Chapter 29

13 4 0
                                    

4 years later..

Anne's POV

"Anak, anak patawarin mo naman ako. Patawarin mo ko anak."

Nakaluhod na si papa sa harapan ko habang nagmamakaawa. Hindi ako umiimik dahil hindi naman siya karapat-dapat sa boses ko.

"Anak, bumabalik na ako sainyo. Hinding hindi ko na kayo iiwan pa."

Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumagilid pa ng konti ang ulo ko. Ngumisi ako at pinaglaro ang dila sa loob ng bibig ko.

"Ganon?" hindi ko nakayanang hindi mag-salita. "Well sorry, you're too late."

Lumapit siya lalo sa akin habang nakaluhod. Pumapatak ang luha sa parehas niyang mata. "Anak, tatay mo pa rin ako."

Humakbang ako palayo. "Ilang taon na rin ang lumipas. Sanay na akong walang tatay na nagmamahal sa akin at kila nanay. Sanay na kaming wala ka."

Lumapit ulit siya sa akin at niyakap ang mga tuhod ko. Napahagulgol siya doon. "Patawad anak. Patawad."

"Uuwi na ko. Baka gabihin na ako. May mga projects pa kong dapat gawin."

Pilit kong ginalaw galaw ang tuhod ko para bitawan niya. "Wag na wag ka nang pupunta dito sa school. Ayokong makita ng mga ka-schoolmates ko ang pagmumukha ng isang tatay na katulad mo."

Pagkatapos magsalita ay naglakad na ako palayo sakanya. Hindi ko sinasadyang sabihin sakanya ang mga iyon. Nadala na rin ako ng damdamin.

Habang naglaakad palayo ay unti-unting pumatak ang ulan. Napatingala ako, at sunod na ginawa ay tumingin sa aking likod.

Nakaluhod pa rin siya at nakayuko. Tumulo na rin ang mga luha ko. Lumalambot na naman siya.

Lalapit na sana ako sakanya nang may dumating na mga estudyanteng may payong at pinasilong siya doon.

Napangiti ako. Naglakad sila pabalik sa school kung saan may mga extra na payong. Tumingin ang isang estudyante sa akin at nginitian. I mouthed the words 'thank you' to her.

Nagpakabasa lang ako sa ulan. Habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata.

"Anne. Wifey."

"Wifey. Huy," yugyog sa akin ni Jake. Napaungol ako at unti-unting minulat ang mga mata.

Bumungad sa akin si Jake na nakadungaw sa mukha ko. Napangiwi naman ako at pilit pang nilubog ang ulo sa unan.

Tinakpan ko ang bibig ko. "Ano ba?"

Napangisi siya. "Anniversary natin ngayon!"

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto iyon. Tumuwid siya ng upo sa kama kaya bumangon ako at dumiretso sa banyo.

Naalala ko naman bigla ang panaginip na parang alaala na rin. Napasandal ako sa pinto at napanguso. Lagi ko nalang napapaginipan ang pangyayaring iyon kahit isang taon na ang nakalipas. Tapos na kaming mag-kolehiyo't lahat pero pumapasok pa rin ang alaalang iyon sa akin.

Pilit ko nalang iwinakli sa isipan iyon at naligo. Nagbihis na rin ako ng plain white dress at tsaka nag doll shoes. Wala na si Jake sa kwarto paglabas ko kaya nag make up na rin ako ng slight.

What I mean by slight is pulbos. Nagpabango na rin ako at tsaka inayos ang buhok into beach wave curls.

Bumaba ako at bumungad sa akin si Jake na nakikipaglaro kay Klye. Dahil nine years old na si Klye, naging sobrang daldal niya na.

Mostly sa mga batang lalaki, tumatanda ng tahimik at cold. Ibang iba ang kapatid ko.

"Ate!!!" tumayo siya mula sa kandungan ni Jake at tumakbo palapit sa akin. Binuhat ko siya at hinalik-halikan niya ang pisngi ko. "Mwah! Enjoy kayo!"

Lumapit ako palapit kay Jake habang karga si Klye. Mabigat na rin ang batang 'to. Gusto niya pa ring magpabuhat.

"Laki laki mo na, nagpapabuhat ka pa," asar ko sakanya. Si Jake naman ay nakatingin lang sa amin habang may ngiti sa labi.

"Ate, diba nga, sabi ko hindi na ko mag papabuhat kapag eleven years old na ko."

Natawa kaming dalawa ni Jake. Laging ganto ang sinasabi ni Klye. Pero masyado nang matanda ang eleven. Di bale, pag nag ten siya marerealize niya rin na matanda na siya para sa buhat.

"Oh, akala ko ba ay aalis na kayo?" bungad ni nanay mula sa kusina. Mukhang naghugas ng mga plato.

"Nilaro lang po saglit si Klye."

Inupo ko si Klye sa sofa at tumayo. Ganon din ang ginawa ni Jake at agad naman kaming nagpaalam sa kanilang dalawa.

Nang makapasok kami sa kotse ni Jake ay hindi muna siya gumalaw. Hindi sinaksak ang susi at kung ano ano pa.

Nagtataka akong tumingin sakanya. "Why?" sabay ngiti sakanya.

"Dreamed about him again?" naglaho ang ngiti ko. I can't lie to him, he knows everything about me kaya tumango ako.

"Labas pa ba tayo?" nag-aalanganin niyang tanong.

"Oo naman," I shrugged. "I don't want to lock myself in my room. Kailangang lumabas para mawala na sa isip ko ang pangyayaring 'yon."

Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm always here wifey. Always."

«—»

"Naging halimaw ka na ata."

"Di mo ko pinakain kanina," pangdadahilan ko.

Nandito kami ngayon at nakain sa isang restaurant. Nakakailang subo palang siya habang ako ay halos maubos na.

"Late ka nagising eh."

Hindi na ako sumagot dahil alam kong kay tatay na naman mapupunta ang usapan.

"Open up, wifey. It's okay," pag-susumamo ni Jake. Umiling ako habang ngumunguya.

"Ayoko ngang masira ang mood natin ngayon. Let's just enjoy."

"You'll feel better kung malabas mo yan. Isipin mo lang na para kang dudum—"

Nabilaukan ako sa sinabi niya. Isa sa mga napansin ko kay Jake ay napaka-dumi ng isip niya. Nagsimula na lang yan nang magsimula siyang pumasok sa University namin.

Naimpluwensyahan siya ng sobra ng mga kaklase niya.

"Jake! Nakain tayo," sabi ko ng pabulong. Nag peace naman siya at tsaka nagsimulang kumain.

Bumuntong hininga ako. "Bakit ba kasi lagi kong napapaginipan 'yon? Pinapaalala lang noon sa akin na wala talaga siyang balak na balikan kami. Kasi diba, kung determinado kang gawin ang isang bagay, hindi mo susukuan."

Napatigil na rin si Jake sa pag-kain, tumingin siya sa akin at hinintay ang susunod kong mga sasahihin.

"Ilang taon na ang lumipas Jake. Apat na taon na. Apat. Pero simula nung mabigo siya sa debut ko at nung sa university, hindi na siya nagpakita muli. Ang duwag niya, sobrang duwag niya."

Humigpit ang kapit ko sa mga kubyertos na hawak ko. Agad naman itong inabot ni Jake at hinawakan.

"I may not know you father well. Kahit sabihin natin na iniwan niya kayo, tatay mo pa rin siya. And as crazy as it may sound, I still believe that your father will come back. You just have to trust him."

Ngumiti ako sakanya. Maybe I just really lost the trust he needs to come back to us. Maybe, just maybe he will come back.

"You saved my family once wifey, and I won't let your family remain broken."

«—»

Window BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon