgent naman eh, haha.

Saan na kami titira niyan? Jusko! Oh gosh, why?

"A-Anak, tara na..." katok sa pinto ni nanay.

Madali kong tinapos ang pag eempake at sinara ang maleta. "Opo. Ito na po..."

I'll miss this house. Dito ako lumaki at dito ko rin nakilala si Nica. They were passing by our house kasi papunta silang mall na halos malapit lang sa amin.

Dito ako unang nag makaawa na huwag akong iwan sa school nung first day ko nung grade 1. Dito ako unang gumawa ng assignment at nang-gigil sa hirap nito.

Dito ako unang pinuntahan ng mga nag kakagusto sakin na walang sawang narereject naman. Dito ako unang nag palit ng uniform ko para pumasok sa resto na pinagtatrabahuhan ko.

Oh my.

This...is not what I was expecting to happen in my life.

«—»

Window BuddyWhere stories live. Discover now