Stage 26: Yearning

11.9K 639 141
                                    

Facebook Page to read #LTNI free (even with no data) https://www.facebook.com/LadyOnTheNextCubicleWP/

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

Sumilip si Isla sa parihabang bintana sa pintuan ng kwarto ni Liam sa ospital. Nanlumo siya. Magtatalong-araw na kasi at di pa rin ito gumigising mula sa pagkadisgrasya nito. "Doc. Dimples..." Ungol niya at nilingon si Noah na nagbabasa sa results ng check-up ng mga nurse kanina sa idolo. "Di pa rin siya gumigising..."

"Have patience.." Noah softly taps the clipboard on her head. "His body is recovering. So far naman sa results, walang complication sa katawan niya. His broken ribs are mending."

She pouts and peeks inside again. Liam is sleeping peacefully inside -- chest rising and falling on every breathe he takes. "Dalhin ko kaya si Peashooter rito ano? Baka siya magpapagising kay Isaiah." Patugkol nito sa inampon nilang walang balahibong pusa.

"No pets allowed." Noah looks down on her feet full of band-aid. "Mas pagtuunan mo ang paa mo."

"Paa?" Niyuko niya ang mga ito. "Nah..." Sumilip uli siya sa binata sa loob. "Di naman masakit ikompara sa pinagdadaanan ngayon ni Isaiah."

Napangiti nalang si Noah. The past five days, Isla won't stop asking him every now and then about his cousin's condition. It shows her great concern about his welfare. Di rin ito nababagot sa paghihintay sa labas ng kwarto nito. Kahit anong pilit niyang kumbinse rito na sa loob na maghintay, tumanggi ito at baka raw ma-stress si Liam pag nakita nito ang umiiyak na si Isla.

Napalingon ang doctor sa bagong dating na mga bisita. Avery and Isaac.

"How is he?" Tanong ng babae na humalik sa pisngi ni Isla at sinilip ang kaibigan sa loob.

"Okay naman ho raw, Ms. Avery." Ngiti ni Isla sa magandang dilag. Di pa rin niya mapigilang humanga sa ganda nito. Nakaka-girl crush.

Isaac then signals Noah to go far from the ladies. Noah then follows Isaac.

.

.

"You seem agitated?" Pamulsa ni Noah sa suot nitong puting doctor's coat. Isaac lends him a folder. Agad nagsalubong ang kilay niya na tinanggap ito. "What's this---" Napaurong ang dila niya sa unang nabasa pangalan sa dokumento. "Margaret Victoria Carolina Scott-Black?" His eyes then looks up to Isaac. "Scott? You know that name is considered as a 'bad word' on our family, right?" Ngiti niya. Pero unti-unting nabura iyon nang makita ang seryosong kulay tsokolateng mata ni Isaac. "Why are you giving me this?"

Isaac sighs. "Fire is doing some investigation..."

"About?"

"Margaret."

Niyuko ni Noah ang hawak na dokumento. "Fire is investigating a Scott? What for?" Tinitigan niya ang kaharap na pinsan. "Is there something going on?"

.

.

Avery taps some powder on Isla's pale face. "Dapat maganda ka paggising ni Liam." She smiles when Isla naturally blushes.

"O-Oy... grabe naman."

"You should be, Isla. Everytime you go out of the house... expect that you'll be meeting your ex. Kaya dapat bongga palagi ang mukha mo para magsisi siyang iniwan ka."

Loving the Nation's IdolWhere stories live. Discover now