Chapter 21

11 2 0
                                    

Anne's POV

"Nica! Nasaan ka na?" tanong ko kay Nica sa kabilang linya.

Ngayon na kasi yung concert ng Blackpink. Ang sabi ni Nica ay dadaanan niya ko dito sa bahay.

Three na! Seven ng gabi yung concert! Jusko, sobrang haba ng pila niyan. Wala pa kaming lightstick kaya bibili palang kami dun!

"Wait lang! Nasa gate na ko ng village niyo!" sigaw niya pabalik sa akin na halatang hinahabol na ang hininga.

"Aish. Salubungin na kita diyan," sabi ko tsaka binaba ang tawag.

Nagpaalam na ako kay nanay sabay labas ng bahay. Si Klye naman, as usual ay tulog sa kwarto.

Habang naglalakad lakad ay hindi ko maiwasang kiligin sa excitement. Nag usap na kami ni Jake kagabi sa bintana at sinabi ko sakanya na gagawin ko ang lahat para somehow ay maramdaman niyang kasama ko siya.

"I'm very sorry, tara na" pambungad sakin ni Nica at tinaasan ko lang siya ng kilay, nag pout naman siya na parang guilty talaga dahil late siya.

"Anyways, don't want to ruin our excitement," pause ko. "Let's go!!!" yaya ko tsaka siya hinila palabas ng village namin.

«—»

"Blackpink Lightstick po," sabi ko dun sa seller.

Agad niya namang binigay iyon tsaka ko siya binayaran. Ganon din si Nica at sabay kaming pumila sa VIP Lane.

Kapansin pansin din ang pananahimik ni Nica na minsan ay ngingiti ngiti.

Siniko ko siya. "Bakit ka ganyan?" tanong ko sakanya.

"Wala. Naeexcite lang ako," sabi niya.

"Bakit ako naeexcite hindi naman ngumingiti ngiti na parang baliw?" tanong ko sakanya. Lalo lang siyang ngumiti at umiling iling.

Magsasalita pa sana ako nang may sumabat na. "Hey girls," sabi ng nasa likod namin. Nilingon ko ito at laking gulat nang makita kung sino iyon.

"Dave?"

"Hi Anne!" bati sa akin ni Dave tsaka kumaway na parang bata. Tumingin siya kay Nica tsaka ngumiti. "Hey."

Ang kaninang ngumingiti ngiting Nica at namumula na ngayon. Uhm, what is happening?

"Hi! Nandito ka pala?" tanong ni Nica na ikinatango ni Dave.

"Oo. Al—" naputol ang sinasabi ni Dave nang pinanlisikan siya ng mata ni Nica. Sinubukan niya itong itago sa akin pero kita ko naman.

"Tara Anne, tayo na," sabi ni Nica tsaka nauna sa entrance at pinacheck ang ticket and bag niya.

Bago tumuloy ay tinignan ko si Dave. Nakatingin siya kay Nica at nakangiti, kumunot ang noo ko sa nakita tsaka dumiretso.

«—»

"Wooh! Boombayah! Tentenenen tenentenentenenen tentenenen tenentenen
tenenen ooh yesss!" sabay ni Nica habang tumatalon talon.

Ako naman ay halos matumba na sa tuloy tuloy na pagsagi sa akin ng mga tao. Si Dave naman ay katabi si Nica sa kaliwa na halatang hindi naman nag eenjoy.

Ako naman ay sumisigaw din, pero hindi tumatalon kasi gusto ko silang videohan. Malapit kami sakanila at halos nasa harapan lang namin ang stage. Kaya habang nag vivideo ay kinakawayan ko sila gamit ang isa kong kamay. Umaasa na mapansin nila ako.

Hanggang sa lumapat ang tingin ni Jisoo sa phone ko. Habang nasayaw ay ngumiti siya at kumaway sa camera ko. Nanlaki ang mata ko at kumaway pabalik sakanya.

Nang matapos ang kanta na Boombayah ay nag ikot ikot muna sila. At laking gulat ko nang lumapit si Jisoo sa akin at kinuha ang phone ko.

Si Nica naman ay nag titili sa sobrang tuwa at inabot din sakanya ang phone niya. Nag alanganin pa si red-haired girl kaya nagsalita ako.

"My chingu," sabi ko kaya tinanggap niya ito at lumapit sa kagrupo niya. Nag video sila sa phone namin ni Nica at nagselfie rin silang apat.

Nang ibalik naman ni Rosè ang phone namin, punong puno na ito ng pictures at videos nila. First song palang nag aalangan na ang storage ng phone ko.

"Oh my gosh! Yes! Hala Anne! Thank you ng maramiii!!" sigaw ni Nica habang tinitignan lahat ng nasa phone niya.

Niyakap niya ako at nakita ko na naman si Dave na nakangiti kay Nica.

Nagsimula na ulit kumanta at sumayaw ang Blackpink. Lalo namang naging energized si Nica kaya kahit hindi ako tumalon ay umuuga uga ang phone ko.

"Let's kill this love! Yeah yeah yeah yeah yeah yeah! Rumpupumpupumpupum! Let's kill this love!"

Pagkatapos ng lahat ng songs ay unti unti nang tumahimik ang mga tao. Lumungkot na rin ang mga ngiti ng grupo.

"We don't want to end this night. But it seems like every beginning really do have an end. It is our pleasure to meet all of you guys. We will surely come back," sabi ni Rosè dahilan ng hiyawan at mga exaggerated cries ng crowd.

"Thank you for spending thousands just to see us. We will pay you back with love and never ending effort to serve you good music. I love you!!" sabi naman ni Jennie.

"Mahal ko kayo!!" maiksi ngunit nakakakilig na sambit ni Jisoo kaya lalong lumakas ang sigawan ng mga tao.

"Continue slaying Blinkeu! We will continue to work hard for you! I love my Blinks! Mahal ko kayo! Saranghae!!" sabi naman ni Lisa at unti unti nang bumaba ang platform na kinatatayuan nila.

Lalong lumakas ang ingay sa arena. Napapout nalang ako at si Nica ay kulang nalang ay humandusay sa sahig sa pagka-oa niya.

Nang maubos ang mga tao ay hinawakan ako ni Nica at hinila. Nakita ko lang na hila hila rin ni Dave si Nica.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya habang naglalakad.

"Hindi ko alam sakanya," turo niya kay Dave.

Nagulat ako sa nakita ko, dressing room. We will meet them again?

"Dave! Pwede ba 'tong ginagawa mo?" sabi ni Nica.

"I'm a staff here remember? Ofcourse!"

Kumatok si Dave kaya bumungad si Lisa dito. Ngumiti siya sa amin at pinapasok.

Nagulat si Jennie at napahawak sa bibig niya. "Oh my gosh! Hi!"

"We've been waiting for you!" sabi naman ni Rosè.

"Waiting?" tanong ni Nica.

"Your friend here already informed our manager that you are coming! Are you, Nica and Anne?" sagot ni Rosè.

Tumango kami at ngumiti. "Come! Let's take a photo while we are still in our outfits!" sabi ni Lisa na may hawak nang isang polaroid camera at isang phone. "Let's take six shots! We'll all have a copy!"

Sumang ayon naman ang mga members at ginawa ang gusto nila. Nagpapicture din kami sa phone namin.

Nakakahiya man, this is our only chance.

And we couldn't be in this position, without Dave Haven.

«—»

Window BuddyWhere stories live. Discover now