Chapter 27

13 2 0
                                    

Anne's POV

Kanina pa ko pahid ng pahid ng kamay ko dahil patuloy ito sa pamamawis. Nandito kami ngayon ng magulang ni Jake sa labas ng operating room.

Minu-minuto ko atang kinakagat ang labi ko dahil sa kaba. Nakatitig lang ako sa wall clock na kaharap ko lang din.

Rinig ko rin ang mabibigat na paghinga ni tita Lara. Habang sa peripheral ko naman ay kita si tito Lorenzo na kanina pa nag si-sign of the cross ng paulit-ulit.

"Anne," hinawakan ni tita Lara ang kamay ko, tinignan ko naman siya at nginitian. "Successful naman diba?" tanong ni sa akin.

"Oo naman po. Kaya ni Jake yan," paniniguro ko sakanya.

Halos limang oras na din ang lumilipas at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming kahit anong balita mula sa doctor o nurse man lang.

Ilang minuto lamang ay naramdaman ko na ang pagpikit ng mga mata ko. Madaling araw na din kasi at kaninang gabi ang umpisa ng surgery.

Dahil hindi na rin kaya ang antok na nadarama, humilig nalang ako sa balikat ni tita Lara at natulog saglit.

«—»

Nagising nalang ako sa mahinang pag-gising sakin ni tita. "Anne, patapos na daw," mahina niyang sambit.

Minulat ko ang mata ko at tinignan ang orasan. Mag-aalas tres na rin ng madaling araw. Halos isang oras din akong natulog.

Saktong paghikab ko ay lumabas na ang doktor ni Jake sa pinto. Naputol pa tuloy ng konti ang hikab ko.

Napatayo sila tita at tito. Kaya dahan dahan na rin akong tumayo kahit nanginig na ng sobra ang tuhod ko.

"Mr. and Mrs. Tober, we are grateful to tell you that the operation was successful," panimula ng doktor kaya nakahinga na kami ng maluwag. "At first it was hard to remove the cancer cells. It was scattered all over his chest, almost reaching his heart. So we first took out the ones near his heart. Then proceeded to the main cell, which was easy to do."

"The stitch will last for a few months. So I hope your son can bear going to the beach topless with stitch marks on his chest."

Nasa isip isip ko na hindi ko siya ipagto-topless lalo na sa beach kasi maraming malanding babae doon.

Tumango naman ang mga magulang niya. Dahil hindi naman ako tinitignan ng doktor at dinedesregard niya ang presence ko ay wala akong ginawa.

"Then the scar can last for one and a half year."

Nang sabihin ng doktor na ipapa-transfer na siya sa private room ay tsaka ako pumasok sa operating room.

Mahimbing pa itong tulog kaya napangiti ako. Bago pa ako makalapit sakanya ay may mga nauna nang nurse at inilipat siya sa hospital bed.

Tinulak na ang kama palabas, again, completely disregarding me.

Sumunod naman ako papunta sa private room. Wala na rin dito sila tita at tito kaya baka nasa private room na sila.

«—»

Nakatitig lang ako kay Jake habang si tito ay bumili ng makakain namin. Si tita naman ay nagtitimpla ng kape nila gamit ang mga dala nila na sachet.

Sabi ng doktor ay mga ilang oras pa magigising si Jake. Pero dahil three thirty na rin naman ay hi di na ako matutulog dahil gusto kong maabutan ang pagising niya muli.

Window BuddyWhere stories live. Discover now