Chapter 26

15 4 0
                                    

Anne's POV

"Thank you all for coming. We do hope that you will enjoy this program. My daughter is old enough, kaya please wag niyo siyang impluwensiyahan ng masama. Mamaya malaman ko nalang nagi-iinom magdamag at kung ano ano pa," remark ni nanay.

Nasa tabi ko siya at may hawak siyang mic. "My daughter is very happy to see all of you here. We deeply appreciate your attendance. Enjoy!"

Nagpalak-pakan naman ang mga bisita ko. I see a lot of familiar faces, karamihan mga kaklase ko at kaibigan. May mga kamag-anak din sa side ni mama.

Tumayo naman si Nica. Binigay ni nanay ang mic sakanya at otomatiko namang nagsi-tayuan ang mga tao. "Let us pray.."

Napaka-ironic naman. Demonyo ang babaeng yan eh, tapos siya pa ang mag lea-lead ng prayer. Tumayo na rin ako at tsaka nag prayer position.

«—»

Naka-upo na kaming lahat sa circular na table. Kakain na kami ng dinner. Masaya kaming nag -kukwentuhan ng mga kaibigan ko. As in best circle of friends ko lang. Kilala niyo na sila.

"Tapos siyempre nauhaw siya, binigyan ko siya ng orange juice with spicy flavoring!" kwento pa ni Lay. Si Jhae naman ngayon ay naka-busangot na parang bata.

"Then there was this one time—"

"Tama na kuya!!" sigaw ni Jhae kaya nag-tawanan kaming lahat. Kahit si Jake na tahimik ay natawa rin.

Inaalalayan ko siyang kumain pero kapag susubuan ko siya ay umiiling siya at sinasabing kaya niya na iyon.

"Jake, please let me—"

"Enjoy your birthday Anne, I'll be fine..." pag-pupumilit niya kaya napabuntong hininga ako.

"Just tell me if you need anything."

"Guys! Truth or dare tayo!" suhestyon ni Eda kaya nag-tanguan silang lahat.

Tumingin silang lahat sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko. Tatango na sana ako nang mahagip ng mata ko si nanay na tinatawag ako sa kabilang table.

"Celebrant duties," sabi ko lang at tumayo, bago pa man umalis ay tumingin ako sakanila. "Take care of Jake please, ayusin niyo."

Inasar naman nila kami kaya napailing nalang ako at napangiti. Lumapit ako kila nanay, the table of the oldies.

"Greet your grandparents, Anne," sabi niya at itinuri ang mga lolo't lola ko.

Lumapit ako sakanila at nag mano. "Good evening po. Enjoy po kayo," sabi ko. Awkward talaga pag oldies ang kausap.

"Happy birthday hija," sabi ni lola sabay haplos sa braso ko. Ang touchy rin nila gosh! char hihi.

"Thank you po," pasasalamat ko.

Tumingin naman si lolo kay nanay, "ang tanda na ng anak mo! 'Nak, ayaw mo na bang dagdagan pa ng isa? Ayaw mong maghanap ng bagong lalaki?"

Umiling iling naman si nanay. "Sapat na ang dalawa, 'tay," nag tawanan sila kasama nila tito Lorenzo at tita Lara. Ako naman ay awkward pa rin at nakitawa.

«—»

Habang nag iikot ikot ako at kinakamusta ang mga bisita ay nagsimula na ring magbigay ng mga giveaways.

Simple lang ang giveaway ko. As in sobrang simple.

"Uy! Happy birthday!" bati ng mga schoolmate ko. Nginitian ko sila. "Hanep sa giveaway ah? Lollipop na maroon at baso na may mukha mo.." biro niya kaya natawa ako.

"Enjoy. Wag niyong babasagin yang baso!" biro ko ulit kaya lahat ng nasa table na iyon ay nagtawanan.

Maya maya ay may sumigaw, "may inside joke na tayo!" nagtinginan kaming lahat sakanya.

Window BuddyWhere stories live. Discover now