Chapter 16

12 5 0
                                    

Anne's POV

"So you're going to a concert?" tanong ni Jake mula sa kanyang balkonahe.

Gabi na ngayon at pagod ako galing sa bilihan ng ticket ng Blackpink. Kaya tumango lang ako sakanya na ikinatawa niya.

"Himala at tahimik ka ngayon. Pagod ka, magpahinga ka na.." malambing niyang ani na ikinangiti ko.

Nakapatong ang dalawa kong siko sa railing ng terrace ko habang nakaalalay ang aking mga kamay sa aking baba.

"Sorry kung 'di kita naalagaan kanina. Babawi ako sayo bukas. Wala na kong trabaho kaya buong araw mo kong kasama.."

Ngumiti naman siya at kahit madilim ang paligid, dahil sa maliwanag na buwan ay kita ang pamumula ng kanyang mukha.

"Our door is wide open for you" nakangiti niyang ani. "But please take care of yourself as well. Ayokong magkasakit ka bago dumating ang concert na pupuntahan mo. Hindi mo maeenjoy iyon or worse hindi ka makapunta."

"Yes sir!" saludo ko sakanya. Sabay kaming tumawa at sabay rin kaming tumingin sa mga bituwin.

Ugali na naming mag masid sa mga tala ng langit. At kapag oras na para doon, walang nagsasalita ni isa sa amin. Kaya laking gulat ko nang magsalita siya.

"Alam mo ba, I used to hate stars before.." panimula niya. Ibinalik ko ang tingin ko sakanya at nakatingin pa rin siya sa kalangitan.

"They're small. If they will shine, they should shine brighter, they should grow bigger like the moon," this time tumingin naman siya sa akin.

"Kahit maraming tao ang nagsasabi na..the night is brighter with stars in it, then..they're somewhat wrong for me. Yes they're brighter. But not bright enough to light up my dark world. I hate night time, Anne. I hate it so bad. But not until you came.." mabilis ang tibok ng puso ko, sobrang bilis na parang ito'y sasabog.

"Our talks, they're brighter than the stars above. Your smile and laughter...lights up my dark world," napalunok ako.

"And damn, your eyes..are like galaxies that shines brighter than any star. And I'm addicted to it."

«—»

Tulala akong nakahiga sa kama ko ngayon. Hindi makapaniwala sa mga narinig ko mula kay Jake kanina.

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. I don't know why it is like this. Ah..

Pumapasok ng sunod sunod sa aking isipan ang mga tanong na, may gusto ba siya sa akin? paano ako magpapakita sakanya bukas?

Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang mga ipinaparamdam niya at ng puso ko. I just really didn't expect it to be this fast.

I never thought I would fall for him. Never did.

And I am just amazed by how his words connected. His compliments are the best compliments I've ever recieved. And I am glad that I make his world better.

But why do I have a feeling that I am scared?

Hindi ko nalang pinansin ang aking sarili at pinikit ang mga mata. Hinayaang makatulog sa lamig ng gabi.

«—»

"Good to have you back, Anne.." bungad ng tatay ni Jake, si tito Lorenzo.

May client daw si tita Lara. She's a businesswoman at wala talaga siyang pasok ngayon kasi Linggo.

Pero importante daw yung kliyente kaya wala siyang choice. Parehas sila ni tito Lorenzo pero hindi niya client iyon kaya hindi siya sumama.

Tsaka isa pa, kailangan ng kasama ni Jake sa bahay.

"Goodmorning po tito.." bati ko sakanya.

Sa halos isang linggo kong pag aalaga kay Jake, kapag naaabutan ko si tito ay masasabi kong mabait naman ito.

Humupa ang galit ko sa pambabastos niya sa akin sa bahay namin mismo. Ang ugali niyang iyon ay siguro dala lamang ng pag aalala niya sa kanyang anak.

"Sige na, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka. Kailangan ko lang kumausap ng mga kliyente online."

Umakyat ako at dumeretso sa kwarto ni Jake. Tulog ito at nakalaylay ang isa niyang braso sa gilid ng kanyang higaan.

Napatingin ako sa orasan. Ten thirty na pero tulog pa ito, puyatin.

Lumapit ako sakanya at napatitig sa maamo niyang mukha. Natandaan ko ang mga pinagsasabi niya kagabi.

Baliw na aso, halos puyatin niya rin ako sa kilig kagabi!

Hinaplos ko ang kanyang noo, papunta sa malambot niyang buhok. Paulit ulit iyon hanggang sa siyang magising.

Nanlaki agad ang mga mata niya at napatakip sa kanyang bibig na kanina pa bukas pero di ko lang pinansin.

Wala namang tumulong kahit anong likido galing doon. Hindi rin naman mabaho ang kanyang hininga. Hahahahaha!

"A-Anne.." nakatakip pa rin niyang tawag sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay tsaka nginisihan.

"I'm serious with what I said last night. Makakasama mo ko buong araw," nakangisi ko pa ring sambit.

Napatakbo siya sa cr at mabilis itong sinara. Habang nasa loob siya ay inayos ko na ang kanyang kama.

Saktong pagkatapos ko ay lumabas na rin siya. Maaliwalas na ang kanyang mukha. Nakapaghilamos at mumog na siya. Nakasuklay na rin ang kanyang buhok.

Siya naman ngayon ang nakangisi. "I'm serious last night as well. I'm addicted to your eyes. No. Scratch that—I'm addicted to you."

Nangatog ang tuhod ko. Kahit nakaupo ako sa kama niya ngayon ay ramdam ko ang panghihina ng buong katawan ko.

Suddenly, he chuckled. "Hehe. Kilig ka naman..tara breakfast tayo.." gash! He changed the topic!

I don't even know if he meant it or not! Aaah!!

Sabay kaming bumaba at nang mapasulyap ako sakanya ay nakangiti pa rin siya. Kumunot ang noo ko kasabay ng pagbilis muli ng tibok ng puso ko.

Gosh what the hell is happening to me?

«—»

Window BuddyWhere stories live. Discover now