Chapter 20

10 2 0
                                    

Anne's POV

"Hi tita! Flowers for you po," pambungad ko nang buksan ni tita Lara ang pinto ng kanilang bahay.

Isang linggo na ang nakalipas nang magsimulang maging kaclose namin sina Wendy at Sally. Isang linggo na ring weird ang mga kilos ni Jake sakin.

Kapag bibisita ako dito sa bahay nila ay may naririnig akong kalampagan sa kwarto niya bago palang ako makaakyat doon.

Minsan naman ay pagpasok ko sa kwarto niya ay nagkalat ang mga papel sa kabuuan nito.

"Ay nako hija, minsan iniisip ko na ako ang nililigawan mo. Hindi mo pinag tutuunan ng pansin si Jake," natatawa niyang ani.

"Hindi naman po tita, kaya nga po ako nandito kasi I appreciate your son a lot," sabi ko na ikinangisi niya.

Binuksan niya ng todo ang pinto at pinapasok ako. "Akala ko nga girlfriend ka na niya talaga. Nagbibiro lang pala siya," kwento niya habang ako ay umupo sa dining nila.

Pumunta siya sa kusina at nilagay sa counter table ang bouquet na binili ko para sakanya. Kay lola-flower ko yun binili. Dun sa may bus stop.

Nang makabalik siya ay may dala na siyang hamburger. Luto niya ito, bukod kasi sa businesswoman siya ay magaling din mag luto si tita Lara.

"Alam mo ba, nung gabing sinabi niyang girlfriend ka niya, pumunta siya sa kwarto namin ni Lorenzo. Sabi niya samin na nagbibiro lang siya at liligawan ka niya. Tamang proseso daw ang gusto niyang gawin."

Napangiti ako. Kahit kailan that dog never fail to surprise me, and to make me kilig kilig.

Pagkatapos kumain at konting chikahan ay umakyat na ako sa kwarto ni Jake. Kumpara sa mga nakaraang araw ay malinis ito ngayon.

Natawa ako ng malakas dahil naka white polo siya at black slacks. Naka ayos ang buhok niya at nangangamoy ang mabango niyang pabango.

Sumimangot siya dahil sa reaksyon ko. Kaya napawi ang tawa ko at nahihiyang ngumiti sakanya.

"Halika, haharanahin kita," tawag niya sakin kaya lalo akong napangiti. Ramdam ko ang pamumula ng aking magkabilang pisngi.

Tumabi ako sakanyang umupo sa gilid ng kanyang kama. Hinugot niya mula sa ilalim ng kanyang higaan ang isang case ng gitara.

Kaya pala maingay kapag dadating ako, tinatago niya ito para masorpresa ako ngayon.

"Alam mo ba yung 'All I Ever Need' ni Austin?" tanong niya sa akin. Umiling ako kaya ngumiti siya, halos mawala ang mga mata niya sa ngiting yun. "Okay lang, kakantahan nalang kita. Duet sana tayo" mahina siyang tumawa.

Nagsimula siyang mag strum, kaya sumeryoso na rin ang mukha niya. "Don't the water grow the trees. Don't the moon pull the tide."

"Don't the stars light the sky. Like you need to light my life. If you need me anytime. You know I'm always right by your side,"

"You're the only thing that's on my mind," nang kantahin niya ang lyrics na iyon ay tumitig siya sa akin, matamis na ngumiti at binalik ang tingin sa gitara.

"You don't understand how much you really mean to me. I need you in my life, you're my necessity yeah. But believe me you're everything that just makes my world complete. And my love is clear the only thing that I'll ever see."

Ramdam ko na ang chorus, at hindi nga ako nagkakamali. Tumingin siya sa akin, "you're all I ever need. Baby you're amazing. You're my angel come and save me."

Inulit niya yung part na yun, nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nang matapos ang kanta ay namalayan kong, I also never left my eyes off him.

"Alam mo ba, kung bakit yun ang napili kong kanta?" tanong niya sa akin habang nilalapag ang gitara niya sa kama.

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko rin alam na nag gigitara at may gitara pala siya. Nakakabilib.

"Kasi nung gabing nag usap tayo ng mama mo, ang sabi mo sakin ay lagi kang nandito sa tabi ko, handa akong pagalingin at iligtas sa mga sakit na nararamdaman ko. You said that you will heal me, that you will save me. What you said reminded me of this song," paliwanag niya.

Pakiramdam ko ay nalusaw ang puso ko sa sinabi niya. Kaya pala nakangisi na siya nung sinabi ko yun sakanya. Kaya maraming papel na nakakalat sa kwarto niya ay dahil inaaral niya ang kanta na ito para sakin.

"You are all I ever need Anne, you are amazing. You're my angel, and I know—I know for sure that you will save me," namg sabihin niya iyon, ay kasabay ang paglapit ng mukha niya sa akin.

Ang isang kamay niya ay nakahawak na sa pisngi ko, hanggang sa naramdaman ko nalang na naglapat na ang aming mga labi.

Mabilis lang iyon. Mabilis na parang hindi siya nangyari. Pero halos sumabog na ang puso ko.

"I'm sorry, I got carried away," pagpapaumanhin niya naman agad.

Nginitian ko siya, "I liked it," biro ko kaya namula siya.

Hindi na siya makatingin sa akin kaya nag change topic na ako. "Marunong ka palang mag gitara?"

"Naah," tumingin na siya sa akin, awkwardness—boom! gone.

"Inaral ko ang mga chords na kasama sa kantang yun. Isa isa kong inaral yun para maging perfect ang una kong harana sayo. Yung gitara naman, matagal nang regalo sa akin ni papa yan. Para daw may pagkalibangan ako, yun kasi yung time na hindi pa kita nakikilala."

Ang effort niya, I feel like crying. "Well, your plan worked! It's perfect! Your voice and everything, it was all so smooth," paghanga ko sakanya.

Ngumiti naman siya sa akin, tsaka tumingin sa kisame. "God, thank you for giving me this angel. I vow to protect your angel forever, until Earth's last day."

Namuo ang luha ko sa sinabi niya. I can't get enough of his sweet words. It fills my heart up to the max.

Bumalik ang tingin niya sa akin. "Don't cry my angel, I'm here and I will always be."

«—»

Window BuddyWhere stories live. Discover now