Chapter 8

16 6 0
                                    

Anne's POV:

"Mayayamanin! Amazing!" parang baliw na pumapalakpak sa labas ng bahay namin si Nica.

"What the heck Nica? Will you please shut up?" taranta kong pakiusap sakanya at tinakpan ang kanyang bibig ng isang kamay at hinawakan ang pumapalakpak niyang kamay ng isa ko pang kamay.

"Mmh! A-Aray nam-an Anne!" pagwawala niya.

Gabing gabi na ang ingay ingay ng babaitang 'to. Hindi ako magtataka kung palayasin na naman kami dito.

"Nagpaalam ka na ba kila tita at tito?" pagtutukoy ko sa magulang niya.

"Sus. Wala namang pakielam yung mga yun sa aki—" binatukan ko siya dahilan ng pagkatigil niya sa pagsasalita. "Oo! Eto naman 'di mabiro eh...pasok na tayo! May susi ka ba?"

Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang susi.

«—»

"Putek Anne. Ang ganda.." muling sambit ni Nica.

"Anong gusto mong pagkain?" tanong ko sakanya habang inilalapag ang bag ko sa sofa.

Imbes na sagutin ako ay lumapit siya sa mga pagkain namin, sa pastries at refrigerator.

Feeling at home amp.

Natawa nalang ako at dumiretso sa banyo para umihi. Napansin ko sa tabi ng bathtub ang isang mouth mask.

Wala namang nag ma-mouth mask sa amin dito. May sakit ba si Klye? O si nanay?

"Oy! Anne Reyes! Ang tagal mo sa cr ah!" ani Nica mula sa labas.

Pinulot ko ang mask at nagulat dahil may nakasulat dito.

Help me..

Ballpen lang naman ang gamit dito. Pero hindi ganito ang sulat ni nanay..at lalo na ni Klye.

Isang tao lamang ang pumasok sa isip ko.

«—»

"Nyam nyam nyam..." pagnguya ni Nica. "Init na init na ko Anne..dali na, paheram damit.."

"Naghahanap na nga ako eh.." pag abot ko ng isang pajama sa closet ko. Binato ko ito sakanya at halos matapon ang chichiryang hawak niya.

"Una na ko," sabi ko sabay pasok sa banyo ng kwarto ko.

Mabilisan lang ang pag hugas ko ng katawan kasi natatakot akong baka magbato na naman ng bato si Jake sa terrace ko. At marinig iyon ni Nica at silipin niya ito.

"Hay, sa wakas!!" bigla kong sinaway si Nica sa biglaan niyang pagsigaw. Baka magising mga tao dito.

Natawa na lamang siya at inaktong zi-nip ang kanyang bibig, sabay labas ng dila.

Nakabihis na ko nang sumilip sa veranda. Ngunit wala akong nadatnan kaya naisip ko na baka tulog na.

"Hoy. Babaita, dito ka na. Kain tayo," yaya sakin ni Nica. Nakaupo na siya sa sahig at naka pantulog na din.

Binuksan niya ang isang tsitsirya at inalok ako. Umiling naman ako at kumuha ng Moby's at sinolo iyon.

Inabot ko din ang remote at binuksan ang tv. Tahimik kaming nanood ni Nica ng Avengers.

"Anne.."

"Hmm?" tanong ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pinapanood.

"Sino yung lalaki?" tanong niya.

"Ha? Si Doctor Strange.." sabi ko sabay subo ng Moby.

"Hindi..." dismayado niyang ani kaya tumingin na ako sa kanya.

"Sino ba?"

"Yung nasa kabilang terrace. Kanina nung nasa banyo ka, umiiyak siya. Malakas..at may ilang bato dito sa veranda natin na sa tingin ko ay binato niya.." kwento niya na ikinagitla ko.

"H-Ha? Ah..sandali lang."

Tumayo ako at agad na lumabas ng terrace. Pumulot ako ng dalawang batong maliit at binato sa pintuan ng kanyang terrace.

Maya maya lang ay may lalaking lumabas. Namamaga ang kanyang mga mata.

Nakatungo ito nang lumapit pa ng kaunti.

"J-Jake...anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko.

Tumingin siya sa akin, ngumiti at kasabay noon ay ang pag-agos at pagtuloy tuloy ng luha na galing sa kanyang mata.

"Anne..Anne ang sakit na.."

«—»

Window BuddyWhere stories live. Discover now