Chapter 10

20 7 0
                                    

Anne's POV

Humahangos ang paghinga ko hanggang sa makarating sa bahay. Nagbabakasakaling si Jake ang bubungad sakin.

Pero dalawang kasing edad ni nanay ang nasilayan ko, isang lalaki at isang babae. May kaunting ideya na ako kung sino sila.

"Anak, hinahanap ka nila. Pero ayaw nilang sabihin kung sino sila. Kilala mo ba?" nagtataka ngunit nag-aalalang tanong ni nanay.

"Maiwan niyo po muna kami.." pakiusap ko. Lalong lumungkot at nag alala ang mukha ni nanay ngunit nginitian ko na lamang siya.

Mabilis naman siyang sumunod at umakyat sa kwarto niya.

"Sino po kayo?" pagtatanong ko para makasigurado.

"Kilala mo na kami hija..." mahinhin na sambit nung babae.

Kumalabog ang pintig ng puso ko nang tignan ko ang lalaki. Seryoso ang tingin niya sa akin.

Alam kong sabi ko kay Jake ay ako ang bahala sa magulang niya. I wasn't expecting them to come directly to my house and..ugh.

"K-Kayo po ba ang magulang ni Jake?" nag aalanganing tanong ko.

Imbes na sagutin ay tinanong nila ako, "Ano ka ng anak namin?"

"K-Kaibigan po.." gosh! Why stutter Anne?!

"Lumayo ka sakanya," deretsahang sambit ng tatay ni Jake.

Nanlaki ang mata ko at napaawang ang aking bibig. "Po? B-Bakit po?"

"Basta lumayo ka! Ano ba ang hindi mo maintindihan do—!"

"Lorenzo, huminahon ka," ani ng nanay niya kay 'Lorenzo' tsaka humarap sa akin. "Hija, ayaw lang naming nakikitang nahihirapan ang anak namin. Mahihirapan siyang lisanin ang mundong ito kapag mas maraming nalalapit sakanya."

Hindi siya mawawala. Hindi pwede kasi malakas siya. Hindi siya pwedeng mawala kasi kaibigan ko siya.

Pero bakit hindi ko masabi sa magulang niya iyon? Ganon ba sila ka-interrogating?

Wala sa sariling napatango nalang ako. Kaya agad na ngumiti ang nanay ni Jake. "Salamat hija..salamat sa pag-intindi."

"Halika na Lara. Tapos na ang dapat nating gawin dito," yaya ni Lorenzo.

Tumayo sila at agad na nagtungo sa pintuan. Narinig ko naman ang yabag ni nanay sa hagdan.

"Anak, okay ka lang ba?" tanong niya habang iniinspeksyon ang mukha kong balisa.

"O-Opo."

Ngumiti siya sa akin. "Pasensya na, nakinig ako sa usapan ninyo. Si Jake ba iyong lalaki kahapon na naki-cr sa atin?" tanong niya kaya tumango ako. "Kaibigan mo si Jake anak. Kausapin mo ang magulang niya, baka sakaling magbago ang desisyon nilang palayuin ka nila sa anak nila...I know you are a good woman. I even once said na I'm proud kasi you're a fine girl. Don't dissapoint me, hmm?"

Dahil sa sinabi ni nanay ay natauhan ako. Tumakbo ako palabas at naabutan ko silang binubuksan ang pintuan ng kanilang bahay.

Tumawid ako at lumapit sakanila. "I'm sorry to bother both of you again. Pero hindi po ako papayag na malayo ako sa anak niyo. Marami na po siyang nakwento sakin, at isa na po doon ang problema niyong pamilya. Hindi po sa nangengealam ako—"

"Kung hindi ka nangengealam, maari ka nang umalis," madiin na sambit ni Lorenzo.

Umiling ako at napatawa. "Pero sana po, wag niyo nang ituloy ang annulment na gagawin niyo. Lalo lang mahihirapan ang anak niyo. At nasabi niyo na rin po sakin kanina na ayaw niyo siyang nakikitang nahihirapan. Jake needs both of you the most at this point of his condition. I hope you all stick together and cherish every moment and time you have as a family. Kung pwede po sainyo, pupunta ako dito every morning. Aalagaan ko po ang anak niyo. But please, don't make decisions that quickly lalo na sa kondisyon ng anak niyo. Yun lang po," mahaba kong sambit tsaka tumungo at dire-diretsong tumalikod at naglakad pabalik sa bahay namin.

Pagkasara ko ng pinto ay agad na tumulo ang mga luha na kanina pa pala nagbabadya.

Agad akong nilapitan ni nanay at niyakap ako ng mahigpit, napakapit ako sakanya at tsaka humagulgol.

"Shh..shh..wag ka nang umiyak anak. Ginawa mo ang tama at alam ko 'yon," sambit niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Ang hina ko pa po pala 'nay. Akala ko ang tapang tapang ko na," natatawang ani ko.

"Matapang ka naman talaga," tsaka humiwalay sa akin. "Mana ka sakin eh."

Napatawa ako ng mahina tsaka hinaplos ang kanyang pisngi. "Thank you 'nay. Thank you talaga.."

"Matulog ka muna at gigisingin kita kapag kakain na tayo ng hapunan."

«—»

Nagising ako sa mga batong pinagbabato sa pintuan ng terrace ko. Kaya agad akong tumayo at binuksan ito.

Sumalubong sa aking ang ngiting ngiti na Jake at nag pose pa sa akin.

"Anne! You can't believe what my parents announced to me habang nag didinner kami kanina!" excited niyang simula.

"Sige nga..anong sinabi nila?"

"Hindi na mag fa-file ng annulment si papa! Hindi na ko kailangang mamili Anne! I'm so happy right now!!" nag tatalon talon pa siya habang sumusuntok sa ere.

"I'm happy for you. Sabi ko naman sayo eh—"

"Ikaw yung kumausap sakanila noh?" tanong niya sakin.

"Hindi pa ba halata?" pang-gagaya ko sa favorite line niya.

"Thank you Anne. I really owe you a lot. Thank you talaga.." naluluha niyang pasasalamat kaya naluha na rin ako.

"You're always welcome Jake. I'm very happy to see you happy. You don't owe me. Just be happy as long as you can, okay na okay na ako dun," nginitian ko siya at nag thumbs up.

Nag thumbs back siya sa akin at ngiting ngiting nag finger heart pa sa akin. Kaya natawa ako sakanya, at nag finger heart back.

"Kain lang ako Jake. Let's talk later.." pag papaalam ko sakanya.

"I'll wait for you here. I'll just gaze the stars.." sabi niya habang nakangiti pa rin.

Nginitian ko siya at kumaway papasok sa kwarto ko.

I mean it Jake, I'm really happy that you are happy.

«—»

Window BuddyWhere stories live. Discover now