Chapter 5

28 6 0
                                    

Anne's POV:

Nag aalmusal kami ngayon, at tahimik na kumakain. Martes na rin at wala naman kaming kaganapan nung Linggo, kundi ang mag simba at pumasok sa ramen resto. . Kahapon naman ay trabaho lang ako ng umaga at hindi pumasok sa school dahil sa pagod.

Sa dalawang gabi na iyon ay hindi ko din nakita si Jake.

"'Nak, bakit ang tamlay mo? Ayaw mo ba nung pagkain?" nag aalalang tanong ni nanay.

Napatingin naman ako sakanya. "Po? Hindi po ah. Masarap po...may iniisip lang."

Ngumisi naman siya. "Kapag lalaki anak, sabihin mo lang sakin.."

Nabilaukan naman ako. "P-Po?"

"Wala...sige na at tapusin mo iyan. Malayo layo ito sa pinagtatrabahuhan mo at sa eskwelahan mo..."

"Paano po si Klye?"

"Ako ang mag hahatid sundo sakanya...kaya gora na.."

Nginitian ko siya. She was always like this, she understands and knows our situation well.

Pagkatapos kumain ay naligo at nag handa na ako. Dala ang aking backpack pampasok, at isa pang extra bag para sa night shift ko ngayon, lumabas ako ng bahay.

Kapag Mondays, Wednesdays at Fridays ay morning shift ako. Kapag naman Tuesdays at Thursdays ay night shift. At syempre kapag weekends ay whole day.

Maybe you are wondering, paano ako nag aaral kung may morning shift ako? Kami ni Nica? Well you see...we have our ways.

So dahil Tuesday ngayon, mamaya pa ko papasok sa ramen resto. Papunta na ako ngayon sa school.

Habang nag lalakad ay may tumigil na sasakyan sa tabi ng nilalakaran ko.

Kumunot ang noo ko at sinulyapan ang kotse. Bumaba ang bintana nito at bumungad sa akin ang dalawang kambal.

Pamilyar sa akin ang mga mukha...napaka pamilyar.

Ah. Sila yung umorder ng dalawang ramen sa table 7, gwapong kambal.

"Hi! Ikaw yung waitress sa ramen house diba?" tanong ng isa, nasa driver seat.

Nakangiti naman akong tumango.

Humarap sa akin ang nasa passenger seat, "did you know? Ka-schoolmate mo kami.." tsaka tinuro ang uniform nila.

Nanlaki ang mata ko. "O-Oh?"

"Kaya...sabay ka na sa 'min," yaya nila na ikina-iling ko.

Ayaw na ayaw kong sumama sa mga lalaki. Pwera nalang sa kapatid ko. Kinikilatis ko muna ng mabuti ang makasama ko, isa pa ay ayaw ko rin ng issue dahil tahimik pa ang buhay ko sa school ko.

"Don't worry we don't 'cause any trouble.." tawa ng isa.

"I'm Jhae..." pagpapakilala ng isa, nasa passenger seat.

"I'm Lay..." maybe the older twin since siya ang nag da-drive.

"Uh, yeah. Uhm. Anne..."

"Come on Anne, take a ride with us..." sabi ni Jhae.

"N-No. Hindi talaga pwede...I'll just see you around," sabi ko tsaka nilisan ang kotse nila.

Nakailang hakbang palang ako ay sumunod sila.

"Please~" pagmamaka-awa ni Jhae.

"Ugh, what do you need from me?!" inis na tanong ko. Hinigpitan ko ang hawak sa aking backpack.

"Just one ride. Just one..." sabi naman ni Lay.

Wala akong choice kundi ang sumakay sa kotse nila sa likod para manahimik na sila.

Naka uniform naman sila ng University namin kaya alam kong ligtas ako, ayoko lang talaga ng issue. Halata pa naman sa mga itsura nila na mga famous at ako lang 'tong hindi updated sa mga bagay bagay.

"So, how come na hindi mo kami kilala?" tanong ni Lay habang nakatingin sa kalsada.

"Nakatira ako sa bundok sa school," sarkastiko kong sagot.

Nanahimik naman sila. "Really?" walang kapani-paniwalang sagot ni Jhae, halatang nakornihan.

"Hindi ako ganoong ka-social na tao," sagot ko.

"We've seen you around, at lagi kang may kasama na babae. Kasama mo rin siya sa trabaho," sabi naman ni Lay.

"Ah yeah. She's my bestfriend. Kaya niyo ba ko pinapasakay kasi aakyat kayo ng ligaw sakanya? Uunahan ko na kayo pero, madaldal yun, matakaw, maingay, at mas matalino ako—"

"Wala naman kaming sinabi. Grabe ka naman. Nilaglag mo pa kaibigan mo..." tatawa tawang putol ni Lay.

"Hindi ka pa pala-usap niyan ah? Parang madaldal ka rin eh..." komento naman ni Jhae.

"H-Ha?! No! Hindi niyo pa alam ang amats ng kaibigan ko..." tanggi ko.

Nang makadating sa kanto ng school ay bumaba na ako. Ako na ang nag sabi para makaiwas sa issue. Ayaw nilang pumayag kanina pero wala na silang magagawa.

"Uy! Anne!" tawag ng matinis na boses sa pangalan ko.

Lumingon ako sa likod at bumungad sa akin ang panget kong kaibigan.

"Oh, anong meron?"

"Kalahating oras kitang hinintay sa labas ng bahay niyo! Bakit ang tagal mo?"

"Ah, yeah about that—"

"At! Nung Biyernes, iniwan mo ko sa kinakainan natin, in the end ako na naman ang nagbayad!" angal niya.

"Well, yeah. Sorry..." sabi ko sabay kamot sa ulo. Tumango na lang siya.

"Ano yun? Bakit nga wala ka sa bahay?"

"Lumipat kami. Urgent kaya 'di ko nasabi sayo. Kaya hindi na rin ako nakapagbayad nung kinain natin. Sorry..."

"H-Ha?! Bakit kayo lumipat? Ang yaman yaman niyo? Konti nalang inyo na yung bahay...."

"'Di ko pa rin alam kung bakit nga ganon. Inaalam ko pa, hindi sinasagot ni nanay kung bakit eh..."

Bumuntong hininga na lang siya. "Okay...idaan mo ko doon sa bago niyong bahay ah?" tanong niya kaya tumango ako. "Sa ngayon, pumasok muna tayo...7:15 na, late na tayo ng fifteen minutes..."

Nanlaki naman ang mata ko doon. "Ano?! Bakit 'di mo sinasabi?!" pinagpapalo palo ko siya.

"Sorry!" tatawa tawa niyang sambit sabay takbo papasok.

Hinabol ko naman siya.

«—»

Window BuddyWhere stories live. Discover now