Chapter 23

18 2 0
                                    

Anne's POV

Gaya ng pinangako ko kay Jake, kahit nag aalala ay ginawa ko ang lahat para sa finals. Sabado na ulit ngayon, at nasa ospital pa rin si Jake.

Lumala nga ang kondisyon niya, the tumor on his lungs metastasized. Nag-spread pa ito, kaya mas lalo siyang nahihirapan sa pag-hinga.

Kaya naman daw tanggalin. Pero ayaw pa ng magulang niya. Napaka-negative din pala ng parents ni Jake. Ang rason daw kasi ay kapag daw pumalpak ang operasyon ay iwan na sila ni Jake. Kaya ayaw muna nila para makasama pa ng matagal ang anak.

On the other hand, kabang kaba naman si nanay. Nang malaman nilang lumala ang sakit ni Jake, si nanay ang halos himatayin.

"Magandang tanghali po.." bati ko kay tita Lara. Siya ang nagbabantay kay Jake ngayon kasi kumuha ng mga damit si tito Lorenzo sa bahay nila.

Si nanay naman ay naiwan sa bahay dahil binabantayan niya si Klye.

"Oh hija," kakagising lang niya. Naaawa na nga ako sakanya kasi napupuyat siya sa kakabantay kay Jake. "Napadalaw ka?"

"Opo, Sabado naman po. Tapos na rin po finals namin," sagot ko sakanya. "Magpahinga pa po kayo. Humiga kayo doon sa sofa at ako ang mag aalaga kay Jake."

Sinunod niya naman ako kaya ako ang umupo sa upuan na inuupuan niya kanina. Tinitigan ko ang maamong mukha ni Jake. Mahimbing itong natutulog at magaan ang paghinga niya ngayon.

"Jake," hawak ko sa kamay niya. "Magpagaling ka ah?" tumulo ang luha sa kanang mata ko.

"Hihintayin kita. Papagalingin kita. Ililigtas kita Jake. Kaya please, please hold on," napatungo ako at pinagpatuloy ang pag iyak.

"Oo naman.." napalingon ako sakanya. Halos pipikit na ang kanyang mga mata dahil para siyang intsik.

Pinunasan niya ang luha ko. "Wifey, bakit ka ba umiiyak? Okay lang ako. Magpapagaling ako para sayo. Kaya please wag ka nang umiyak. Lalo lang akong mahihirapan pag nakikita kitang nasasaktan dahil sakin.."

Napatango nalang ako at dahan dahang suminghot. Tumawa lamang siya ng mahina kaya napangiti na rin ako.

"Gusto mo kantahan kita?" tanong niya pero hindi ako sumagot. Tumawa lang ulit siya tsaka nagsimulang kumanta.

"I'll be the one that stays 'til the end, and I'll be the one that needs you again," tumigil siya saglit at hinaplos haplos ang kamay ko. "And I'll be the one that proposes in a garden of roses, and truly loves you long after our curtain closes."

Naiyak ulit ako. Tugmang tugma ang mga salita sa sitwasyon ngayon. Nilapit ko ang kamay niya sa labi ko at hinalik-halikan tsaka pinikit ang aking mata.

"'Cause I am the one that's waited this long, and I am the one that might get it wrong, and I'll be the one that will love you the way I'm supposed to, girl..." nagpatuloy siya. "But will you still love me when nobody wants me around, around? When I turn eighty-one and forget things, will you still be proud?"

Natapos ang kanyang pagkanta, at pareho kaming umiiyak. "Wifey, please trust me. I'll get better. And I won't leave you."

"You'll propose to me. I'll wait for that. Hmm?" paniniguro ko sakanya kaya mahina siyang tumango.

Maya maya lang ay may kumatok. Nurse ito at kasama nito si tito Lorenzo. Pinunasan ko ang luha ko tsaka tumayo.

Marahan akong tumungo bilang pagbati. "Good afternoon po.."

"Hello hija. Ichecheck lang niya si Jake."

Tumango ako at nagbigay daan sa nurse. Nginitian ko naman si tito Lorenzo kasi nakatitig siya sa akin.

"Kamusta ka?" tanong sakin kaya napataas ang kilay ko.

"O-Okay lang po," sagot ko. Nautal pa ko diba?

"Hija, pasensya ka na. Masyadong nagiging pabigat ang anak ko sa iyo. Ilang gabi ko ring pinagdasal na sana ay hindi maapektuhan ang pag aaral mo. Sana rin ay hindi ka nauubusan ng oras para sa sariling pamilya mo. Sana hindi ka rin mag sawa sa anak ko, kasi ikaw lang ang nagparamdam sakanya na mahalaga siya at ang buhay niya."

"Kami kasing sarili niyang magulang hindi namin napadama na mahalaga siya. Kaya siguro siya nagka-cancer. Kasi na-depress siya. Nag sigarilyo, nag bisyo, walang sawang pag cu-cutting classes, minsan nga hindi na siya napasok. Aalis siya ng bahay ng naka-uniform, pero malalaman nalang namin na hindi pala siya pumasok nung araw na yun."

"Nag sisisi ako. Kasi.." napahagulgol siya. "Kung pinahalagahan namin siya, hindi siya mag kakaganyan."

Natulala ako sakanya. Mahina ang pag kukwento niya at nasa pintuan kami kaya hindi rinig ng nurse at ni Jake ang sinasabi ni tito Lorenzo.

Pero grabe pala ang nakaraan niya. Narealize ko na hindi din pala siya nag ku-kwento sakin ng nakaraan niya.

"Pangako mo sa akin Anne, na hinding hindi ka mag sasawang mahalin ang anak ko. Selfish man, pero para sakanya naman."

Napatango ako. "Pangako po."

«—»

"Ate! Bakit lagi kang umaalis ng bahay?" salubong sa akin ni Klye pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ko.

Kakagising ko lang at hindi pa talaga ako nakain kaya gutom pa ko. "Klye, may inaasikaso lang."

"Bagay o tao?"

"Tao."

Nagulat naman si Klye. Napahawak pa ito sa kanyang bibig at saka nag sign na lagot daw ako kay nanay. "Sumbong kita. May boyfriend ka na.."

Napailing naang ako at nilagpasan siya. Bumaba ako at umupo sa tabi ni nanay sa hapag kainan at nagsimulang kumain ng almusal.

"Nay! Si ate may boyfriend na! Paluin mo yan 'nay! Paluin mo siya tulad ng pagpalo mo sakin," sumbong ni Klye habang nababa ng hagdan.

Nagtawanan kami ni nanay. "May manliligaw ang ate mo. Payag ka?" tanong ni nanay. Umupo na rin sa harapan ko si Klye.

"No! I should be the only boy in ate's life" sagot ni Klye.

Kailan naging sweet 'to? Hala siya.

"Hindi pwede. Sasagutin na rin soon ng ate mo yun eh," pang aasar pa ni nanay. Natawa ulit kami at lalo lang sumimangot si Klye.

"Aarrghhh! Fine! I accept that guy. Atleast ako ang unang lalaki sa buhay ni ate," sagot ni Klye.

"Hindi rin. Si papa ang unang lalaki sa buhay ko," sagot ko.

Lumungkot naman ang mukha niya. Nag-sisi ako bigla. "Oh I'm sorry Klye. Hehe."

«—»

Window BuddyWhere stories live. Discover now